CHAPTER 5

493 16 0
                                    

Chapter 05: CLOSE?
#SPO:VDF

SHANAIA'S POV

"ABA! Siyempre naman po Tita! Donchawori babalik ako, basta may pagkain ulit. Hihihihi." masiglang saad ni Alexa kay Mama.

Hindi ko mapigilan na hindi matawa dahil sa sinabi nito. Hindi ko ini-inspect na may pagka-isip bata ito. Palaging nakanguso nang walang dahilan at makulit din. At palaging nakapikit sa 'kin, kung hindi sa braso ko hahawak sa bewang naman.

"Shanaia, ma una na kami!" pamama-alam ni Zane, agad naman ako tumango dito.

"Mag-iingat kayo!" nakangiting saad ko. Sumunod naman nagpa-alam si Hance sa 'kin at sunod-sunod na sila maliban lang kay Vincent na hindi makatingin sa 'kin.

Na pako sa kanya lahat ng mga tingin namin, umangat naman ang isang kilay nito at binigyan ng nagtatanong tingin ang kasama.

"Why?" malamig na pananalita nito.

"Why?" panggagaya in Hance sa kanya.

"Oh! Yeah..." bumaling ito kina Mama at Papa "Thanks for the meal Uncle and Auntie, till next time."

"Walang ano man hijo, basta kaibigan ng anak namin welcome dito sa munting tanahan namin." nakangiting saad ni Mama.

Agad naman itong tumingin sa 'kin at tumango.

Tumango lang? Wala bang pa-thank you?

Wala naman akong magawa kung hindi ang tanguan din siya.

"Tango lang? Really dude? Wala namang pa thank you kay Shanaia?" tanong ni Cedric pero tiningnan lang siya ni Vincent.

"Ayos lang," agad na tugon ko "Mag-iingat kayo!"

"Una na kami Tita, Tito at Shanaia." si Rhea. Agad naman itong yumakap sa 'kin na ikina bigla ko! Sumunod naman si Alexa at kiniskis-kiskis ang pisnge nito sa 'kin at dinampian ako ng halik sa pisnge.

Nagulat naman ako do'n.

"Hihihihi... Halabyu! Mwah mwah!" masiglang saad nito at may pa flying kiss pa! Napatingin naman sa kanya ang mga kasama niya.

Sumunod naman si Zane para yumakap sa 'kin.

Don't tell me, lahat sila yayakap sa 'kin?

"Ako pa!" singit ni Cedric. Agad naman itong binatukan ni Jason.

"ANO BA!?" sigaw ni Cedric. Bakas sa mukha nito ang pagka-inis dahil sa ginawang pagbatok sa kanya ni Jason.

"Umayos ka nga!" sermon sa kanya ni Jason. Agad naman itong bumaling kina Mama at Papa para humingi ng paumanhin. "Pasensya na ho Tita, Tito." tanging tawa lang naman ang tugon sa kanya nina Mama at Papa.

"Geh. Una na ho kami!" nakangiting pamama-alam ni Zane bago ito sumakay sa van na sinakyan namin kanina. Si Jason ang nagmaneho nito.

"Bye Tita, Tito at sayo din Shanaia!" masigla paring saad ni Alexa. Tuluyan na itong sinara ang pinto ng van at umalis.

NANG nawala sila sa paningin namin tsaka kami pumasok sa loob ng bahay. Dumeretso naman ako sa kusina upang timplahan ng kape si Papa, isa na 'yon sa routine ko ang pagtimplahan ng kape sa gabi si Papa.

SSG PRESIDENT OBSESSION: Vincent Dela Fuente (Obsession Series #1)Where stories live. Discover now