CHAPTER 9

153 6 3
                                    

Chapter 09: OPLAN
#SPO:VDF

SHANAIA'S POV

"SO, what's the plan?" tanong ni Kuya Rex.

Nagtipon-tipon kaming anim sa isang mahabang lamesa na gawa sa kahoy. Nagpa-plano kung papaano susuyuin ni Toks si Mama at humingi na rin ng tawad.

Tinulungan namin si Toks kung papaano niya susuyuin si Mama.

"What if bigyan mo nang bulaklak si Aling Tina? Diba ganon ang uso ngayon? 'Yong kung magtampo ang jowa mo bibigyan mo ng bulaklak?" aniya Ray.

Nakatanggap naman siya ng palatok mula kay Kuya Rex.

"Bakit? Jowa ba ni Aling Tina si Toks? Hah?!"

Sinamaan niya ng tingin si Kuya Rex. "Opinion ko lang 'yon, diba kanya-kanyang opinion? At saka huwag ka ngang batok ng batok sa 'kin! Kanina ka pa ha?"

"Opinion, opinion, opinion mong kalokohan!"

"Huwag na nga kayong mag-away," sita sa kanila ni Kuya Tim.

"Ito kasi e nambabatok!"

"Boplaks ka kasi mag-isip."

"Pake mo ba?"

"Tss,"

"Isang away niyo pa, ihahagis ko na kayong dalawa." banta sa kanila ni Kuya Tim, seryoso ito.

Nagdilaan lang ang dalawa at nag-irapan.

Kahit kailan.

"E paano kung ipagluto mo si Aling Tina ng paborito niyang pagkain?" sadestyon ni Kuya Chubs.

"E papaano naman kung isampal niya sa 'kin 'yon?" sarkastikong aniya Toks.

"At saka, tuyo at itlog lang naman ang kayang lutuin ni Toks." sambad ko.

Natawa naman sila sa sinabi ko habang hindi na mapinta ang mukha ni Toks habang nakatingin sa 'kin.

"Bakit? Totoo naman ah?" inosenteng tanong ko.

"Tama! Tama! Isama mo pa ang instant noodles niyang na nasubrahan sa asin. May nakalagay na ngang paminta linagyan pa ng asin!" natatawang sambit ni Kuya Chubs. Lumuluha na ang magkabilang mata niya sa kakatawa.

"At 'yong pritong hotdog niyang nasunog," buyo ni Kuya Tim.

"Pati na rin 'yong pritong itlog na isang buong Magic Sarap ang inilagay, hahahah!!!" segunda ni Ray.

"Idagdag mo pa ang prinito niyang tuyo, itim na itim!"

Kawawang Toks. Napag-isahan.

"Ang sama niyo sa ‘kin! Parang ‘di kaibigan ha?" nakasimangot si Toks, hindi na ma-ipinta ang mukha niya.

SSG PRESIDENT OBSESSION: Vincent Dela Fuente (Obsession Series #1)Where stories live. Discover now