Chapter 10: SURPRISE
#SPO:VDF
SHANAIA'S POV
Isang linggo ang dumaan matapos ang pagsuyo ni Toks kay Mama at ang pamamaga ng braso ko. Mabuti na lang at naagapan ito ng maaga kaya hindi na tulad ng dati na kulay violet ito na may halong pula. Dinala rin ako ni na Mama at Papa sa hospital para ipatingin ang braso ko, at mabuti na lang hindi ito na bali o ano. Namaga lang ito at dahil sa malakas ang pagpalo sa aking braso kaya naging ganon ang kulay.
Isinumbong ng magulang ko sa barangay dito sa amin ang nangyari sa akin at kay Toks. Inaksyonan naman ni kaagad at pinaghahanap ang mga taong 'yun. Nahanap rin sila at nahuli ng barangay ngunit hindi na namin alam kung ano ang nangyari sa kanila.
Nakabalik na rin ako school at yung braso ko medyo namumula pa rin at minsan masakit-sakit pa rin. Sabi ng doctor talagang matagal na maghihilom ang braso ko dahil medyo malala ito, laking pasasalamat na lang daw at hindi nabali. Paunti-unti naman ito maghihilom kaya nagagalaw ko na ang braso ko.
Mabuti nga ay after no'ng trahedya ay may biglang announcement sa gc namin na walang klase na isang linggo dahil kung meron baka absent rin ako dahil sa kapakanan ko. Walang alam sina Zane sa nangyari sa akin dahil hindi ko na silang sinabihan.
Naki-hiram ako ng cellphone kay Kuya Tim para tingnan ang gc namin at sila rin ang gumawa sa akin ng facebook account na para daw kahit may cellphone na ako, madali ko ng i-log-in ang account ko. At saka na ako bibili ng cellphone kung kolehiyo na ako o kung makaluwag-luwag na.
"DID you know there was a three saddest love story about math?" biglang tanong ni Sir Albatross sa amin at kumuha ng chalk bago sumulat sa black board.
𝘛, 𝘗, 𝘈
"Who can tell us what's the T letter? Anyone?"
Napatingin ako sa katabi ko ng biglang tumayo ito.
"Yes Ms. Salvador,"
"T stands for Tangent, lines that had one chance to meet then parted forever." at umupo na siya.
Math...math...math.. Ang pinaka ayaw kong subject, ang subject na sumisira sa card ko. Mabuti na lang at umaabot ng 90 ang grade ko kahit na wala akong nahihintindihan ni isa, kung one plus one siguro with highest honor na ako at valedictorian. Sabi ni ateng Melai Cantiveros, no'ng nanood ako ng AAA.
First honor na valedictorian pa, sa'n ka pa?
Kahit na nakakaantok ang subject na 'to, tinatyagaan ko pa rin dahil grade ko ang nakasalalay kung 'di ako makikinig. Kahit misan hindi naman talaga ako nakikinig sa math.
"Ms. Reyes!"
"Sir!" napatayo bigla dahil sa pagkagulat at takot na rin dahil sa subrang lakas ng boses nang propesor namin.
Lagot...
"Are you with us Ms. Reyes?" no sir.
Napayuko ako sa kahihiyan.
"Ilang beses kitang tinawag pero nakatingin ka pa rin sa bintana! Sino ba ang nakita mo sa labas? Crush mo? Ningitian ka ba? Kinindatan kaya ka nakatunganga?" hirit naman ni sir.
Mukang 'di crinush back ng crush niya si Sir, bitter na bitter.
Natawa ang buong klase habang napangiwi naman ako dahil sa hirit niyang walang kwenta at hindi ko nakikitaan ng koneksyon. Porket nakatunganga sa bintana na kindatan, ningitian agad? 'Di ba pwedeng nag-iisip lang sa math na nagpapasakit ng ulo nang mga studeyante?
Tumayo ako. "The P letter stands for Parallel, lines that will never meant to meet. And A is for Asymptomatic-lines who can get closer and closer but it will never be together." at yumuko ako bilang galang.
YOU ARE READING
SSG PRESIDENT OBSESSION: Vincent Dela Fuente (Obsession Series #1)
RomantikVincent Dela Fuente. The cold and strict SSG President of Selesca University. But that strict and coldly SSG President will change, because of girl named Shanaia Reyes. O B S E S S I O N 1: Vincent Dela Fuente ©𝐀𝐥𝐥 𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐑𝐞𝐬𝐞𝐫𝐯𝐞𝐝.2...
