DENIECE POV.
Napahinto 'lang ako sa pagtakbo ng nasa loob na ako ng subdivision. Lupaypay ang buong katawan ko na dumating sa bahay. Halos maputol na ang hininga ko dahil sa kakatakbo.
Napabuga na 'lang ako ng maalala ang reaksyon kanina sa guard na nagbabantay sa loob ng subdivision. Nagulat 'rin yata siya ng makitang nagtatakbo ako papasok. Luckily, pagkapasok ko sa subdivision ay may nakabantay na agad na tricycle kaya madali na 'lang sa 'kin papunta sa bahay nina Lianne.
"Den-den?" Siya 'ring paglabas ni Lianne sa gate at bakas sa mukha niya ang pag-alala. Bumaba agad ako sa tricycle at inalalayan niya ako.
"Bakit ganiyan ang itsura mo? May humabol ba sa 'yo?" tanong nito at pinagbuksan ako ng gate.
"Hinabol ako," wika ko at saka napalunok.
"Did you remember their faces? Their features? How they-?" Tinaas ko ang kamay ko hudyat na tumigil na siya sa katatanong kaya tumigil siya at saka tumikhim. Sandali akong napatitig sa kaniya ng nakatamdam ako ng paninibago sa kilos niya. Is it because he just worries about my situation?
"Ghost, sinundan ako ng multo," mahinang wika ko kaya nailing na 'lang siya at kitang-kita ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya. Napasimangot naman ako at padabog na sumunod sa kaniya habang masama ang tingin ko sa likod niya.
'Ikaw'ng pVtcha ang dahilan kung bakit ako naglalakad at kung pa'pano ako napadpad do'n sa bVllshit na daang iyln. Hindi mo 'ko pinasakay sa kotse mo dahil makasarili ka! Putcha!' halos murahin ko na sya ng murahin sa isip ko sa galit, nakakainis ang lalaking ito. Hindi pa rin nawala ang takot na nararamdaman ko.
Pagpasok ko ay nakita ko si Adrian na nakaupo sa may sofa habang busy sa video games at si Tita naman ay nakaupo 'rin sa sofa katabi nito. Nagliwanag ang mukha ni Tita ng makita ako at lumapit agad at nagmano.
"Pawis na pawis ka, hija. Anong nangyari?" Takang tanong nito habang pinapasadahan ako ng tingin. Akala ko tapos na ang kalbaryo ko pero parang hindi pa pala. May nagtanong naman sa 'kin.
"There's something went wrong," wika ni Adrian at saka ibinaba ang hawak niyang games controller. Umusog siya sa pagkakaupo at saka pinasadahan ako ng tingin.
"What's happened with you ate Den-den?" tanong ni Adrian at saka pinag-cross ang kaniyang braso na parang ini-interogate ako.
"Hinabol 'daw siya ng multo," wika ni Lianne at saka pumasok na sa silid nito. Napayuko naman ako at maglalakad na sana paalis pero natigil ang paa ko ng marinig ang tawa ni Adrian.
"Hahahah! Kapag ako makakita ng multo yayain ko siyang mag-dinner! Hahahahah!" Natutuwang tumatalon-talon si Adrian papunta sa silid ng kuya niya't pumasok diretso.
"Layas!" sigaw ni Lianne at binuksan ang pintuan. Nasilip ko si Adrian na nakaupo sa kama ni Lianne habang nakasimangot.
"Sabihin ko ba kay Ate Den-den?" Ngumuso pa ito. Nagbago bigla ang mukha ni Lianne at saka isinarang muli ang pinto at hindi na pinalabas si Adrian. Napakunot ang noo ko at naging kuryoso 'rin kung ano ang dapat sasabihin ni Adrian.
Ipinagkibit-balikat ko na 'lang 'yun at saka naupo sa sofa at isinandal ang ulo ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Tita Jessa kaya napapikit ako dahil sa hiya.
"Pabayaan mo na ang magkapatid na 'yun. Napagkasunduan ka 'lang at isa pa, baka pakiramdam mo 'lang na may multo pero ang totoo ay wala talaga," wika ni Tita Jessa na siyang kinabuga ko na 'lang ng hangin.
BINABASA MO ANG
Take A Rest On My Shoulder
Dla nastolatkówObeying her parents' is a life for Deniece Monteverde. She just wants to make her parents' proud of her and the only way is to obey them. Nang humingi ng pabor sa kaniya ang magulang niya na manirahan muna siya sa bahay ng mga Hernandez ay wala si...