Kabanata 3

8.1K 379 15
                                    


MARISTELA

NANG makarating kami sa tapat ng silid ng itinakdang Prinsipe ay parang gustong umatras ng aking katawan dahil sa hindi maipaliwanag na kaba.

"May problema ba sa leeg mo, Maristela?" Alalang tanong ni Harem

"Wala," Tugon ko lamang

Kumikirot na naman ang leeg ko ngunit unti unti na naman itong nawawala.

"Nais ng prinsipe na pumasok ang mga magiging tagapagsilbi niya," Sinalubong kami ng isang matandang bampira

Binuksan nito ang malaking pinto, sunod sunod na pumasok ang mga kapuwa ko Hybrid hanggang sa ako na lang ang matira sa labas.

Napahinga na lang ako ng malalim bago pumasok sa loob. Mariin akong napahawak ng mahigpit sa suot kong blusa habang nakatingin sa prinsipeng nakaupo at nakatalikod sa amin.

"Hybrid," Agad akong napayuko ng magsalita ito at tumayo

Siya nga ang lalaki sa aking panaginip at siguradong siya rin ang lapastangang kumagat sa aking leeg.

"Tumingin kayo sa akin," Mariing utos nito

Kusa namang kumilos ang ulo ko at sinalubong ang mga titig niya. Parang hinihigop ako nito ng magsalubong ang aming mga tingin. Ang isinumpang tinta sa kaniyang mukha ay mas lalong nagpadagdag ng malakas niyang dating.

"Kailangan ko ng inyong pangalan," Prente itong naupo sa kaniya kama.

"P-Pula," Pakilala nung unang babae

"Agusta,"

"Marcela,"

Sunod dumako ang nakakalulang tingin sa akin ng Prinsipe. Halatang hinihintay nito na magsalita ako.

"Maristela," Pakilala ko

"Lumabas na kayo," Walang emosyong utos nito habang nasa akin pa rin ang tingin. "Maliban sa'yo, Maristela."

Lalo akong kinabahan sa sinabi nito. Nagsilabas ang aking mga kasama hanggang sa ako at ang prinsipe na lang ang naiwan sa loob ng silid.

"B-Bakit po?" Kinakabahang tanong ko dito

"Tila ay isa kang tuta ngayon, Maristela?" Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Kanina ay ang tapang mong makipag usap, ano ang nangyari?"

Nanlaki ang aking mga mata. Kung ganoon ay siya ang kumakausap sa akin?

"Ako nga," Bumalik sa pagiging walang emosyon ang mukha nito. "Hindi ba at sinabi ko sa iyo na kapag nagtagpo ang landas natin ay tatapusin kita?"

"Hindi ko naman po gusto na magtagpo ang landas natin," Matapang kong tugon dito. "Kung ako lamang ang masusunod ay hindi ko nanaising tumapak sa teritoryo ninyong mga purong bampira."

"Tunay ngang matapang ka," Napakurap ako dahil nasa harapan kona siya agad. "Tama nga ang hula sa akin ng punong babaylan."

Hula?

Napaigtad ako ng kuhanin ni ang kanang kamay ko at itaas. May kung anong kumiliti sa aking tiyan ng idikit niya ang kaliwang palad niya sa aking kanang palad.

"Hindi ko alam ang dahilan kung bakit Hybrid ang napili ng tadhana para sa akin," Napakurap kurap ako ng umilaw ang pagitan ng palad namin. "Ikaw ang magiging Reyna ko."

Napailing ako bago bawiin ang aking palad. "Hindi po ako pumapayag."

Nangunot ang noo nito. "Sa tingin mo ba ay kaya mong baguhin ang tadhana natin?"

"Sana ho ay wala ng makaalam nito," Seryosong saad ko. "Hindi ko gustong maging sentro ng atraksiyon ng lahat. At ayokong tanggapin ako ng mga purong bampira dahil lamang sa ako ang nakatadhana sa inyo, gusto kong tanggapin nila ako dahil gusto nila."

Buong akala ko ay magagalit ito ngunit nabigla ako ng ngumiti ito.

"Ikaw ang Hybrid na magiging Reyna," Lumapit ito sa akin at hinapit ang beywang ko. "Susundin ko ang ibig mo, aking Reyna."

Parang kinapos ako ng hininga ng dumako na naman ang kaniyang labi sa aking leeg.

