Rest day nya ito pero nagising parin sya ng maaga dahil sa may tumatawag sa cellphone nya. Di nya pa gaanong maimulat ang mga mata nya at pupungas pungas na dinampot ang cellphone pagkatapos ay sinagot ito.
"Good morning!"sabi pa ng lalaking nasa kabilang linya. Kahit di pa nakikita ni Gianna kung kanino ang number na tumatawag sa kanya ay kilala nya na ito sa boses.
"Oh Matt? Bat ang aga mo mambulabog"
"I don't mean to wake you up. Pupuntahan kita ngayon. May pupuntahan tayong gathering"
"Ha?! Ngayon?!Saan?!"napabalikwas ng bangon ang dalaga. Nagmadali syang pumasok ng C.R at dinampot ang toothbrush at toothpaste. Kuskos dito kuskos don'
"I'll be there in a minute" at binaba na nito ang tawag.
Pagkatapos mag tooth brush ay naghilamos ng mukha sabay suklay ng sabit sabit pang buhok.
*tok* *tok* *tok*
Napatingin sya sa pinto at sa huling sandali inayos ang sarili bago buksan ang pinto.
Nakangiting bungad ang nakita ni Gianna pagkakita kay Matt na naka formal suit at may dala itong kahon.
"Oh ano yan?"sabay kuha sa dalahin nito at inilapag sa sofa.
"Gusto kong suotin mo 'yan sa pupuntahan natin" sabi pa ni Matt habang nakangiti.
"Gaano ba ka importante yun at kailangan mo pa kong bilhan ng ganyan?"
"Basta,dali na mag asikaso ka na"
Tumango na lamang ang dalaga at dali daling dinampot ang kahon at pumasok ng kwarto. Naligo sya at nagkuskos ng maigi. Pagkatapos ay binuksan nya ang laman ng kahon para maisuot na ito. Natuwa sya sa nakita nya. Isa itong white cocktail dress na tube lamang at may mga glitters pa. May terno pa itong high heels na kulay puti.
Nag ayos sya ng itsura nya atsaka sinuot ang mga iyon. Tinernuhan pa ng mga accesories.Dahan dahan nyang ibinukas ang pinto at nakita si Matt na hawak ang cellphone at may kausap. Lumabas sya at naglakad ng dahan dahan. Naramdaman naman ni Matt ang yapak ng mga paa nya kaya't napalingon ito sa kanya.
"We will be there in a minute" at binaba na nito ang tawag.
Napangiti pa ito ng makita si Gianna sa suot nito.
"Bagay ba?" Nakangiwing tanong ng dalaga.
"It suits you so well,Shall we go?" Sabi pa ng binata na ikinatuwa ng dalaga. At inilahad nito ang kanyang kamay na sya namang inabot ng dalaga at magkahawak sila ng kamay na lumabas ng apartment hanggang sa makarating sa sasakyan.Ilang sandali lamang ang biyahe dahil wala namang traffic. Sa tagaytay ang lugar na kanilang pinuntahan. Isang napakalaking villa na maraming tao ang naroroon. Mukhang may mga profession at magagara talaga ang mga kasuotan.
"Let's go?" sabi ni Matt at napakapit naman ng mahigpit si Gianna sa kanya at nag umpisa na silang maglakad. Habang palapit ng palapit ay may pamilyar syang mukha na nakikita.
"Ma,Pa kanina pa po kayo nandito?" Sabi ni Matt ng makalapit silang dalawa sa mga ito.
"Kararating lang namin. Kasama mo pala sya" sabi naman ng papa nito.
"Good morning po" bati ng dalaga sa dalawang nasa harapan nila.
Ngumiti lamang ang mga ito sa kanya at nginitian nya na lang din.
"Si Philip?" tanong ulit ni Matt ng makitang wala ang kapatid nya.
"Papunta na daw sya. Kanina pa iyon eh" sabi pa ng mama nito.
Umupo sila sa isang round table na may limang upuan.
"Ano bang meron dito?"tanong ni Gianna ng pabulong kay Matt.
"Gathering ng mga doctors. Well,my parents and I are doctors. Yung lalaking naroroon ay business partner ni papa sa isang hospital na ipinatayo nila" sagot nito habang tinuturo ang medyo may edad na lalaki mula sa di kalayuan. Napa tango na lang sya. Sa isip isip nya talaga namang mga edukado at mga professional ang mga tao dito.
Habang nakaupo sila ay may isang babaeng napakaganda,makinis,at maliit ang maamo nitong mukha ang lumapit sa kanila.
"Hi tita and tito nice to see you here"nagbeso pa ito sa mama ni Matt.
"And you also"sabi pa nya ng humarap kay Matt sabay ngiti ng matamis.
"Ahh Gianna she's Brittany" pagpapakilala ni Matt sa babaeng noo'y tumabi kay Matt.
"Nice to meet you" inilahad nya ang kamay niya para makipag shake hands at inabot naman ito ng dalaga sabay ngiti sa kanya.
"Is she your new girlfriend?" pagtatanong pa nito na ikinagulat ni Matt.
"Not yet,but soon" simpleng sagot nya sa babae.
"Ahh,sige alis po muna ko. Bye tito and tita" sabi pa nito sabay alis sa kinauupuan nito.
"What do you mean by that hijo?" Sabi naman ng mama nito na syang ikinahiya ng dalaga. Hindi nya alam anong dapat maramdaman takot o kaba? o hiya? Hindi nya alam sa sarili nya at naghalo halo na.
"Ma nililigawan ko po si Gianna?" sabi ng binata sa kanyang mama.
"Oh,you didn't tell us?"
"Sorry po. Balak ko po kasing sabihin kapag kami na"
"At kailan mo naman sya sasagutin hija?"
