"AMA!" Napahimas na lamang sa noo si Haring Ozul at Reyna Maristela ng bigla na lamang sumulpot sa silid pagpupulong ang kanilang dalawang supling.
"Tila tapos na silang manggulo sa palasyo kaya dito naman sila," Iiling iling na sabi ng Reyna na ikinatawa ng mga nakarinig.
"Ina!" Mabilis na kumandong sa kaniya ang munting Prinsipeng si Morzul.
Samantalang si Prinsesa Ozistella ay naupo sa kandungan ng kaniyang Amang Hari.
"Ina, Ama, nais kong makinig sa inyong pagpupulong," Sabay na sabi ng kambal at parehong humagikhik.
"Tinatapos ko muna ang ating pagpupulong," Sabi ng Hari. "Ituloy na lang natin sa susunod pang araw."
Tumayo naman ang mga ito at lumabas. Napanguso na lamang ang kambal at umakyat sa ibabaw ng mahabang lamesa.
"Anong ginagawa ninyo dito? Hindi ba at may pagsasanay pa kayo kasama ang inyong Tiyo Callum?" Tanong sa kanila ng Reyna.
"Ngunit Ina, paulit ulit lamang ang tinuturo ng masungit naming Tiyo," Nakangusong sagot dito ng munting Prinsipeng si Morzul.
"Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang sumigaw at magalit na parang tigre," Sabi naman ng munting Prinsesang si Ozistella.
Parehong tumango ang kambal.
Lahat yata ng tungkol sa kambal ay magkaparehong magkapareho. Kung ano ang gusto at desisyon ng isa ay ganoon din ang sa isa.
"Ngunit parte iyon ng inyong pag aaral," Sabi dito ng Hari. "At itinuturo iyon upang ma-protektahan ninyo ang inyong sarili."
"Ama, puro na lamang kami pagsasanay. Gusto naman namin kayong makasama ni Ozistella," Sabi ni Morzul.
"Oo nga po, tuwing gabi na lamang tayong nagkakasamang apat, madalas ay hindi pa," Ngumuso ang munting Prinsesa. "Masyado kayong abala ni Ina."
Nagkatinginan naman ang mag asawa
"Ano bang gusto ninyong gawin natin?" Tanong sa kanila ng kanilang Ina. "Sa inyo ngayon ang oras namin."
"Gusto naming pumunta tayo sa lagi nating pinupuntahan at kakain tayo doon kagaya ng dati," Sabay na sagot ng kambal.
"Kung gayon ay, tara na." Binuhat sila ng kanilang Ama.
Lumabas sila ng silid na iyon.
Mabilis na kumilos ang Reyna at kumuha ng pagkain sa kusina. Nang matapos siya ay sumunod na siya sa kaniyang mag aama na nasa labas na.
"Sa kabayo ako ni Ina," Sabi ng munting Prinsipe.
Sumakay ang Hari at munting Prinsesa sa kabayong puti samantalang sumakay ang Reyna at munting Prinsipe sa kabayong itim.
Mabilis na pinaandar ng mag asawa ang kabayo patungo sa lugar kung saan sila madalas dati.
Nang makarating doon ay bumaba sila ng kabayo. Inilatag ng Reyna ang mahabang tela sa damuhan at inilapag doon ang mga pagkain at inumin.
"Masaya kami at nagawa ulit natin ito," Nakangiting sabi ni Ozistella at sumubo ng pagkain.
"Patawad mga Anak kung masyado kaming abala ng inyong Ama, alam niyo naman siguro ang katungkulan namin diba?" Malambing na hinaplos ng Reyna ang kanilang buhok. "Hayaan niyo at isisingit ko ang oras na magkakasama tayong Pamilya."
"Ayos lamang iyon Ina, naiintindihan namin." Sagot ng munting Prinsipe.
Naglaro at nag aliw lamang sila sa lugar na yun hanggang sa magdilim. Nakatulog ang dalawang bata dahil sa pagod.
"Kay kulit talaga ng mga Anak natin," Natatawang sabi ni Maristela habang nakatingin sa kaniyang mga Anak na buhat ng Hari.
"Salamat sa pagdadala sa kanila ng maayos," Nakangiting sabi ng Hari. "Mahal na mahal ko kayo, Aking kayamanan."
"Mahal ka din namin, Hari."
Nagtagpo ang kanilang labi sa ilalim ng buwan, sa ilalim ng mapayapang gabi at mapayapang lupain..
BINABASA MO ANG
The Cursed Vampire: Duology 1 [COMPLETED]
VampireMaristela is a Hyrid Vampire, tao ang kaniyang Ina at Bampira naman ang kaniyang Ama. Palaging inaapi ang mga kagaya niya pero hindi alam ng mga ito na siya ang itinakda sa isinumpang Prinsipe. Galit siya sa mga purong Bampira na lagi silang minamal...