"P-Prinsipe," Kinakabahang sambit ko

Napakapit ako sa balikat nito ng bumaon ang kaniyang ngipin sa aking leeg. Imbis na sakit, kakaibang sarap ang aking naramdaman.

"Ako lang ang makakakita ng markang iyan," Bulong nito sa akin.

Humiwalay ito sa akin kaya mabilis akong tumalikod at lumabas ng kaniyang silid sapo ang aking leeg. Napatingin ako sa mga kasama ko na mariing nakatingin sa akin.

"P-Pumasok na daw ang mga tagapagbantay," Sabi ko kila Harem

"Ayos ka lang?" Alalang tanong ni Harem na ikinatango ko lang

Pumasok sila sa loob kaya naiwan kaming mga tagasilbi sa labas kasama ang matandang sumalubong sa amin kanina.

"Ayaw ng itinakdang prinsipe sa mga traydor," Madiing sambit nito na tila may ipinahihiwatig. "Ayaw niya sa mga babaeng Hybrid na parang bayaran kung kumilos."

Alam kona ang gusto niyang palabasin

"Ayaw din po naming mga Hybrid sa mga purong bampira," Dire diretsang tugon ko na ikinagulat nila. "Hangga't nandito kami dapat pantay ang tingin ninyo sa aming mga Hybrid."

"Mababang uri lang ang lahi ninyo, bakit namin kayo titingalain?" Nang uuyam na tanong nito

Napayukom na lang ako ng kamao. Kung hindi lang ako nangako kay Ama na hindi ako gagawa ng gulo ay kanina kopa sinakmal ang matandang ito.

"Alamin n'yo ang lugar ninyong mga Hybrid at sana ay hindi ninyo ipahiya ang Mahal na Hari at ang Mahal na Reyna," Dagdag pa nito

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

Pumasok sa loob ng silid ng itinakdang prinsipe ang matanda, kasabay naman non ay ang paglabas nila Harem.

"Magtungo muna daw tayo sa ikatlong palapag ng palasyo, magpahinga muna daw tayo." Sabi ni Harem

Sabay sabay kaming naglakad paakyat ng ikatlong palapag. Mahabang pasilyo ang nandoon at maraming pinto.

Bawat pinto ay may mga pangalan. Nahinto ako sa ikapitong pinto ng makita ang nakasulat kong pangalan doon, nakukit din doon ang pangalan ni Ama.

"Magkita na lamang tayo mamaya," Sabi ko kay Harem. "Mag iingat ka sana."

Tumango lang ito.

Pumasok na ako sa loob ng silid at nakita ko doon si Ama na nakaupo sa kama habang nag aayos ng mga gamit.

"Ama, paano po nalalaman kung nahanap mona ang itinadhana sa iyo?" Tanong ko dito

Mukhang hindi niya inaasahan ang aking tanong dahil bahagya pa itong nagulat.

"May markang lilitaw sa iyong palad," Napatingin ako sa palad ko ay may nakaukit doon na kung anong marka. "Kapag may lalaking nagdikit ng inyong palad at umilaw iyon, siya na ang nakatadhana sa iyo."

Kung gano'y ang Prinsipe Ozul nga ang itinakda sa akin

"Kapag nagkita na kayo doon na magbabago ang tadhana ninyo, magiging isa ang inyong nararamdaman," Dagdag pa nito. "Lahat ng emosyon at nararamdaman ng bawat isa ay mararamdaman ng isa't isa."

"Ganoon din po ba kayo ni Ina?" Tinabihan ko siya

Tumango si Ama. "Kaya't ang pagmamahal na ipinadadama ko sa iyo ay pagmamahal din na ipinapadama ng Ina mo."

Napangiti ako bago siya niyakap.

"May naka-tadhana na ba sa iyo?" Tanong ni Ama

Umiling ako. "Wala, Ama, naitanong ko lamang po."

"Kapag mayroon na Anak ay agad mong sabihin sa akin, kailangan kong kilatisin ang taong iyon," Tiningala ko si Ama. "Ayokong masaktan ang unica ija ko."

"Sa tingin mo po ba ay papayag akong basta na lang masaktan?" Natawa si Ama. "Nakalimutan mo po yatang matapang ang Anak ninyo?"

Ngumisi lang si Ama bago guluhin ang aking buhok.

Ibig sabihin ay mararamdaman kona din ang nararamdaman ng itinakdang Prinsipe?

The Cursed Vampire: Duology 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon