MARISTELAHUMINAHON lamang ako ng dumating ang manggamot na ipinatawag ni Prinsipe Ozul.
"Maaari bang iwan mo muna kami?" Sambit ko kay Ozul na napakunot noo. "Nais ko lamang siyang makausap ng masinsinan."
Tumango naman ito bago ako halikan sa noo. "Pakiingatan ang aking Reyna."
"Masusunod po, Prinsipe." Tugon dito nitong babaeng mangggamot
Nang makalabas si Prinsipe Ozul ay umupo ako sa higaan at walang emosyong tiningnan ang manggagamot na ito.
"Sinabi mo na ba kay Ozul ang bagay na iyon?" Walang emosyong tanong ko dito
"P-Po? A-Ang alin?" Utal at kinakabahang tanong nito
"Wag ka ng magmaang-maangan pa," Seryosong sambit ko dito. "Anong ibig sabihin ng tintang sumpa na lumilitaw sa aking tiyan."
Napakagat ito ng kaniyang ibabang labi. "Dahil sa pagdadalang tao mo, unti unti kana ding nababahagian ng sumpa, ganoon din ang inyong Anak."
"Anong mangyayari?" Tanong ko dito
"Hindi ko rin ho alam. Ngunit isa lamang po ang aking natitiyak, sa oras ng iyong pagsilang isa sa inyo ng bata ang mamamatay," Natigilan ako sa sagot nito. "Ngunit may isang paraan po upang mabuhay kayo ng inyong Anak."
Tiningnan ko lamang siya.
"Yun ay kung mamamatay ang nilalang na pinagmulan ng sumpang tinta," Pagpapatuloy nito
Kung gayon ay kailangang mamatay ng Prinsipe upang mabuhay kami ng kaniyang Anak.
"Maaari ka ng umalis," Sabi ko dito. "Wala sanang makaalam ng bagay na ito."
"Opo," Tumalikod ito
At saktong pagtalikod nito ay itinarak ko ang isang punyal sa kaniyang likod.
"Buong akala mo siguro ay malilinlang mo ako," Lalo kong diniinan ang punyal sa kaniyang likod. "Itim na kapa.."
Lumabas ang tunay na anyo nito. Lumayo ito sa akin at tiningnan ako ng nakangisi.
"Tunay ngang kakaiba kang Hybrid," Napaubo ito ng dugo. "Ngunit totoo ang aking sinabi, kailangang may mamatay upang may mabuhay."
"Tama," Mabilis akong lumapit sa kaniya at itinarak ang punyal sa kaniyang dibdib. "Kailangan mong mamatay upang ako ay mabuhay."
Tuluyan na itong nalagutan ng hininga, kasabay non ay ang pagpasok ni Prinsipe Ozul. Kita ko ang gulat sa kaniyang mukha.
"Maristela!" Inilayo niya ako sa itim na kapa na ngayo'y unti unting nasusunog. "Nasaktan kaba? Paano nakapasok ang isang yan?"
"Siya ang manggagamot," Mahinahong sagot ko dito. "Wag ka ng mag alala, maayos na ang aking lagay."
Nakahinga naman ito ng maluwag bago ako yakapin ng mahigpit.
"Pangako na ito na ang huling beses na makakapasok ang mga kalaban sa ating palasyo," Hindi ko alam ngunit parang inaantok ako dahil sa boses nito. "Mali, ito na pala ang huling beses na makikita ka sa palasyo."
Sa isang iglap ay napapaligiran kami ng itim na usok. Naitulak ko ang nilalang na nagpapanggap na Prinsipe.
Isang itim na kapa.
Ipinitik nito ang kaniyang daliri at unti unti na akong nilamon ng dilim.
"O-Ozul!"
********************
"O-OZUL!" Napamuglat si Ozul at dali daling tumakbo papasok ng kaniyang silid ng marinig niya ang boses ni Maristela sa kaniyang isipan.
Ngunit sa kaniyang pagpasok ay itim na usok na unti unting naglalaho lamang ang kaniyang naabutan.
"MARISTELA!" Sinubukan niyang hablutin ang itim na usok ngunit tuluyan na itong nawala. "MARISTELA!"
Lahat ay nabulabog sa sigaw nito.
"Anong nangyari?" Alalang tanong ng Reyna ng makapasok ito sa silid niya.
Kasunod nito ang Haring inaalalayan ng kaniyang kapatid at ang Ama ni Maristela. Samantalang ang iba naman ay nasa labas lamang at nakikiusiyoso.
"ITIM NA KAPA!" Galit na sigaw nito. "May mga itim na kapa sa kaharian, Ina."
