Kabanata 14

7.6K 311 6
                                    

MARISTELA

    "SAAN tayo magpupunta?" Tanong ko sa Prinsipe Ozul

Pinagbihis niya kasi ako ng damit pagsasanay na kamukha ng kaniya. Itinali ko ang buhok kong mahaba upang hindi makaabala sa aking mukha.

"Magsasanay tayo," Sagot nito na ikinalaki ng aking mga mata. "Handa ka bang samahan ang iyong Prinsipe sa isang pagsasanay?"

"Siyempre naman!" Masayang sagot ko dito. "Saan tayo magsasanay?"

"Sa madalas na pagsanayan namin," Hinawakan nito ang aking kamay. "Halika na."

Lumabas kami ng kaniyang silid. Kagaya ng dati ay nakatingin pa rin sa amin ang mga bampirang madaraanan namin.

"Sandali lamang," Paalam ko dito

Bumitaw ako sa kaniya at nagtungo sa kusina. Nakita ko doon si Ama na agad ko namang nilapitan.

"Ama," Tawag ko dito kaya napatingin siya sa akin. "Isasama daw ako ng Prinsipe na magsanay. Ayos lang ba?"

"Oo naman Anak," Ngumiti sa akin si Ama. "Sige na, mag iingat ka lamang."

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Salamat Ama."

Saglit pa kaming nag usap ni Ama bago ako umalis ng kusina. Nakasalubong ko si Harem kaya agad ko siyang hinarang.

"Maaari bang pakibantayan muna ang aking Ama?" Pakiusap ko dito

"Oo naman," Ngumiti ito. "Mag iingat ka."

"Salamat, Harem."

Lumabas na ako ng palasyo at nadatnan ko doon si Ozul na naghihintay kasama si Prinsipe Callum at ang mga kaibigan niya.

"Masyado kang pa-importante," Inikutan ako ng mga mata ni Marzal bago sumakay sa isang kabayong puti.

Sumakay na din si Prinsipe Callum at ang mga kaibigan ni Prinsipe Ozul na sila Lion at Harlon sa mga kabayo nila.

"Halika na," Hinawakan ni Prinsipe Ozul ang aking kamay.

Tinulungan niya akong sumampa sa isang kabayong itim at pagkatapos ay siya naman ang sumakay. Magkasama kami sa iisang kabayo. Nasa likuran ko siya habang ako naman ay nasa harapan niya.

"Humayo na tayo," Hinampas nito ang kabayo na agad namang tumakbo.

Halos kalahating minuto ang aming binyahe bago kami makarating sa isang malawak na lupain. Bumaba sila sa kanilang kabayo.

Binuhat ako ni Prinsipe Ozul at ibinaba sa kabayo.

"Ang lawak ng inyong pinagsasanayan," Hinarap ko ang Prinsipe. "Tiyak na masyadong grabe ang inyong pagsasanay."

"Dahil kailangan naming maghanda sa kung ano mang sakuna ang darating," Sagot nito. "Halika na."

Nabigla ako ng itulak niya ako, muntik na akong masubsob mabuti na lamang ay nakontrol ko ang aking sarili.

"Anong problema mo?" Sinamaan ko siya ng tingin

"Mahal kong Reyna, labag man sa aking kalooban ngunit nandito tayo para magsanay," Mahinahong paliwanag nito. "Kaya't handa kong tanggapin ang iyong galit para lamang sa pagsasanay na ating gagawin."

Napatango ako bago umayo ng tayo at ihanda ang aking sarili. Naiintindihan ko siya, sa lugar ng pagsasanay bawal ang mahina.

Walang sere-seremonyang sinugod ko siya ng suntok na mabilis niya namang naiwasan.

"Masyado kang mainit Maristela," Sa isang iglap ay nasa likuran kona siya.

Mabilis naman akong umikot at sinipa ito ngunit wala na siya doon.

"Pakiramdam mo ang amoy at bilis ng iyong kalaban," Sabi nito na nasa likuran kona naman. "Wag basta sugod ng sugod, matuto kang makiramdam."

Kunwaring umikot ako, nang maramdaman ko ang presensiya niya sa aking harapan ay mabilis ko siyang sinipa. Sa sobrang lakas ng aking sipa ay tumilapon siya.

"Magaling!" Nakangiting sabi nito habang sapo ang kaniyang tiyan. "Ngunit ang sakit ng iyong ginawa sa akin."

"Nasa pagsasanay tayo at kalaban kita ngayon," Sabi ko lang dito.

Mabilis itong sumugod, nasuntok niya ako sa tagiliran kaya napaatras ako at napasapo dito.

Ang sakit!

"Ayos ka lamang ba?" Naramdaman ko ang paglapit nito. "Patawad–"

Malakas ko siyang sinuntok sa leeg dahilan para siya ay mapaatras. "Wag na wag kang maaawa sa iyong kalaban."

"Ako'y iyo na namang naisahan," Parang batang sabi nito na ikinatawa ko.

Nagpatuloy lamang kami sa aming pagsasanay hanggang sa kami ay matapos. Parehas kaming humiga ni Ozul sa damuhan habang hinahabol ang aming hininga.

"Ang galing mo," Sabi nito. "Masyado mo akong pinahahanga."

"Mas magaling ka," Nilingon ko siya. "At akala mo siguro ay hindi ko batid na pinipigilan mo ang sarili mong saktan ako?"

Ngumisi lang ito bago yumakap sa akin.

Saglit pa kaming nagtagal doon bago namin napagdesisyunang bumalik sa palasyo.

"Magaling ding lumaban si Marzal," Sabi ko kay Ozul habang nakasakay kami sa kaniyang kabayo. "Ganoon din ang iyong kapatid at mga kaibigan."

"Bata pa lamang ay nagsasanay na kami ng magkakasama," Tugon nito. "Buhay pa ang Lolo kong tagapagsanay namin ay sama sama na kaming nagsasanay."

"Ako naman ay mag isang nagsasanay sa kagubatan ng palihim," Kuwento ko. "Ayaw kasi ni Ama na mag isa ako sa gubat dahil delikado."

"Hindi ka naman nag iisa, bata pa lamang ay binabantayan na kita," Bahagya akong napalingon dito. "Oo, Aking Reyna. Matagal na akong nakasubaybay sa iyo."

Kaya pala sa tuwing magsasanay ako ay may nararamdaman akong mga matang nakabantay sa akin.

Nang makabalik kami ng palasyo ay nagkakagulo ang lahat na aming ikinataka.

"Anong nangyayari?" Kunot noong tanong ni Prinsipe Ozul sa isang tagapagsilbi.

"Nag aagaw buhay po ang Hari," Sagot nito na ikinagulat ko. "May naglason po sa kaniya."

Agad namang tumakbo paakyat ng ikalawang palapag si Ozul, sumunod naman dito si Prinsipe Callum. Akmang susunod ako ngunit natigilan ako ng may kamay na humablot sa aking braso.

"Hindi puwede doon ang mababang uri," Mapanuyang sabi ni Marzal. "Hindi ka kailangan doon."

Matapos niyang sambitin iyon ay tumakbo siya paakyat din ng ikalawang palapag. Wala akong nagawa kung hindi ang maghintay sa ikaunang palapag.

"Maristela," Napalingon ako sa taong tunawag sakin. Si Harem

"Harem," Nilapitan ko siya. "Totoo ba ang nangyari sa Hari?"

Seryoso itong tumango. "May naglagay ng lason sa kaniyang inumin."

"Sana ay maging maayos ang Hari," Alalang sambit ko. "Si Ama? Nasaan?"

Hindi ito sumagot na ikinataka ko. Bakit parang may hindi magandang nangyayari?

"Harem?" Tawag ko dito

"A-Ang Ama mo ang lumason sa Hari," Parang tumigil ang paghinga ko dahil sa sinabi nito. "N-Nasa kulungan siya ngayon, hinuli siya ng mga kawal kanina.."

The Cursed Vampire: Duology 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon