Kabanata 16

6.9K 298 5
                                    


MARISTELA

    "NAUULIT na naman ang nangyari dati," Napahiwalay ako sa yakap ng babaeng taong ito dahil sa sinabi nito

"Anong nauulit?" Tanong ko dito

"Ang nangyayari sa iyong Ama ay nangyari na din sa aking Ama," Sagot nito. "Dating tagasilbi ng Ama ng Hari ang aking Ama."

"Ngunit paano? Hindi ba at tao ka?" Takang tanong ko

"Magkaibigan ang Ama ko at ang Ama ng Hari, Oo tao ang aking Ama ngunit tanggap na tanggap siya ng dating Hari. Naging tagapagsilbi ng dating Hari ang aking Ama ngunit nasira iyon dahil lang sa bintang at kasakiman."

"Anong nangyari?" Tanong ko

"May lumason sa dating Hari at ang Ama ko ang ginawang salarin. Pinatay nila ang Ama ko kahit wala itong kasalanan," Bumakas ang pighati sa kaniyang mukha. "Hindi ko na alam ang mga nangyari pa dahil yun lang ang kuwento sa akin ng Ina. Hinanap ko ang sinasabi nilang lagusan hanggang sa mahanap ko at doon ko natagpuan si Callum."

"Hindi nito alam na ako'y tao dahil sa kwintas na ibinigay sa akin ni Ina. Nag-ibigan kami at nagdalang tao ako ngunit nalaman niya na Ama ko ang lumason sa dating Hari. Nagalit sa akin si Callum at ako'y itinakwil," Dagdag pa nito. "Hanggang ngayon ay patuloy kami sa pagtatago ng aking Anak dahil may ibang bampira na gusto kaming patayin."

"Matutulungan mo ba ako?" Tanong ko dito

"Matutulungan kita kung ako'y makakapasok sa Palasyo," Sagot nito. "Magaling akong humanap ng ga ebidensiya."

"Kung gayon ay akin kitang tutulungang makapasok," Seryosong sambit ko dito. "Para sa Ama ko, gagawin ko ang lahat."

"Ngunit paano ang aking Anak?" Tanong nito. "Hindi siya pwedeng maiwan dito."

"Akong bahala sa kaniya," Sagot ko. "Maraming salamat sa iyo."

"Walang anuman."

Dumating ang Anak niya na may dalang pagkain na tinatawag niyang sopas. Umupo ito sa kandungan ng Ina niya at nagsimulang kumain.

Kumain na lamang din ako at masasabi kong masarap ang sopas na ito.

"Ako nga pala si Aechira," Sabi nitong babaeng tao. "At ito ang aking Anak na si Cazil."

Tumango ako at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

Nasa kanila lamang ako hanggang sa magdilim. Pinagpalit ko ang aming kasuotan upang makapasok siya sa palasyo. Suot niya ang aking damit pagsasanay samantalang suot ko ang kaniyang damit.

Naglakad kami patungo sa palasyo habang buhat ko ang kaniyang Anak na si Cazil.

Akmang papasok na kami ngunit napahinto kami ng harangan kami ng gwardiya.

"Hindi mo ba ako nakikilala?" Binigyan ko siya ng malamig na tingin

Yumuko ito bago kami papasukin sa loob.  Sa silid muna namin ni Ama ko sila dinalang mag ina.

"Wow!" Tumalon si Cazil sa kama.  "Ang ganda ng bed!"

"Ito ang damit ng mga tagsilbi," Inabot ko sa kaniya ang isang bestida.  "Hindi nila malalamang bago ka lamang kapag suot mo ito. "

"Nawa ay hindi magtagpo ang landas namin ni Callum," Tugon nito bago nagpalit

Hinintay ko lamang siya hanggang sa matapos siyang magbihis.

"Lalabas na ako," Sabi nito ng matapos siyang magbihis. "Pakiingatan ang aking makulit na Anak.  Wag ka ring mag alala dahil ilang minuto ko lang gagawin ang trabahong iyon."

"Sa iyo ako umaasa ngayon," Pagsusumamo ko dito. "Maraming salamat."

Ngumiti lamang ito bago lumabas ng aming silid. Napalingon naman ako kay Cazil na masayang nagtatatalon sa kama.

"Saan pupunta si Mama?" Tanong nito

"May gagawin lamang siya," Tugon ko. "Halika at lilinisan kita, masyado kang madungis."

Kinarga ko ito at dinala sa palikuran. Pinaliguan ko siya at namangha ako dahil mas kamukhang kamukha niya ang Prinsipe Callum ngayong siya ay nalinis na.

"Kamukha ko daw Papa ko," Sabi nito habang binibihisan ko siya. "Gusto ko siyang makita."

"Siguradong magkikita din kayo," Tugon ko dito.

Nasa ganoon akong posisyon ng bigla na lamang bumukas ang pinto ng aking silid. Huli na ang lahat para maitago ko si Cazil dahil nakita na siya ng Prinsipe Ozul.

"Anong ginagawa ng Anak ni Callum dito?" Gulat nitong tanong

Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon.

"Maristela," Lumambing ang boses nito. "Galit kaba aking Mahal?"

"Walang may gustong tumulong sa akin na patunayang walang kasalanan ang aking Ama, kaya tinanggap ko ang tulong na hinihingi ng dating kasintahan ng iyong kapatid," Walang emosyong sagot ko dito.

"Dinala mo si Aechira dito?" Gulat na gulat na tanong nito. "Maristela, hindi maganda ang iyong ginawa!"

"Alam ko!" Tumulo ang aking mga luha. "N-Ngunit siya na lamang ang paraan upang hindi mamatay ang aking Ama! Kung hindi ko ginawa yun wala namang tutulong sa amin eh, dahil Hybrid lamang kami. Mababa ang tingin ninyo sa amin at basura lamang kami para sa inyo."

"Maristela, hindi kita tiningnan ng ganiyan kahit na minsan," Hinawakan nito ang aking kamay. "Hindi lamang ako makapag isip ng mabuti ngayon dahil nag aagaw buhay na ang aking Ama."

"Ngunit sapat na ba yun para bigla mona lamang itakwil ang aking Ama?" Natahimik ito. "Nawala na ang aking Ina at ang aking Lola, hindi kona kakayanin kung pati ang aking Ama ay mawawala din sa akin. K-Kilala mo ako bilang matapang na babae ngunit duwag ako pagdating sa aking mahal sa buhay."

"Patawad, wag ka ng umiyak," Hinila ako nito at hinagkan. "Patawad Maristela, hindi ako nag isip ng mabuti. Patawarin mo ako, pakiusap wag ka ng umiyak."

Sumubsob lamang ako sa dibdib niya habang nilalabas ang aking sakit na nararamdaman.

"Tahan na," Malambing na saad nito. "Pakiusap Maristela, hindi ko kayang makita kang ganiyan. Pakiusap, Mahal ko."

Humiwalay ako sa yakap at tiningnan siya ngunit bigla na lamang nanlabo ang aking mga mata.

"Maristela?" Alalang inalalayan ako nito. "Ayos ka lamang ba?"

Hindi kona alam ang sumunod na nangyari pa dahil tuluyan na akong nilamon ng dilim.

The Cursed Vampire: Duology 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon