Kabanata 8

7.7K 363 8
                                    


MARISTELA

      NANG matapos kong sukatan ang Prinsipe ay agad akong lumabas ng silid na yun at umakyat patungong ikatlong palapag para kumain kasabay ni Ama.

"Sandali lamang!" Napahinto ako sa paglalakad ng may magsalita mula sa aking likuran.

Kagaya ng inaasahan ko, sinundan ako ni Marzal.

"Ano ang iyong kailangan?" Tanong ko dito

Matalim itong tumingin sa akin. "Akala mo ay hindi ko napapansin ang pang-aakit mo sa Prinsipe, Ikaw ba'y Hybrid na bayaran?"

"Hindi ko alam ang iyong sinasabi," Sinamaan ko din siya ng tingin. "At isa pa, huwag na huwag mo akong tatawaging bayaran baka hindi ako makapagpigil at bigla na lamang kitang sakmalin diyan."

"Ako ba ay iyong pinagbabantaan?" Sa isang iglap ay nasa harapan kona siya. "Hindi mo kilala ang iyong kinakalabam Hybrid."

"Hindi mo rin kilala ang iyong kinakalaban, Purong Bampira," Walang emosyong sambit ko dito.

"Tingnan lang natin," Ngumisi ito bago ako talikuran at umalis.

Napahinga na lamang ako ng malalim bago tuluyang maglakad patungo sa silid namin ni Ama. Nadatnan ko itong hinahanda ang aming pagkain.

"Ama," Nakangiting bati ko dito.

"Handa na ang pagkain natin," Lumapit ako doon. "Nakahanda na ang iyong karwahe sa ibaba, pagkatapos mong kumain ay maaari ka ng lumisan."

"Hindi ba puwedeng dito na lamang ako?" Tanong ko dito. "Puwede naman akong hindi lumabas sa oras ng piging upang hindi nila makita ang pagiging tao ko."

"Yan rin ang naisip ko noong una, ngunit may mga bampirang pupunta sa piging na may kakayahang maamoy kapa rin," Sabi nito. "Lalo na ang Prinsipe Ozul, kayang kaya ka niyang maamoy."

Napatango na lang ako bago magsimulang kumain.

"At isa pa, may ipabibigay din ako sa iyong Lola," Sambit pa ni Ama

"Sige po," Tanging naisagot ko lang.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain at nang matapos kami ay inayos kona ang aking mga dadalhing gamit.

"Ito ang ibibigay mo sa iyong Lola," May inabot sa aking maliit na boteng lagayan si Ama. "Mag iingat ka sa iyong biyahe."

"Mag iingat ka din dito Ama," Niyakap ko siya. "Babalik din ako kapag natapos ang kabilugan ng buwan."

Humiwalay ako sa yakap bago lumabas dala ang aking gamit. Nang makababa ako sa ikalawang palapag ay nakatayong si Prinsipeng Ozul agad ang sumalubong sa akin.

"Saan ka tutungo?" Kunot noong tanong nito

"Uuwi ako sa amin, Mahal na Prinsipe," Sagot ko. "May kailangan lamang akong asikasuhin."

"Sasamahan kita," Kausap nito sa aking isipan.

"Hindi na kailangan, babalik din naman ako kaagad," Tugon ko dito. "Paalam."

"Mag iingat ka, humanda ka sa akin sa iyong pagbabalik,"

"Banta ba iyan, Mahal na Prinsipe?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

Natawa lang ito.

Yumuko ako ng bahagya sa kaniya bago siya lampasan. Lumabas ako ng palasyo at agad sumakay sa karwaheng nakaabang doon.

Tahimik lamang ang aming biyahe. Hindi ko maiwasang hindi maalala si Ama. Sana lamang ay walang mangyari sa kaniya sa palasyo lalo pa at wala ako roon para magsilbing tagapagtanggol niya.

Halos magtatakip-silim na ng ako'y makarating sa bayan namin. Sobrang tahimik ng bayan namin, nakakapanibago.

Bumaba ako ng karwahe at matinding kaba agad ang aking naramdaman ng lumapag ang aking mga paa sa lupa.

"Salamat," Sabi ko sa naghatid sa akin

Tumango lang ito bago paandarin ang kaniyang karwahe paalis.

Naglakad naman ako patungo sa bahay namin habang inililibot ang aking paningin. Ang tahimik ng bayan, kakaibang katahimikan ngayon, parang may nangyari.

Ang alam ko ay may mga naiwan pa ring mga Hybrid ngunit wala akong maramdaman kahit na isa sa kanila.

Nang makapasok ako sa aming tahanan ay nagkalat na dugo agad ang sumalubong sa akin dahilan para mas lalong dumoble ang aking kaba.

Naibagsak ko ang aking mga dala ng bumungad sa akin ang Lola kong walang buhay na nakahandusay sa lapag.

"LOLA!" Nilapitan ko ito. "Lola!"

Pinulsuhan ko ito ngunit wala na talaga. Puro kalmot siya at puro kagat, halatang karumal dumal ang kaniyang sinapit sa kamay ng kung sino.

"Lola," Lumuluhang niyakap ko ang bangkay niya. "Lola, s-sino ang may gawa? A-Ano pong nangyari?"

Napahinto ako ng makaramdam ako ng malakas na enerhiya sa aking likuran. Dahan dahan kong pinunasan ang aking mga luha at nilingon ito.

Bumungad sa akin ang isang nakaitim na kapa, mabalahibo ang mga braso nito. Isa siyang lobo, base na rin sa kaniyang Amoy.

Sumugod ito kaya mabilis akong tumalon sa bintana at tumakbo. Ngunit napahinto ako dahil pinalibutan ako ng mga iba pang nakaitim na kapa.

Mga Bampira at Lobong nagrebelde.

"Mabango ang kaniyang amoy," Sabi ng isang Bampira.

Inihanda ko ang aking sarili habang isa isa silang tinitingnan. Sunod sunod silang sumugod kaya ginamit ko ang aking lakas upang sila ay labanan.

Hinawakan ko sa braso ang dalawang bampira at ibinalibag sa mga iba pang pasugod.

Nakakuha ako ng tiyempo kaya mabilis akong tumakbo. Hindi ko sila kayang labanan, masyado silang marami. At isa pa, mga itim na kapa sila kaya't natitiyak kong malakas sila.

Kailangan kong makabalik sa palasyo, kailangan kong bumalik kay Ama–

Napahinto ako sa pagtakbo ng may kukong bumaon mula sa aking likuran. Umikot ako at sinipa ang nilalang na nasa likuran ko.

Pinahaba ko ang aking kuko at ibinaon ito sa kaniyang leeg. Muli akomg tumakbo kahit na kumikirot ang aking sugat na natamo sa nilalang na iyon.

Nararamdaman ko ang maraming presensiya nila kaya ginamit ko ang kapangyarihan kong itago ang aking amoy at presensiya ng sa ganoon ay hindi agad nila ako mahanap. Dahil sa paggamit ko ng kakayahang iyon ay bumagal ang aking takbo.

"O-Ozul, naririnig mo ba ako?" Tawag ko dito sa aking isipan ngunit wala akong narinig. "Ozul!"

Mukhang pinipigilan ng mga itim na kapa ang komunikasyon ko sa lahat.

Unti unti kong naramdaman ang pagkaubos ng aking enerhiya kaya ginawa ko ang makakaya ko upang makalayo pa sa kanila.

Bumagsak ako ng tuluyan ng maubos ang enerhiya ko. Naramdaman ko ang pagsugod sa akin ng mga itim na kapa ngunit bago pa nila ako mahawakan ay may kulay lilang bilog ang bumalot sa akin dahilan para tumalsik ang mga itim na kapa.

Napatingin ako sa palad ko na umiilaw.

Anong nangyayari?

The Cursed Vampire: Duology 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon