CHAPTER 11

55 1 2
                                        

Chapter 11: FIRST
#SPO:VDF

Trigger Warning: This chapter contains depictions of bullying, physical violence, and injuries. Reader discretion is advised.

SHANAIA'S POV:

Natawa ako sa sinabi ni Ray. Hindi ko rin na deniny dahil totoo naman na iyakin talaga ako simula bata pa.

I suddenly remembered our childhood. I first met Toks and Ray when I was 7 years old. We fought over the silliest things. That time, we were fighting over our neighbor's ball. It belonged to Kuya Rex, who was a year older than us.

He had lent me his volleyball and I was practicing how to play with it.
Then I suddenly spiked the ball into Ray's face. It was an accident! I didn't mean it. I was just playing around and I didn't see that Ray was in front of me!

Iyak siya ng iyak ng natamaan ko siya ng bola, dumugo pa ang ilong niya. Galit na sumugod si Toks sa akin at pinagtutulak-tulak ako hanggang sa nadapa ako sa putikan. Kung ano-ano na ang lumabas sa bibig niya habang tinutulak niya ako. Habang ako'y natatakot at iiyak na.

"Salbahe kang Ingles ka! Bakit mo pinatamaan ang kaibigan ko ng bola ha!!??" galit na galit na sigaw niya.

"Wh-at? I di-did-n't mean...it! It was an accident! 'Di ko siya pinatamaan!!!" sigaw ko rin pabalik.

"Don't you Ingles me! Magtagalog ka!" sigaw pa rin siya ng sigaw.

Huh? I already told her I didn't mean it! At saka hindi naman siya ang natamaan ko ha? Ba't siya galit?

"Huwag mo akong sigawan!!! Hindi naman ikaw ang tinamaan ha? Accident 'yun okay?" maiyak-iyak na ako sa sakit dahil tinulak niya pa ako ulit!

Hindi ko mapigilan kaya't tumayo ako at sinugod siya! Danapa siya sa kanal ng mga pato. Eww kadiri..

"WAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!" mahabang sigaw niya.

Hindi ko alam kung galit ba siya o iiyak ba siya dahil sa itsura niya na puro putik.

"Tokss!!!!"

Nagulat ako ng may dumating na mataba na batang lalaki. Tinulungan niya ang nagngangalan na Toks kuno na makaahon sa putikan ng mga pato. Kasabay pala ng mataba na 'yun ang babaeng tinamaan ko ng bola kanina-umiiyak pa rin at masama ang tingin sa akin.

"Salbahe ka!" sigaw ng mataba!

What!? Inano ko siya? Papansin!

"What did I do to you? Sino ka ba?" ha! Sino ba siya para sigawan ako? Ni hindi ko nga siya kilala at yung dalawang babae eh!

Aksidente nga!

"Shanaia!!" gulat akong napalingon-si Kuya Rex! 'Yung nagpahiram sa akin ng bola na kapitbahay namin.

Umiiyak akong tumakbo papunta kay Kuya Rex kahit na puro putik ang katawan ko dahil sa kagagawan ng babaeng nagngangalan na Toks na ang haircut ay tulad kay Dora!

"Anong nangyari sayo?" nag-aalala niyang tanong at sinipat ang katawan ko na puro putik.

Magsusumbong na sana ako pero naunahan ako ng babaeng dumugo ang ilong! Yung hanggang leeg din ang buhok pero walang bangs tulad ng kay Toks na Dora.

"Hoy! Siya ang may kasalan sa akin! Tinamaan niya ako ng bola niya!" sigaw niya!

Hindi na tulad ng kanina ang ilong niya na maraming dugo ang lumabas, kakaunti na ngayon pero dumudugo pa rin naman. Ngayon ko lang napansin na pati noo niya ang pulang-pula rin at may sugat sa may bandang labi niya! Napuruhan pala siya? I didn't mean it okay?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SSG PRESIDENT OBSESSION: Vincent Dela Fuente (Obsession Series #1)Stories to obsess over. Discover now