CHAPTER 7

688 19 2
                                    

Chapter 07: DATE OR NO DATE?
#SPO:VDF

ZANE'S POV

"SHANAIA kanina pa tayong sinusundan ni Wilton!" nakangusong sumbong ni Alexa kay Shanaia.

"Alam ko!"

"Alam mo? Papaano?"

"Ramdam ko lang, hehe!"

"Sa tingin ko tungkol 'yon sa sinabi niya kanina kaya niya tayo sinusundan." si Rhea.

"Wala ka bang balak na makipag-date sa kanya? Ang cute-cute kaya ni Wilton tapos ang gwapo niya pa!" kinikilig na saad ni Alexa.

Cute na nga Gwapo pa!

Pero totoo talaga ang sinabi ni Alexa gwapo talaga si Wilton at maputi din ito, alagang-alaga ang kutis. Cute siyang ngumiti at tumawa pero walang makakatalo sa kagwapuhan ni Hance.

Kung para sa 'kin.

"Wala talaga"

"Talaga? Sayang naman!" nakanguso paring sambit ni Alexa.

"Wag mong pilitin si Shanaia kung ayaw niya." saad ko naman.

"S-shanaia? Pwede ba tayong mag-usap? 'Yong tayong dalawa lang?" biglang sulpot ni Wilton na ikina-gulat naming apat.

"Ha? Bakit? Tungkol saan?" gulat at nalilitong tanong ni Shanaia.

"Eh kasi..." pambitin niya. "'Yong tunkol sa sinabi mo kanina na—"

"Hindi ako pumayag?" pampuputol ni Shanaia.

"Oo eh... Baka nagbago ang isip mo?" umaasang tanong naman ni Wilton.

Ano ba ang nakain ng lalaking 'to? Patay na patay kay Shanaia.

"Kung ayaw mo ngayon baka sa ibang araw na lang? Maghihintay ako, pangako!" nakataas 'yong kamay ni Wilton animoy nangangako.

"I don't believe in promise, because promise are meant to be broken," seryosong-seryoso na sabi ni Shanaia. "At ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay 'yong nangangako pero hindi naman tinutupad."

Na iwan kaming lahat na tulala habang nakatingin sa kanya. Masyado siyang seryoso habang nakatingin kay Wilton.

"Weeewwwww!" sipol nong sino. Napalingon naman kami sa sumipol—at si Cedric kasama 'yong tatlong kwatog.

Kanina pa sila dyan?

"I don't believe in promise because promise are meant to be broken." panggagaya niya sa sinabi ni Shanaia.

"At ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay 'yong nangangako pero hindi naman tinutupad." dugtong naman ni Jason.

At sabay silang nag-apir.

"Grabe 'yong sinabi mo ha!" manghang-mangha na saad ni Cedric pero tiningnan lang siya ni Shanaia.

Bumalik na naman 'yong ugali niyang tahimik.

"Ayyy! Deadma?" pero wala siyang nakuhang sagot mula kay Shanaia.

SSG PRESIDENT OBSESSION: Vincent Dela Fuente (Obsession Series #1)Where stories live. Discover now