CHAPTER 1

1K 33 2
                                    

Chapter 01: FIRST DAY
#SPO:VDF

SHANAIA'S POV

*Tringg* *Tringg*

Napamulat ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Agad naman akong bumangon at inayos ang aking higaan.

5:55 na nang umaga malapit ng mag alas-sais. Kinuha ko ang tuwalya ko at pumasok sa banyo para maligo. Unang araw ko ngayon bilang isang studeyante. Senior high na ako at isang taon na lang tutungo na ako sa koleheyo.

Nang matapos akong maligo agad akong lumabas sa CR at kinuha ang school uniform ko na nakasabit sa pako sa may pader. Tiningnan ko muna ito ng maayos, maikli ang skirt. Ang bagay na pinaka-ayaw ko.

Sinuot ko agad ito. Sa subrang ikli ng skirt, isang tuwad mo lang makikita agad ang perlas ng silanganan mo! Kaya nag-short pants ako sa loob. Kulay crima ang skirt, puti naman ang blouse. Lagpas sa tuhod ang medyas at kulay puti ito na may tatak na logo ng school sa gilid. May ribbon din na nilalagay sa liig blouse na kulay abo. At yong blazer kulay abo din.

Parang korean uniform ang uniform namin. At yong sapatos mataas ito ng kaunti na parang boots, at kulay itim ito.

Isa ako sa mga scholars sa Selesca University ang sikat na unibersidad dito sa amin. Mabuti na lang at nakuha akong scholars para dagdag gastos na din kina Mama at Papa. Imbis na ipang gastos ko ngayon taon, iipunin ko na lang sa pagka-college ko.

Mahirap lang kami. Si Mama sa bahay lang, nagluluto din siya ng ibat-ibang uri na pagkain at binebenta ito minsan sa palengke at minsan nag-o-order kay Mama ang mga kapit bahay namin. At si Papa naman ang trabaho ay carpenter, sumasahod siya ng 500 sa isang araw at doon na namin kinukuha ang panggastos namin. Pero kahit ganon ay nakakaraos din kami sa mga pangangailangan namin.

Kahit mahirap lang kami hindi ko 'yon ikakahiya, dahil yon ang buhay na ibinagay sa amin ng dyos.

Kinuha ko ang bag ko at sinaklay ko sa kanan braso ko bago bumaba.

Habang bumaba ako natadhan ko si Mama na nasa kusina, nagluluto siguro ng umagahan namin. Dali-dali ako bumaba at dumeresto sa kusina kong na saan si Mama.

Yumakap ako sa likod nito na siyang pagkagulat nito.  "Good morning mama!" bati ko dito at hinalikan sa pisnge.

"Good morning din. Gising kana pala! Umupo kana at mag-almusal baka malate ka, first day mo pa naman ngayon." saad in Mama at linagyan ng pagkain ang plato ko.

"Opo! Teka po ma, nasan po si Papa? Bakit hindi siya sumabay sa atin?" tanong ko kay Mama. Napansin ko kasi na wala si Papa, nasanay na ako na sama-sama kaming tatlong mag-umagahan.

"Na una na siyang umalis, dapat daw early silang lahat para hindi mabawasan ang sweldo." pagpapaliwanag ni Mama.

"Ha? Ganon po ba? Wag kang magalala Mama! Kapag naging doctor na ako, hindi na kayo maghihirap sa pagkakayud ni Papa! Dahil ako naman ang magtatrabaho pa sa inyong dalawa, pangako po yan!" nakangiting saad ko.

Pangarap ko talaga maging doctor noong bata pa ako! At hanggang ngayon yon parin ang kursong pangarap kong kunin sa college. Kaya nagiipon ako nang-pera para sa tuition ko, dahil mahal ang tuition.

SSG PRESIDENT OBSESSION: Vincent Dela Fuente (Obsession Series #1)Where stories live. Discover now