CHAPTER 3

536 18 0
                                    

Chapter 03: WISHING WELL
#SPO:VDF

RHEA'S POV

Heyyoww! Una-una sa lahat magpakilala muna ako. Ako pala si Rhea Perez ang nag-iisang magandang deyosa, charoot!

Nandito kami ngayon sa may mga malalaking puno sinisilong ang van na sinakyan namin, hindi parin kaming umaalis sa village na tinitirahan ni Shanaia. Hinihintay namin siyang lumabas sa bahay nila, mahirap talaga sila sa itsura pa lang ng kanilang bahay.

Pero pangmayaman ang kanyang taglay na kagandahan akala mo mayaman sila dahil sa taglay niyang ganda. Akala ko nga ay mayaman siya ngunit hindi pa. I never expected that she's a poor.

Kahit anong istado niya sa buhay mayaman man o mahirap ay tanggap namin siya at hinding-hindi na siya na iiba sa 'min dahil ganon ang magkaibigan , sabi ni Mom sa 'kin.

"That's her house?" tanong ng taong nasa gilid ko. Sino pa nga ba kung hindi si kwass—este 'yong pangit na si Cedric.

"Na kita mo na nga diba? Nagtatanong ka pa." sarcastic kong sagot.

"What I mean is... Bakit siya nakatira sa ganyang bahay? E, pangmamayaman nga ang kanyang beauty." paliwanag niya.

Tama naman siya.

"Yeah bro, you're right." pagsasang-ayon sa kanya ng kaibigan niyang si Jason.

Bigla na lang bumukas and maliit nilang kulay berdeng gate at lumabas doon si Shanaia habang hawak-hawak ang manobela ng kanyang bike. May laman na isang saplot na cellophane ang basket ng kanyang bike, kulay yellow na may halong black ang bike niya.

Naka-sando lang ito na kulay pink at malaki-laki sa kanya ng konti 'yong sandong 'yon at mukang naka-sports bra siya sa loob dahil may lumalabas na itim na bra sa may kilikili niya, naka-shorts din ito na kulay black, hindi naman masyadong maikli ang shorts na suot niya. At may body bag na itim sa kanyang bewang. Naka-tali ang dark brown niyang buhok at... Subrang kinis at puti nito!

Kahit malayo siya kitang-kita talaga ang kanyang kaputi-an, subrang kinis nito parang pang-anak mayaman ang kanyang kutis.

Dinaig niya pa ako, kami.

"Owwwwhhhh!!..." manghang-mangha na saad ng dalawa.

Si Cedric at Jason.

Na mangha kaming lahat kay Shanaia dahil sa mala-deyosa niyang kagandahan.

Sumakay ito sa bike na hawak-hawak niya at sinimulang magpedal ng bike, tumayo-tayo pa ito at mukang expert na expert pagdating sa pagba-bike.

Sana all na lang.

"Ang angas dude! Ang galing noh? Expert na expert!" manghang komento ni Jason.

"Sana all magaling magbike." nakangusong komento ni Alexa.

"She's really expert uhuh?" sambit naman ni Hance.

Huminto na ito sa pagpedal ng bike nang nasa tapat siya ng isang tindahan at—may lumabas doon na babae, may ka-e-daran na matandang babae. Bumaba si Shanaia sa bike niya at kinuha ang isang may kalakihang saplot na cellophane, at ibinigay niya ito sa matandang babae.

May kinuha naman ang babae sa bulsa ng bistida niya at mukang pera ang kinuha nito, bago niya ibinigay kay Shanaia. Tinanggap naman ni Shanaia at inilagay ang pera sa bulsa ng kanyang body bag na nasa bewang niya.

Mukang nagpaalam na si Shanaia sa babaeng ka-usap niya at sumakay muli ito sa kanyang bike na nakaparada. At sinimulang magpedal ulit.

"Ugh! Ang init naman dito, wala ba kayong aircon?" reklamo ni Zane habang na mamaypay gamit ang kanyang kamay.

SSG PRESIDENT OBSESSION: Vincent Dela Fuente (Obsession Series #1)Where stories live. Discover now