Lumabas si Prinsipe Ozul ng kaniyang silid at ginamit ang kapangyarihan niyang pandama. Inisa isa niya ang paligid ng kaharian at ang mga bampira. Nang maramdaman niya ang iilang itim na kapa ay mabilis niya itong nilapitan at pinagpapapaslang.
"Nasaan ang aking Reyna?" Malamig na tanong niya sa isa. "Sumagot ka!"
"Papatayin na ang Reyna mo," Ngumisi ito. "Magwawakas na ang buhay ninyong lahat, kaming mga itim na kapa na ang mamum–"
Hindi na pinatapos ni Prinsipe Ozul ang sasabihin nito dahil agad niya itong pinaslang.
Lubos niyang sinisisi ang sarili niya, dapat ay hindi niya tinitipid ang kaniyang kapangyarihan ng sa ganun ay agad niyang naramdaman ang mangyayari sa kaniyang minamahal.
"MAHAL NA HARI!" Naagaw ng takot na tumatakbong si Harem ang atensiyon ng lahat. "MAHAL NA HARI!"
"Anong nangyayari?" Tanong dito ng Hari.
"L-Lobo, ang daming lobo sa labas!" Takot nitong sagot
Mabilis namang nagsitakbuhan palabas ng palasyo ang lahat ng nasa loob ng palasyo. Bumungad sa kanila ang mga malalaking lobo na nasa labas ng tarangkahan.
"Digmaan na naman ba ang inyong nais?" Mabangis na tanong dito ng Hari ng mga bampira.
Nag anyong kahawig ng tao ang isa sa pinakamalaking lobo. Bumungad sa kanila ang itinakdang Prinsipe ng mga lobo na si Lorcan.
"Mahal na Hari," Lahat ng Bampira ay nagulat ng lumuhod ito, ganun din ang ibang lobo. "Hindi kami nariti upang makipag digma."
"I know him!" Lahat ay napunta ang atensiyon kay Aechira ng magsalita ito. "Isa siya sa tumulong sa akin, mabait 'yang si Pogi."
Nilapitan ni Aechira si Lorcan at yumapos sa braso nito. "Hey people–I mean, hey vampires and werewolves. Marahil ay hindi ninyo ako natatandaan ngunit ako si Aechira ang Ama koay ang dating tagapagsilbi ng dating Hari na napagbintangan na lumason dito. Yes, mga kaibigan, ako ay isang tao."
Lahat ay napasinghap sa isiniwalat nito. "Kalma, okay? Hindi niyo nahahalata na ang dating nangyari ay nauulit? Ang kaibahan lamang ay imbis na magtulungan noon, ay lahat ay nag away at nagpatayan. Paano kung ibahin natin? Bakit hindi tayo magbuklod? Magkaisa tayong mapuksa ang tunay na may sala ng lahat ng nangyayari. Bakit hindi magtulungan ang bampira, lobo at tao?"
Hindi kumibo ang lahat na ikinairap ni Aechira. "Ang slow niyo naman! Hahayaan niyo na lamang bang mamatay si Maristela sa kamay ng mga itim na kapa? Kakaibang babae si Maristela, may lakas siya ng loob na wala ang iba sa atin, si Maristela ang magiging bagong Reyna ng buong palasyo. Ang bagong Reyna na babago at magbubuklod sa ating lahat."
"Tama siya Mahal na Hari," Sang ayon dito ng Prinsipe Lorcan. "Nais naming makipagtulungan sa inyo upang mapuksa ang mga itim na kapa."
"Kung gayon ay ako na ang tumatapos sa hidwaan ng mga lobo at bampira," Si Prinsipe Ozul na ang nagsalita. "Tayo ay magkakaisa magmula ngayon."
"TAMA!" Sigaw ng mga lobo.
"TAMA!" Sigaw din ng mga bampira.
"Kung gayon ay ano pa ang hinihintay natin? Let's go!" Masayang sabi ni Aechira.
"Hindi mo kailangang yumapos pa sa kaniya!" Hinila siya ni Prinsipe Callum palayo sa Prinsipeng lobo. "Sa akin ka lamang yayapos."
"Seloso mo naman," Mahina itong hinampas ni Aechira. "Tara na nga!"
Doon nagsimulang magbuklo ang mga lobo at bampira. Dahil sa isang babaeng Hybrid na may taglay na tapang ay unti unting naayos ang magkabilang pwersa at unti unting naglaho ang hidwaan sa dalawa.
BINABASA MO ANG
The Cursed Vampire: Duology 1 [COMPLETED]
VampireMaristela is a Hyrid Vampire, tao ang kaniyang Ina at Bampira naman ang kaniyang Ama. Palaging inaapi ang mga kagaya niya pero hindi alam ng mga ito na siya ang itinakda sa isinumpang Prinsipe. Galit siya sa mga purong Bampira na lagi silang minamal...