CHAPTER 6

420 13 0
                                    

Chapter 06: ANNOUNCEMENT
#SPO:VDF

SHANAIA'S POV

DUMERETSO na ako sa counter at pumila. Ika-sampo ako sa mga students na pumipila sa line.

Hanggang sa inabot na ako.

"Ate isang pasta nga ho at isang apple juice!" bungad ko sa ateng kahera na nasa harapan ko.

"Sige ganda. 'Yon lang ba?" tanong niya, tumango lang ako bilang sagot.

Mga ilang minuto ang lumipas inilagay na ni ateng kahera ang platter sa harap ko na naglalaman ng pasta at apple juice na inorder ko. Ibinigay ko naman ang swipe card sa kanya at siya na ang nagswipe nito.

"Ito ang swipe card mo at 'yong order mo," tinanggap ko muna ang swipe card ko at inilagay 'yon sa bulsa nang akin skirt.

"Maraming salamat po!" aking pagpapasalamat nang makuha ko ang order ko.

"Walang ano man hija. Subrang ganda mo talaga, sana kasing ganda at galang mo ang magiging anak ko." na payuko naman ako sa sinabi nito.

"Salamat po ulit." ang tanging lumabas sa bibig ko bago dumeretso sa upuan namin.

Nandoon na silang tatlo.

"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Alexa sa 'kin nang nakaupo na ako, ngumuso pa ito na parang bata.

"Maraming taong nakapila," sagot ko at sinubo ang pasta na inorder ko.

Ang sarap!

"ANNOUNCEMENT TO ALL STUDENTS!"

Tumahimik naman kaming lahat ng may nagsalita. Nilibot ko ang paningin ko at may nakita akong malaking speaker na nakasabit sa pader. Mukang galing doon ang tunog.

"LAHAT NG MGA STUDENTS AY PUMUNTA SA AUDITORIUM! MAY MAHALAGANG E-A-ANUNSYO SI DEAN DELA TORRE! 'YON LANG, MARAMING SALAMAT."

Pagkasabi no'n ay agad namang nagsilabasan ang mga students sa cafeteria at pumuntang auditorium. May mga nagtutulakan pa palabas.

"Tara punta tayo," yaya ni Alexa, tumango naman kami.

Mabuti na lang dahil tapos na kaming kumain bago ang anunsyo kung hindi, baka masayang 'tong pagkain namin.

MARAMING mga estudeyante na lumalakad patungong auditorium. 'Yong ilan ay tumakbo kaya may nabubunggo nang ibang students.

"ARAY!"

Lumapit naman ako sa isang babae na nadapa dahil may bumunggo sa kanya na grupo ng mga maaarteng babae.

"Ayos ka lang Miss?" tanong ko at inabot ang kamay ko upang tulungan siyang tumayo sa pagkadapa niya.

Tuminghala ito sa 'kin. Nakasuot siya ng makapal na salamin at kumikinang ang brace sa kanyang bibig. Subrang kapal ng kilay at may mga tumutubong iba't ibang size ng pimples sa kanyang mukha.

Isa siyang Nerd.

"O-opo," sagot niya bago tinanggap ang kamay ko.

Pinagpagan niya ang skirt niya at muling tumingin sa 'kin. Ngumiti naman ako.

"Ma-rami-ng sala-ma-t po t-ala-ga at-e!" utal-utal ang pagkasabi niya.

SSG PRESIDENT OBSESSION: Vincent Dela Fuente (Obsession Series #1)Where stories live. Discover now