Iyan ang tanong na ayaw nyang sagutin sa ngayon. Ang matindi pa roon ay mama ni Matt ang nagtatanong sa kanya. Paano niya ito sasagutin? Napapadasal na lang si Gianna na sana may magligtas sa kanya.
"Hey ma!" biglang may dumating na binata mula sa likuran ng mama ni Matt. Tinitigan ito ng dalaga at parang nakikilala niya ito.
"Oh hijo,what take you so long?" sabi ng mama nito na bumaling ang atensyon sa kanyang anak na bagong dating.
"Ahh medyo nagkaproblema ang po yung kotse ko"sagot pa nito sabay upo sa bakanteng upuan sa pagitan ng kuya at mama nya.
"Hey Philip!" bati ni Matt sa kapatid nya.
"Hey bro! Kamusta?"
"Okay naman. Ikaw ang kumusta american boy?!" Sabi nito na tatawa tawa.
"I'm good as always" sagot nito sabay tapik sa braso ng kuya niya.
"Teka,sino yang bago mong chicks?" sabi ulit ni Philip na ang tinutukoy ay ang katabi ng kuya niya.
"Don't use that term with my girl. Siya si Gianna"pagpapakilala ni Matt sa babaeng katabi niya.
"Ahh" tumango lamang ito.
Napapaisip si Gianna kung saan nya nakita itong lalaking 'to. Pamilyar talaga ang mukha.
Nakita sya ni Matt na natutulala at parang malalim ang iniisip.
"Okay ka lang?" tanong nito sa dalagang katabi.
"Ahh oo"
Maya maya pa ay may tumawag ng kanilang attention at sumenyas naman ang mama't papa ni Matt na tumayo at pumunta roon.
"Dito ka lang ha?" sabi pa ni Matt sa dalaga atsaka nagsi alisan sa kanilang upuan at nagpunta sa isang entablado. Sila lamang dalawa ni Philip ang naiwan sa kinauupuan nila.
"Ladies and gentleman I'm so proud to introduce my lovely daughter and the son of my trusted business partner"
Nakita ni Gianna ang babaeng kanina'y lumapit sa kanila. Anak pala sya ng lalaki na tinuro sa kanya ni Matt.
"Isa na din silang succesful na mga doctor sa kani kanilang piniling major sa medicine. Masasabi kong proud na proud kami sa kanila. Hindi na kami mangangamba ni panyero na ipasa sa kanila ang aming business" tuwang tuwa at mukhang proud na proud na sabi pa ng matanda habang tinatapik sa balikat ang kanyang tinutukoy na panyero.
"Oo nga naman,were not getting younger na panyero. Kailangan narin natin ng mapagpapasahan ng mga pinaghirapan nating ipundar" sagot pa ng papa ni Matt. At yunh dalawa naman ay ngumingiti lamang sa mga tao.
Napabaling ang tingin ni Gianna sa lalaking malapit sa kanya. Nakatingin ito sa entablado kung nasaan sila Matt. Pero parang hindi ito sa pamilya nya nakatingin kundi sa magandang babaeng nakangiti. Nahuli sya ng lalaking nakatingin sa kanya na ikinagulat nya kaya naman ibinaling nya sa iba ang tingin nya.
"Alam mo miss namumukhaan kita" sabi ni Philip at unti unting humarap kay Gianna.
"Namumukhaan din kita" sagot ni Gianna.
"Did we meet somewhere?"
"Di ko matandaan"
"Siguro sa mga clubs? O sa hotel? O baka naman..."
Napatingin si Gianna dahil sa sinabi ng binata. Anong ibig netong sabihin?
"Sigurado akong hindi. Dahil hindi ako napapadpad sa mga lugar na yan"
"Really? Sorry akala ko kasi..."
"Na ano? Kaladkarin akong babae? Sa tanang buhay ko hindi pa ako nagpapakaladkad sa mga lalaki"
"I didn't say that"ngumisi pa ito sa kanya ng nakakaloko.
Biglang natauhan si Gianna ng maalala nya ang lalaking kausap nya.
"Naaalala na kita! Ikaw 'yung walanghiyang binata na naglasing,sumuka,at nakitulog sa bahay ko!"tiningnan nya pa ito ng matalim.
"Ahh! Ikaw din yung babaeng bungangera. Sorry di kita naalala agad. Ang ganda mo kasi ngayon"
Hindi alam ni Gianna kung maiinis o matutuwa sa sinabi nito.
"Napaka walang galang mo kasi eh. Tapos kapatid ka pala ni Matt. Malayong malayo kayo ng kuya mo"nagbago ang timpla ng mukha ni Philip ng marinig nya ang sinabi ng dalaga.
"'Wag mo kong ikumpara sa kuya ko. Tsaka ano bang alam mo?" Sagot nito sabay tayo sa kinauupuan at umalis.
Napaisip ang dalaga at parang na guilty sya sa sinabi niya. Masyado ata syang nadala.
Bumalik na sila Matt at ang mga parents nito sa kinauupuan nila.
"Nasaan si Philip?"tanong ni Matt
"Ahh hindi ko alam,umalis sya eh"sagot naman ng dalaga.
"C.R muna ko. Saan ba dito?"
"Tara samahan na kita"
nagpaalam muna sila at nagsimula ng maglakad.
BINABASA MO ANG
Does Age Matter?
RandomKaming mga nasa tamang edad na ngunit hindi parin makahanap ng taong para sa amin. 'Wag nyo isiping gusto naming tumandang dalaga. May mga dahilan naman kami. Katulad na lamang ng pagiging workaholic,bread winner,o di kaya'y hindi pa nadating ang "T...