MARISTELA
NANG magising ako ay nasa isang pamilyar na silid ako. Silid ni Prinsipe Ozul.
"Maristela," Napalingon ako sa nagsalita.
Lumuluhang si Ozul ang bumungad sa akin, para itong batang tumatangis dahil iniwan ng kaniyang Ina.
"Anong nangyari?" Takang tanong ko. "Bakit?"
"Gising kana," Lumuhod ito sa gilid ko upang magpantay kami. Hinawakan niya ako sa kama. "Masaya ako at gising kana."
"Tumahan kana, para kang bata," Natatawang sambit ko. "Hindi bagay sa'yo Prinsipe ang tumatangis ng ganiyan."
"Kahit hindi bagay at nakakababa ng aking pagka-Prinsipe, tatangis pa rin ako para lamang sa iyo," Pinunasan niya ang mga luha niya. "Lubos mo akong pinag alala, buong akala ko ay hindi kana magigising."
"Ilang oras lamang akong tulog, Prinsipe," Sabi ko dito
Dahan dahan akong naupo sa kama, agad naman ako nitong inalalayan.
"Ngayon ang araw ng piging hindi ba?" Tumango ito. "Nasaan na yung mga itim na kapa? Ang Lola ko?"
"Nailibing na ang iyong Lola," Tugon nito. "Nag iimbestiga na din ang mga kawal namin upang matunton ang kuta ng mga itim na kapa."
Napahinga ako ng malalim. "Wala na ang aking Lola,"
Umupo si Prinsipe Ozul sa aking tabi. "Siguradong masaya ang iyong Lola kung nasaan man siya. Wag ka ng malungkot."
Tumango na lang ako.
Wala ng sugat ang aking katawan ngunit nakakaramdam pa rin ako ng panghihina.
"May sasabihin ako sa'yo," Seryoso kong hinarap ang Prinsipe. "Hindi ako maaaring lumabas mamaya sa pagdiriwang na magaganap. Kabilugan ng buwan mamaya."
"Bakit? Hindi ba at mas mainam na ika'y lumabas upang madama mo ang enerhiya ng buwan?" Takang tanong nito
"Kabaliktaran ang akin, Prinsipe. Sa tuwing kabilugan ng buwan, ako'y nagiging isang purong tao," Sambit ko dito. "Purong tao na walang kakayahan at mahina." Hinawakan ko ang kwintas na nasa aking leeg. "Itong kwintas na ito ay ipinagawa ni Ama sa kaibigan niyang mangkukulam. Hindi kayo gaanong maaakit sa aking dugo, ngunit hindi ako sigurado ngayon, lalo na at nasa teritoryo ako ng mga purong bampira."
"Naiintindihan kona," Yumakap ito sa aking beywang. "Manatili ka dito sa aking silid mamaya upang hindi makapasok ang sino man."
Tumango ako.
"Prinsipe Ozul," Parehas kaming natigilan ng Prinsipe ng marinig namin ang boses ng Reyna sa aming isipan. "Papunta kami ngayon sa iyong silid. Gising na ba ang iyong Reyna?"
"Opo, Ina." Tugon dito ni Prinsipe Ozul
"Magaling. Ngunit pakisigurado na wala kayong ginagawang milagro ngayon," Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi ng Reyna.
Sinamaan ko ng tingin ang Prinsipe Ozul na tinatawanan ako.
"Sa ganiyang tingin mo ay naaakit ako," Sabi nito at mabilis akong hinalikan.
Biglang bumukas ang pinto kaya mabilis akong napatayo sa kama ng Prinsipe. Iniluwal non ang Hari at Reyna, kasunod nila si Marzal at Ama.
"Anak!" Nilapitan ako ni Ama at niyakap. "Patawad, dapat ay hindi kita hinayaang umuwi mag isa. Patawarin mo ako, Anak."
"Ama, wala ka pong kasalanan," Humiwalay ako sa yakap. "Maayos lamang po ako, huwag mo ng sisihin ang iyong sarili."
Humarap si Ama kay Prinsipe Ozul at lumuhod. "Maraming salamat po Mahal na Prinsipe, kung hindi dahil sa iyo ay siguro'y wala na ang aking Anak."
"Tungkulin ko pong iligtas ang babaeng nakatadhana sa akin," Halatang natigilan si Ama at ang iba sa sinabi nito. "Tumayo na po kayo."
Lumapit sa akin si Ozul. Kagaya ng dati niyang ginagawa, pinagdikit niya ang mga palad naming may marka na lumikha ng liwanag.
"Siya ang babaeng magiging Reyna ko," Nakangiting sabi ni Prinsipe Ozul sa kanila.
"Masaya ako para sa iyo, aking Anak." Nakangiting sabi ng Hari
Tumayo si Ama at lumapit sa amin.
"Patawad po Ama kung ako ay naglihim," Napakagat ako sa aking ibabang labi.
"Alam kona Maristela, una pa lang," Ngumiti si Ama bago balingan ng tingin si Prinsipe Ozul. "Nawa ay ingatan mo ang aking Anak."
Nakangiting tumango lamang si Prinsipe Ozul.
"Magandang balita ito mamaya," Nakangiting sabi ng Hari. "Magandang pagkakataon ang mamaya para ipakilala ang magiging Reyna ng itinakdang Prinsipe."
"Hindi ho maaari," Seryosong sabi ko. "H-Hindi pa ho ako handa sa ganiyan. Nais ko pong tanggapin muna ako ng mga purong bampira bago nila malaman ang lahat. At isa pa po ay, hindi ako maaaring lumabas ng bilog ang buwan."
Napatingin ako kay Ozul. "Tuwing kabilugan ng buwan ay hindi po ako bampira. Isa akong purong tao."
Napasinghap sila sa aking tinuran kaya napahinga na lamang ako ng malalim.
"Yun po ang dahilan kaya umuwi ako kahapon," Dagdag ko pa. "Ngunit hindi ko inaasahang mga itim na kapa ang sasalubong sa akin."
"Naiintindihan namin," Nakangiting sabi ng Reyna. "Irerespeto namin ang iyong desisyon."
"Salamat po,"
Saglit pang nanatili ang mga ito bago lumabas. Ngunit si Marzal ay nagpa-iwan.
"Maaari ka ng lumabas," Sabi dito ng Prinsipe.
"Prinsipe, hindi ba at nangako ka na tuturuan mo akong magpalaso ngayong araw?" Nakangiting tanong nito
"Higit na kailangan ako ni Maristela, magpaturo kana lamang kay Hiser," Sagot dito ni Prinsipe Ozul bago ako yakapin sa beywang. "Labas na."
Tiningnan ako nito ng masama bago padabog na lumabas.
"Patay na patay sa iyo si Marzal," Sinuklay ko ang buhok nito gamit ang aking mga daliri. "Marahil ay kailangan mo ng suklian ang kaniyang nararamdaman."
"Kaibigan lamang ang tingin ko kay Marzal," Tugon nito. "Dahil nahulog na ang loob ko sa isang babaeng, matapang, may paninindigan at laging galit."
Malakas na kumalabog ang aking dibdib sa sinambit nito.
"Ang babaeng ito ay lagi akong dinadalaw sa aking paniginip. Lagi ko siyang pinupuntahan sa kanila at ginagapang tuwing tulog ito," Dagdag pa nito. "Kilala mona siguro ang tinutukoy ko diba?"
"Bakit mo ako nagustuhan? Dahil ba ako ang nakatadhana sa iyo?" Tanong ko dito
"Hindi lang dahil doon, nagustuhan kita dahil ikaw si Maristela," Tiningala ako nito. "Ang isang Hybrid na matapang."
"Hindi ko pa masasagot ang nararamdaman ko sa iyo Prinsipe, marahil ay bigyan mo ako ng kaunting panahon," Sambit ko dito.
"Hindi kita mamadaliin," Ngumiti ito. "Handa akong maghintay. Aking Reyna.."
BINABASA MO ANG
The Cursed Vampire: Duology 1 [COMPLETED]
VampireMaristela is a Hyrid Vampire, tao ang kaniyang Ina at Bampira naman ang kaniyang Ama. Palaging inaapi ang mga kagaya niya pero hindi alam ng mga ito na siya ang itinakda sa isinumpang Prinsipe. Galit siya sa mga purong Bampira na lagi silang minamal...