Kabanata 12

7.7K 357 19
                                    

Warning: R🔞

MARISTELA

    NAGISING na lamang ako ng may maramdaman akong mga labi sa aking tiyan.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay bumungad sa akin si Prinsipe Ozul na nasa pagitan ng aking hita at hinahalikan ang aking tiyan.

"Kay aga aga ay iyan agad ang naisipan mong gawin?" Hindi ko mapigilang hindi magsungit sa kaniya.

"Gising na ang masungit kon Reyna," Natawa ito. "Nais lamang kitang bigyan ng napakagandang umaga."

Umakyat ang halik nito hanggang sa magtagpo ang aming mga labi. Ramdam ko ang bawat ingat ang pagmamahal ng kaniyang halik.

"Ah!" Nakagat ko ang ibabang labi nito ng maramdaman ko ang kaniyang pagpasok. "Ang bilis mo–Ah!"

"Pagdating sa'yo Mahal kong Reyna ay mabilis ako lagi," Tugon nito bago dahan dahang gumalaw. "Ah!"

"Hmm," Naisubsob ko ang mukha sa leeg nito. "O-Ozul!"

Mabilis kong inilabas ang aking mga pangil at ibinaon sa kaniyang leeg. Ganoon din ang ginawa niya.

Ilang paggalaw pa ang ginawa niya bago sabay na manginig ang aming mga hita. Inayos nito ang suot ko bago humiga sa aking tabi.

"Hindi ba at iyon ang pinakamagandang pagbati sa umaga?" Yumakap ito sa akin. "Kamusta ang iyong tulog, Mahal ko?"

"Maayos," Tugon ko. "Nakatulog na ako sa paghihintay sa iyo."

"Dumating kasi ang mga opisyal, napag usapan namin ang pagluklok sa akin bilang Hari," Sambit nito. "Napag usapan din namin ang tungkol sa aking magiging Reyna."

Nakaramdam ako ng kung anong kirot sa sinabi nito. Tiyak na tututol ang lahat kung sinabi niyang isang Hybrid ang magiging Reyna ng isang purong bampirang Prinsipe.

"Niluluklok nila si Marzal," Mas lalo akong nakaramdam ng kirot sa dibdib dahil sa sinambit nito. "Ngunit tumanggi kami nila Ama at Ina. Dahil alam namin na ikaw lang ang karapat dapat na maging Reyna ko."

Kusang umusli ang isang ngiti sa aking labi dahil sa sinabi nito.

"T-Totoo?" Paninigurado ko

"Pagdating sa'yo aking Reyna, hinding hindi ako magbibiro," Tugon nito. "Ikaw lang naman ang nababagay na maging Reyna ng isang katulad ko."

Nawala ang pangamba sa aking dibdib. Niyakap ko si Ozul at hinalikan sa pisngi.

"Mabuti pa siguro ay bumangon na tayo upang makapag almusal," Sabi nito. "O baka naman ang Prinsipe mo ang gusto mong maging almusal?"

"Manahamik ka Prinsipe, nakakailan kana," Nakasimangot akong bumangon. "Halika na, gusto kona ring makita ang aking Ama."

Natatawang bumangon ito.

Magkahawak kamay kaming lumabas ng kaniyang silid. Ramdam ko ang tingin ng mga tagabantay at tagasilbi sa amin ngunit hindi sila pansin ni Prinsipe Ozul.

"Prinsipe, dito na lang ako," Pigil ko dito ng akmang papasok na siya sa loob ng hapag. "Ayoko ng atensiyon."

"Ngunit gusto kitang makasabay," Parang paslit na lumungkot ang mukha nito. "Hindi mo ba kayang pagbigyan ang Prinsipe mo?"

Napahinga ako ng malalim. "Matatanggihan ko ba naman ang ganiyang mukha mo?"

Parang paslit na ngumiti ito at mabilis akong hinalikan sa aking labi.

Sa amin agad napunta lahat ng atensiyon ng lahat ng nasa loob ng hapag kainan ng kami ay makapasok ni Prinsipe Ozul. Napatingin ako kay Ama na nakatingin sa akin habang nakangiti.

"Ina, patawad kung nahuli kami ng akin Reyna," Ipinaghila ako ng upuan ng Prinsipe Ozul. "Maupo kana, Mahal ko."

