Ako si Gianna Tan,30 years old na ako, isang empleyado sa isang company. Well,10 years na kong nagtatrabaho dito. Simple lang ang buhay ko,hindi salat hindi rin naman ganun kaginhawa.
Tama lang. Nakatira ako sa isang appartment medyo malapit sa kompanyang pinagtatrabahuhan. Madalang ako kung makauwi sa bahay ng lola at bunsong kapatid ko.
Ako nga pala ang bread winner sa amin,dahil bukod sa akin ay wala nang ibang aasahan ang lola ko kundi ako lang. Ako nga naman ang ate,binata pa lang ang kapatid ko,20 anyos pa lang siya,pero hindi pa rin makaalis sa second year college. Pasaway na bata.
Ano pa nga bang magagawa ko?
Kinalakihan nya na ang pagiging batugan.
"Hoy,Gianna,sama ka samin mamaya"pagyayaya ng isang katrabaho ng dalaga.
"Saan nanaman Angie?" Inabot naman ng dalaga ang mga papers na kailangan ng kakwentuhan niya.
"Gimik lang,videoke sabay inom tayo,tsaka may ipakikilala ako sayo." Nginitian pa sya nito at binigyan ng nakakalokong ngiti.
"Nako,ayan nanaman kayo. Kung sinu-sino ang pinakikilala. Wala namang nagkakamali."
Ayan nanaman ang mga katrabaho niya,hindi talaga tumitigil ang mga ito sa kakahanap ng lalaki para sa kanya.
"Go back to work! Dito pa kayo nagchichismisan? Sa oras pa talaga ng inyong trabaho?!"
Bigla namang dumating ang boss nilang si Ms.EVILyn. Oo,EVIL ang tawag nila dito dahil sa higpit at sungit ng matandang dalagang ito.
"Sorry po" agad namang bumalik ang dalawa sa kani kanilang mga pwesto at nagsenyasan na mamaya na lamang mag-usap.
Nagtrabaho na lamang ng nagtrabaho si Gianna at tinapos lahat ng paper works niya para hindi na sya matambakan ng trabaho kinabukasan.
"Gianna! Tara na!" Hindi namalayan ni Gianna yung oras.
Tinignan niya ang wristwatch niya at nakita niyang alas 10 na pala ng gabi."Ahh sige aayusin ko lang 'tong gamit ko".
Inayos ng dalaga ang lahat ng paper works nya atsaka inayos ang mga personal nyang gamit.
"Tara na?" Nagsimula na silang lumakad palabas ng building.
"Lets have fun guys! Kailangan natin mag relax ,ang dami nating tinrabaho nitong mga nakaraang araw no!" Masayang sabi ng katrabaho ni Gianna na si Bella,ito ang pinaka jolly sa kanila.
"Ang hilig mo gumimik,parang dalaga lang ahh?" Sambit naman ng dalaga sa katrabaho niyang noo'y ang ingay ingay kanina pa habang papunta sila sa venue nila.
"Okay lang 'yan no! Hindi porket nanay na ko,'di na ko pwedeng magsaya!'di ba guys?" Tumango naman at nagtawanan ang ilan sa kanila. Nakarating sila sa venue mga ilang saglit lamang,paboritong lugar ito ng mga ka empleyado niya kapag gustong magsaya at mag inom.
"Gianna!" Nakita ng dalaga ang katrabaho niyang si Angie na may kasamang lalaki,lumapit ito sa kanya.
"Si Matt nga pala,ka batch ko noong highschool" Ipinakilala sa kanya ang lalaki.
"Nice to meet you...?" Inilahad ng lalaki ang kanyang palad sa pakikipagkamay at inabot naman ito ng dalaga.
"Gianna,I'm Gianna. Nice to meet you din" nag shake hands sila at ngumiti sa isa't isa.
Nag-usap lang ng nag-usap ang dalawa at the same time ay nakikishot din sa binibigay sa kanilang tagay.
"So,ano naman ang pinagkakaabalahan mo sa buhay?"pag-uusisa ng dalaga sa kausap niyang binata.
"Ahh,I'm a doctor. OB Gyne"
"Ahh talaga? Buti pumapayag ang mga mister nila na sayo magpacheck-up ang mga misis nila?"tumawa tawa pa ang dalaga pagkasabi niya niyon.
"Oo nga eh,okay lang naman 'yun. Wala namang malisya sa mga asawa ng pasiyente ko 'yun" ngumiti naman sa kanya ang lalaki at saka kinuha ang shot glass at nilagok ito.
Ilang oras pa silang nag-inuman,nagkuwentuhan,at nagkantahan. Hanggang sa nagkayayaan na ang mga ito na umuwi.
BINABASA MO ANG
Does Age Matter?
RandomKaming mga nasa tamang edad na ngunit hindi parin makahanap ng taong para sa amin. 'Wag nyo isiping gusto naming tumandang dalaga. May mga dahilan naman kami. Katulad na lamang ng pagiging workaholic,bread winner,o di kaya'y hindi pa nadating ang "T...