CHAPTER 4

485 17 1
                                    

Chapter 04: HER LIFE
#SPO:VDF

ALEXA'S POV

BUMALIK na kaming lahat sa pinagtambayan namin kanina. Nandoon sina Vincent at Shanaia, naka-upo lang at walang kibuan sa isat-isa na parang may sariling mundo.

Tutok lang sa cellphone niya si Vincent, nakakunot nuo. Habang si Shanaia nakapatong ang ulo sa lamesa ginamit niya ang dalawang kamay niya para gawing unan, nakapikit ang kanyang mata. Nasa kaliwang bahagi naman ng mahabang upuan si Vincent habang si Shanaia ay sa kanan.

*pout*

Mukang hindi nila naramdamana ng presensya namin. Nasa kanan kaming mga babae umupo habang silang mga lalaki ay nasa kaliwa naman.

Walang kibuan at subrang tahimik ng paligid. Huni ng ibon at lagoshos lang ng dahon ang maririnig mo, isama mo pa ang ihip ng hangin at ang magandang tanawin. Relaxing ang lugar. Malilimutan mo talaga ang problema mo.

Napatingin ako sa mga kasama ko na may sariling mundo at mukang walang balak umuwi. Tiningnan ko ang relo ko na nasa hands ko—2:25 na ng hapon! Napatingin ako sa gawi ni Shanaia, ang himbing ng tulog nito.

"Wala ba kayong balak umuwi?" nakangusong tanong ko habang pinaglalaruan ang kamay ko.

"Anong oras na ba?" tanong pa balik sa 'kin ni Jason my crush hihihi!

"2:27!!? Anak ng..." gulat na sabi ni Cecric "Hapon na dude!" napalakas ang pagkasabi nito kaya napalingon sa kanya 'yong dalawa, sina Vincent at Hance. "Hindi pa tayo nakakakain!" muling sambit niya.

Tumingin ito sa gawi ni Shanaia—tulog pa rin!? Ngayon ko lang na realize na mas maganda pala siya kapag natutulog, para siyang isang anghel.

*pout*

"Tulog?" tanong ni Cedric.

Napatingin silang lahat kay Shanaia na walang pake alam sa paligid niya, dahil sa himbing ng tulog nito. Kung mag-iingay kami magigising ba ito? Mukang hindi ata.

"Shanaia Reyes, gising!" paggigising sa kanya ni Cedric at niyugyog ito. Nakatanggap naman siya ng palo galing kay Jason my crush at pinandilatan siya ng mata.

"Huwag mong gising ang natutulog!" banta sa kanya ng crushiecakes ko.

Tama! Tama!

"Wew!" sipol ni Cedric "Bago 'yan, ha? Ako nga ginigising mo kahit ang himbing ng tulog ko! Anong nakain mo ngayon araw dude? Mukang anghel ata ang sumapi sayo ngayon o, baka naman na—" hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang batukan siya ni Jason.

"Baliw!" singhal sa kanya ni Cedric.

"Hey, Shanaia.." si Zane naman ang gumising pero tulog pa rin ito. Mukang kahit ilang beses itong gisingin tulog pa rin.

"Don't wake her up, let her sleep until she woke up." kasing lamig ng aircon ang pananalita ni Vincent.

Well, wala naman bago dahil ganyan talaga ang ugali niyan. Subrang lamig kung magsalita, kaya nga 'yong ilan sa mga students sa campus ay takot sa kanya. Maliban nga lang sa mga students na malalandi, titili tuwing nakikita siya o silang apat.

Pero kahit subrang lamig niya marami pa ring mga babaeng students na habol ng habol sa kanya.

Kung sa kanilang apat si Hance ang maraming admirer dahil mabait daw ito at na mamansin hindi tulad ni Vincent. Si Cedric naman ang babaero! Chixs dito, chixs doon, chixs everywhere. At isa rin itong bulero, pero maramin rin 'yan nanghahabol at may crush sa kanya at isa na doon si Rhea.

SSG PRESIDENT OBSESSION: Vincent Dela Fuente (Obsession Series #1)Where stories live. Discover now