Kagat labing umupo naman ako. Umupo si Prinsipe Ozul sa aking tabi, kaharap nito si Marzal at kaharap ko naman ang Prinsipe Callum.

"Tayo ay may nakalimutan," Tumayo si Prinsipe Ozul at nilapitan ang aking Ama. "Alam ko pong hindi kakain ng maayos ang aking Reyna kung hindi kasama ang kaniyang Ama."

"Maayos lamang po ako Prin–"

Hindi na pinatapos ni Prinsipe Ozul ang kaniyang sasabihin. Hinila niya si Ama at pinaupo sa kabilang gilid ko.

"Maaari na tayong kumain," Nakangiting sabi ni Prinsipe Ozul at pinaghain ako.

Napatingin ako sa Hari at Reyna na nakangiti sa amin ni Prinsipe Ozul. Hindi ko maiwasang hindi mahiya. Ang mga purong bampira ay kasabay kong kumain ngayon.

"Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lamang ang pagkain mo," Sabi ni Ozul. "Hindi mo ba nagustuhan ang inihanda nila?"

"Hindi," Agad akong sumubo. "Hindi lang ako sanay."

"Natural, dahil ito ang unang beses na kakain ka kasama kaming mga matataas na nilalang," Sabad ni Marzal kaya napatingin ako sa kaniya. Eksperto itong nagpupunas ng kaniyang labi. "Tapos na ako."

Tumayo ito at ngumiti kay Prinsipe Ozul. "Maraming salamat nga pala sa matamis mong halik kagabi, aking Prinsipe Ozul."

Natigilan ako sa sinabi nito. Kaya ba siya nagtagal?

Hindi ko tinapunan ng tingin si Prinsipe Ozul, nagpatuloy lamang ako sa pagkain habang walang emosyon ang aking mukha.

"Mahal kong Reyna, hayaan mo akong magpaliwanag," Pagsusumamo ni Prinsipe Ozul. "Pakiusap."

Nilinon ko ang Hari at Reyna. "Maraming salamat po sa masarap na umagahan."

Tumayo ako at sunod na nilingon si Ama na kumakain pa rin. "Ama, maglalakad lakad lamang po ako sa labas ah? Ingat ka po."

Lumabas ako ng hapag kainan at ramdam ko namang nakasunod sa akin si Prinsipe Ozul.

"Marist–"

Malamig ko siyang nilingon. "Kapag sumunod ka sa akin ay hindi mona ako malalapitan pa."

Parang tutang umatras naman ito at nanahimik na lamang.

Lumabas ako ng palasyo at naglakad lakad habang tinitingnan ang mga tinda sa labas. Ramdam ko ang titig sa akin ng mga Bampira ngunit ipinagsawalang bahala kona lamang.

"Humalik sa iba tapos hinalikan ako," Nakasimangot kong bulong.

Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Ngunit napahinto ako ng may makabangga sa aking isang bata.

"Ayos ka lamang ba?" Tinulungan ko siyang makatayo

Madungis ang itsura nito, nasa tatlong taong gulang na siya at pansin ko ang pagkakahawig nila ni Prinsipe Callum. Amoy na amoy ko din ang pagiging Hybrid niya.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko dito

Kumurap kurap lang ito bago ako itulak at tumakbo palayo. Tinanaw ko lamang ito hanggang sa mawala siya sa aking paningin.

Naglakad na lamang ulit ako hanggang sa mapadpad ako sa isang malaking puno. Naupo ako sa ilalim non at pinagmasdan ang kalangitan.

"Anong ginagawa mo sa aking teritoryo?" Mabilis akong napatingin sa itaas ng puno ng may magsalita.

Si Prinsipe Callum.

"Hindi hinalikan ni Ozul si Marzal," Sambit nito at bumaba ng puno. "Si Marzal ang humalik kay Ozul, nakita ko ang lahat."

"Bakit mo sinasabi sa akin yan?" Tanong ko dito

"Dahil mukha kayong tanga ni Ozul," Tugon lang nito bago maglakad palayo

Ang sama talaga ng ugali niya. Magkaibang magkaiba sila ni Prinsipe Ozul.

The Cursed Vampire: Duology 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon