Kabanata 22

7K 329 13
                                    

     LAHAT ay napaatras na lamang habang nakatingin kay Ozul na wala na sa sarili at nag ibang anyo na naman.

"Wala na sa sarili ng tuluyan ang Prinsipe," Takot at lumuluhang sabi ng Reyna. "Mahal na Hari, ang Anak natin."

"Ganiyan nga Prinsipe, magalit ka!" Halakhak ng pinuno ng mga itim na kapa. "Patayin mo ang lahat!"

Nilingon ito ng wala sa sariling Prinsipe. Nanlaki na lamang ang mata ng pinuno ng mga itim na kapa ng nasa harapan na niya kaagad ang Prinsipe.

Hinawakan nito ang kaniyang leeg at pinugot iyon. Unti unting nasunog ang Pinuno.

Napatingin ang Prinsipe sa walang buhay na dalaga na nakahandusay at duguan.

"Mahal kong Prinsipe,"

"Hindi ba at tayong dalawa ay malapit ng ikasal?"

"Ang hilig mo talagang inaasar ako!"

"Mahal din kita,"

Napahawak na lang sa ulo ang Prinsipeng wala sa sarili dahil sa sunod sunod na imahe na pumapasok sa kaniyang isipan.

"Bumalik kana, Mahal ko."

Tila isang orasyon ang tinig ng dalaga sa kaniyang isipan. Unti unting bumabalik ang kaniyang totoong anyo at kasabay nito ang unti unting pagkawala ng itim na tinta sa kaniyang katawan.

Nang tuluyang makabalik sa sarili ang Prinsipe Ozul ay agad nitong nilingon ang dalaga.

"Maristela!" Agad niyang kinalong ang dalaga. "Mahal ko? Maristela, gumising kana."

Lumuluhang hinaplos niya ang pisngi nito. "M-Mahal kong Reyna? Pakiusap, gumising kana."

Walang salitang lumabas sa bibig ng dalaga, lahat ay nagluluksa, lahat ay umiiyak habang sinasaksihan ang dalawang nilalang na nagmamahalan.

"MARISTELA! PAKIUSAP GUMISING KA!" Umiiyak na pagmamakaawa ng Prinsipe. "BATHALA! PAKIUSAP, BUHAY KONA LAMANG ANG IYONG KUHANIN!"

Biglang may nag aapoy na liwanag ang sumulpot, lahat ay napapikit at nang sila ay muling dumilat ay wala na ito.

"Hindi ko kaya, pakiusap Maristela," Pagsusumamo ng binata. "Pakiusap, bumalik ka sa akin. Ikaw na lamang ang rason ko upang magpatuloy sa aking buhay."

Niyakap niya ang duguan katawan ng dalaga. Ngunit natigilan siya ng may kamay na humaplos sa kaniyang mukha.

"B-Bakit umiiyak ka?" Gulat ang matang napatingin ang binata sa dalaga na nanghihinang nakatingin sa kaniya. "P-Panalo ba tayo?"

Lalong bumuhos ang luha ng binata. "Nagbalik ka, maraming salamat."

"BUHAY ANG MAHAL NA REYNA!" Sigaw ng isang Hybrid na bampira.

"MABUHAY ANG REYNA AT HARI!" Sigaw naman ng purong bampira.

Lahat ay masayang sumigaw habang nakatingin sa dalawang nagmamahalan na masaya sa piling ng isa't isa.

*******************

MARISTELA

    HINDI ko alam kung paano ako muling nabuhay ngunit lubos akong nagpapasalamat sa bathala dahil iniligtas niya kami ng aking Anak.

"Wala na ang tinta," Hinaplos ko ang mukha ng aking Prinsipe. "Maayos kana, wala na ang sumpa."

"At dahil iyon sa iyo, Mahal ko," Binuhat ako nito. "Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita," Nakangiting sabi ko dito.

"Anak," Lahat kami ay napalingon sa nagsalita.

Si Ina. Wala ng itim na awra ang nakabalot sa kaniya, maaliwalas itong nakangiti sa amin.

"Ina," Tumulo ang aking mga luha habang nakatingin sa kaniya. "Mahal kong Ina."

"Masaya akong nalagpasan mo ang lahat, Maristela," Nakangiting sabi nito. "Masaya akong nakayanan ninyo ng iyong Ama."

"M-Masaya po akong makita ka," Bumaba ako mula sa pagkakabuhat ni Ozul. "M-Maaari ba kitang hagkan kahit sa huling pagkakataon lang?"

Tumango si Ina.

Inalalayan ako ni Ozul palapit kay Ina. Mas lalong lumakas ang aking hagulgol ng madama ko ang mainit na yakap nito.

"Kay tagal kon hinintay ang pagkakataong ito, ang mayakap at masilayan ka," Sambit ko dito. "Sobrang mahal na mahal kita, Aking Ina."

"Patawad kung ako'y maagang nawala, hindi man kita nagabayan ngunit masaya ako dahil lumaki ka kagaya ng aking inaasahan," Humiwalay ito sa yakap at pinunasan ang aking luha. "Wala man ako sa tabi ninyo ng iyong Ama, lagi ko nama kayong binabantayan at patuloy ko kayong minamahal."

Sunod sunod lamang akong tumango.

"Daratin ang araw na tayong tatlo ay muling makakapiling ang isa't isa," Sumulpot si Ama sa aking tabi. "At sa araw na iyon, lulubusin natin ang oras."

"Nawa ay patulo mo pa ring gabayan ang ating Anak," Unti unting naglalaho si Ina. "Mahal ko kayong dalawa."

Ngumiti sa amin si Ina bago siya tuluyang mawala sa aming harapan. Napayakap na lamang ako kay Ama.

"Maraming salamat, Ama," Saad ko dito. "Pangakong aalagaan kita."

"Ganoon din ako sa iyo, Maristela."

"Grabe! Ang touching!" Naputol ang emosyonal naming momento ng magsalita si Aechira. "Naaamoy kona ang ending."

"Maaari bang tigilan mona ang lenggwaheng yan?" Saway dito ni Callum. "Ikaw lamang ang nakakaintindi sa iyong sinasabi."

"Anong magagawa ko?" Inikutan nito ng mata ang Prinsipe Callum. "Masyado kasing makaluma ang panahon ninyo, ang sakit kaya sa ulo magtagalog."

"Mabuti pa ay bumalik na tayo sa palasyo," Suhestiyon ng Hari. "Prinsipe Lorcan, gusto namin sanang imbitahan kayo sa kasiyahan para sa ating tagumpay."

"Hindi ko tatanggihan yan," May akbay na itong magandang babaeng bampira–Isang bampirang Hybrid. "Lubos kong ikagagalak ang pagpunta sa teritoryo ng aking minamahal."

"Ano pang hinihintay ninyo? Let's go!" Masayang sabi ni Aechira

"Let's go?" Takang tanong ni Ozul

"Ibig sabihin ng salitang iyon ay Tara na, minsan naman ay ginagamit iyon kapag ika'y nasasabik," Paliwanag ko dito

Napatango ito bago ako buhatin.. "LET'S GO!"

"LET'S GO!" Hiyaw din ng mga lobo at bampira na aking ikinatawa na lamang.

The Cursed Vampire: Duology 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon