Kabanata 13

7.3K 334 11
                                    

MARISTELA

     NAPUTOL lamang ang aking pagmumuni muni ng may mga brasong pumulupot sa aking beywang. Hindi ko matukoy ang amoy nito ngunit alam kong si Ozul siya.

"Sinabi sa akin ni Prinsipe Callum ang totoong nangyari," Sinandal ko ang ulo ko sa kaniyang dibdib. "Patawad sa aking inasal kanina."

Hindi ito kumibo, pinanatili ko lamang ang aking ulo sa kaniyang dibdib ngunit napakunot noo ako ng may maramdaman akong balahibo dito.

Wala namang balahibo sa dibdib ang Prinsipe.

Nilingon ko ito at napamuglat ako ng makita ang isang lobo na nakangisi sa akin. Mabilis akong tumayo at lumayo dito, mabangis ko siyang tiningnan.

"Galit kana agad samantalang kanina ay damang dama mo ang aking makisig na katawan," Nakangising sabi nito

"Sino ka?" Walang emosyong tanong ko dito. "Anong ginagawa mo dito sa teritoryo ng mga bampira?"

"Ang pagkakaalam ko ay ang punong ito ay sakop na ng aming teritoryo," Tugon nito at tumayo

Makisig ang lobong ito parang si Prinsipe Ozul, mahaba ang kaniyang buhok at base sa kaniyang itsura ay isa siyang maharlika.

"Ako nga pala si Lorcan, ang itinakdang prinsipe ng mga lobo," Pakilala nito

Kinuha nito ang aking kamay at hinalikan iyon.

"Anong ginagawa ng magandang Hybrid na kagaya mo sa aming lupain?" Tanong nito

Hindi naman siya mukhang masama, napaka-panatag ng aking loob sa kaniya.

"Gusto ko lamang mapag-isa," Sagot ko. "At bigla kang sumulpot."

"Patawad," Natawa ito. "Ito rin kasi ang paborito kong lugar sa tuwing gusto kong mapag isa."

Napatango na lamang ako.

"Kaamoy mo ang isinumpang Prinsipe," Napatingin ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. "Marahil ay ikaw ang itinakda sa kaniya. Kung gayon ay parehas kaming itinakda sa isang Hybrid."

"Isang Hybrid na lobo?" Umiling ito

"Sa isang Hybrid na bampira," Tugon nito na ikinaawang ng aking mga labi. "Ngunit hindi ito tanggap ng aming mga nasasakupan kaya hindi kona alam ang aking gagawin."

"Base sa iyong pananalita ay iniibig mo ang Hybrid na iyon?" Natawa ito. "Kung gayon ay dapat ipaglaban mo siya."

"Madaling sabihin ngunit mahirap gawin, alam mo naman siguro ang away sa pagitan ng mga bampira at lobo hindi ba?" Hindi ako nakakibo. "Matinding hidwaan ang mayroon sila kaya't paano ko ipaglalaban ang aking pagmamahal kung ang magkaibang lahi ay hindi magkasundo?"

Napahinga na lamang ako ng malalim. "Ang hirap talaga ng sitwasyon nating lahat. Ako naman ay gusto kong ituring kami ng mga purong bampira ng pantay, sana ay hindi na nila kami maliitin."

"Kakaiba ang determinsayon at tapang na nararamdaman ko mula sa iyo," Nakangiting sabi nito. "Ako'y mauuna na, sana ay magkita pa tayong muli."

Tumayo ito kaya tumayo din ako.

"Masaya ako sa naging pag uusap natin," Kinuha nito ang aking kamay at muling hinalikan. "Sa oras ng iyong pangangailangan, tawagin mo lamang aking ngalan at ako'y darating para ika'y tulungan."

Nag anyong lobo ito bago tumakbo palayo. Tinanaw ko lamang ito hanggang siya ay mawala sa aking paningin.

Tumalikod naman ako ngunit ako'y natigilan ng bumungad sa akin si Prinsipe Ozul na walang emosyong nakatingin sa akin.

"Ganiyan kaba kaabala kausap ang lobong iyon kung kaya't hindi mk naramdaman ang aking presensiya?" Malamig na tanong nito. "Kung ganito lamang pala ang aking madadatnan sa aking pagsunod at pag aalala sa iyo ay sana ay hindi na ako nag abala pa."

"W-Wala naman kaming ginagawang masama," Mahinang sambit ko dito. "Nag usap lamang kami."

"Parte ba ng pag uusap ang pagsandal mo sa kaniyang dibdib at paghalik niya sa iyong kamay?" Walang emosyong tanong nito. "Hindi mo man lang ba nalaman ang aming pagkakaiba?"

"Patawad, hindi ko naman alam na teritoryo na pala ng lobo itong ating tinatapakan ngayon," Napahinga ako ng malalim. "Patawad na."

Napahinga din ito ng malalim bago maglakad palapit sa akin. "Labis akong nag alala sa iyo, isa siyang lobo baka sinaktan ka niya."

"Mabait siya, siguradong nakita at naramdaman mo iyon," Sambit ko dito. "Ako ba ay iyo ng napatawad?"

"Sa tingin mo ba ay kaya kitang tiisin?" Napasimangot ito. "Ngunit hindi ko gusto ang iyong amoy."

"Maliligo ako pagbalik sa palasyo," Ikinapit ko ang aking kamay sa kaniyang braso. "Tiisin mona lamang ang aking amoy. "

Natawa lang ito bago ako halikan sa noo.

Naglakad kami pabalik ng palasyo na magkahawak ang kamay. Bawat bampirang aming madadaanan ay yumuyuko sa prinsipe ngunit halata ang pagtataka sa kanilang mukha kung bakit kami magkasama ng Prinsipe.

Nang makarating sa palasyo ay agad akong idiniretso ng Prinsipe sa kaniyang silid.

"Magmadali kang maligo, lumalakas ang amoy ng lobo sa iyong katawan," Sabi nito. "Baka maamoy ka ng iba."

Walang hiya hiyang naghubad ako ng saplot sa kaniyang harapan, kita ko ang paglunok nito ngunit hindi niya ako magawang lapitan dahil sa aking amoy.

Pumasok ako sa kaniyang palikuran at nagsimulang maglinis ng aking katawan.

Sa gitna ng aking pagligo ay may mga brasong pumulupot sa aking beywang. Gulat kong nilingon ang Prinsipe na ngayon ay wala na ring saplot.

"Wala na ang amoy niya sa iyo," Sabi nito at hinalikan ang aking likuran. "Masyado kang kaakit akit, aking Mahal."

Hinarap ko siya. Kitang kita ko ang halo halong emosyon na naglalaro sa kaniyang mga mata.

"Masyado kang maganda Maristela, lubos akong natatakot na baka ikaw ay maagaw sa akin ng iba," Sabi nito

"Yun ay kung magpapa-agaw ako sa iba," Hinaplos ko ang kaniyang makisig na dibdib. "Prinsipe, nakuha mona ang aking puso."

Kitang kita ko ang saya sa mukha nito.  "Mahal na mahal kita ang aking Reyna."

Hinalikan nito ang aking labi pababa sa aking leeg. Marahan niyang dinilaan ang aking leeg at kinagat.

"Ngayon ay nagkasundo kami ng tadhana na dating isinusumpa ko," Sambit nito. "Maraming salamat sa pagdating sa aking buhay, Maristela."

The Cursed Vampire: Duology 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon