DENIECE POV.
I woke up because of the tinnitus alarm clock. Kinusot ko pa ang dalawang mata ko bago naupo sa kama. Kama? Napahawak ako sa kumot ko at agad na napakunot ang noo ng maalala na sa sofa ako natulog kagabi.
Para akong takasan ng bait dahil sa naisip. Nag-init ang buong pisngi ko sa kadahilanang naisip ko.
Inis akong napagulo sa sariling buhok at saka bumaba sa kama. Agad naman akong pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos ko'ng maligo at dumiretso na ako sa cabinet at nagbihis ng pambahay, weekends kasi, 'eh.
Tamang-tama na pagkatapos ko'ng magbihis ay may kumatok sa pintuan ng silid ko.
"Sandali 'lang tita," wika ko at saka nagmamadaling binuksan ang pinto. Nag-init agad ang pisngi ko ng makasalubong ang mata niya.
"Pupunta tayo ng simbahan. Tara na sa dining," wika nito at aakmang aalis pero mabilis kong nahawakan ang kamay niya.
"Teka 'lang, i-ikaw ba 'y-yung lumipat sa 'kin?" nauutal na tanong ko habang kinokompas ang kamay. Tamad siyang nakatingin sa 'kin at ilang sandali pa ay tumango. Hell!
"B-Bakit naman? S-Sana ginising mo 'ko." Napalunok na 'rin ako sa sariling laway. Kulang na 'lang talaga ay magpagulong-gulong ako sa sahig dahil sa sobrang hiya.
"Don't mind it," wika nito at saka naglakad na paalis. Napabuga na 'lang ako ng hangin at saka sumunod sa kaniya. Pagdating namin sa dining ay ipinaghila ako ni Lianne ng upuan kaya wala akong nagawa kundi ang tumabi sa kaniya bilang respeto kahit ang awkward na.
Katabi ko si Lianne at kaharap si Adrian. Katabi ni Adrian ay si Tita Jessa at kaharap nito si Lianne habang nasa gitnang pwesto ng mesa naman si Tito Arnold.
"May pupuntahan ako ngayon pansamantala. It's a business issue at kayo na 'lang muna ang magsimba," wika ni Tito Arnold sabay subo ng pagkain. Napatingin ako sa katabi ko na seryoso 'lang ang mukha na kumakain. I can also feel the tense and his disagreement.
"Arnold—."
"Sige na, kayo na 'lang muna. Tutal, kasama niyo naman si Den-Den 'oh. By the way, I have to go," wika nito at saka tumayo na. Bilang 'lang sa daliri ang ginawang pagsubo ni tito Arnold. Iniurong ni Tito Arnold ang upuan at saka kinuha ang briefcase na nasa sofa at umalis na. Pagkaalis ni Tito Arnold ay agad na nalipat ang atensyon ko sa mag-ina na nagtitigan at tila nag-uusap 'lang gamit ang mga mata nila.
"Intindihin mo 'lang muna ang Ama mo, Lianne." Basag ni Tita Jessa sa katahimikan at unang kumawala sa staring contests niya ng anak niya. Buntong hininga 'lang ang sinagot ni Lianne at nilipat na 'lang sa pagkain ang kaniyang atensyon.
"Magbihis ka 'na, Den-Den," wika ni Tita na siyang kinatanguan ko 'lang. Napalingon pa ako kay Lianne na seryoso ang mukha habang may kausap sa cellphone. Sino kaya 'yan?
Hinalungkat ko agad ang cabinet ko pagkapasok ng silid ko at naghahanap ng magandang dress. I don't want to wear ang sexiest outfit like crop top. 'Yung gusto kong suotin ay 'yung dress na aabot sa ankle ko pero dapat bagay 'rin sa 'kin at hindi ako magmukhang Lola. Ayaw na ayaw ko'ng magsuot 'rin ng sobrang fit na damit at baka sasabihin ng mga taong nasa simbahan na sana sa bar na 'lang ako pumunta at hindi sa simbahan.
Pagkatapos ko'ng magbihis ay bumaba na ako ng hagdan at unang bumungad ng tingin sa 'kin ay si Lianne— he's wearing a semi-formal outfit. Nakatingin siya sa 'kin habang pababa ako ng hagdan kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan. Umiwas na 'lang ako ng tingin sa kaniya at naglakad na pababa.
"Tara na," wika ni Tita at saka maliit na ngumiti. "By the way, baka gusto niyong maglakwatsa at pupunta ng mall. How it is?"
"Yey! Mall!" sigaw ni Adrian. Batok naman ang nakuha niya kay Lianne kaya napahimas ng ulo si Adrian. Masama ang tingin nito sa Kuya niya habang nakasimangot pero wala man 'lang reaksyon si Lianne.
BINABASA MO ANG
Take A Rest On My Shoulder
Novela JuvenilObeying her parents' is a life for Deniece Monteverde. She just wants to make her parents' proud of her and the only way is to obey them. Nang humingi ng pabor sa kaniya ang magulang niya na manirahan muna siya sa bahay ng mga Hernandez ay wala si...