Maagang nag-asikaso si Gianna para maaga ring makapunta sa probinsya nila ng sa gayon ay makatulong pa sya sa paghahanda.
Napag-usapan nilang susunduin na lamang sya ni Matt at gagamitin nila ang kotse nito papunta roon.
Ilang sandali pa ay bumusina na mula sa labas ng kanyang tinutuluyan. Sumilip sya sa bintana para tingnan kung sino iyon at hindi sya nagkakamali sapagkat sasakyan nga ito ni Matt.
Matapos nyang mag-ayos ng sarili at mga dalahin ay agad syang lumabas at agad namang lumabas ang binata para tulungan sya sa mga dalahin nya."Tulungan na kita"
"Thank you"Kinuha ng binata ang mga bitbit nya atsaka ito isinakay sa sasakyan. Pinagbuksan din sya nito ng pinto ng kotse ngunit sa likod. Pagpasok nya ng sasakyan ay may ibang tao sa loob nito.
"Hi Gianna! Happy to see me?"masiglang bati ni Brittany.
Napangiwi nalang ang dalaga ng makita ito. Magkatabi silang dalawa sa likod. Habang nasa harapan naman ang dalawa. Oo,kasama rin si Philip. Tahimik lang ito.
"Ahh Gianna,pasensya na sinama ko na silang dalawa. Okay lang naman di ba?"
"Uhh o-oo naman!"Ano pa nga bang magagawa nya? Eh nandito na ang dalawa. Hindi naman sya ganon kasama para palayasin sila.
Oo aaminin nya sa sarili nya na medyo nakakainis na nandito si Brittany pero susubukan nyang magpasensya.
Nagsimula ng paandarin ni Matt ang sasakyan. Tahimik lamang ang dalawang lalaki sa harap. Gayundin ang dalawang dalaga sa likod.
Biglang binuksan ni Matt ang music sa kanyang kotse mula sa kanyang cellphone. Sunod-sunod na mga kanta ang tumugtog hanggang sa...I was wrong when I hurt you
But,did you have to hurt me too
Did you think revenge will make it better
I forgot about the past
I just wanna love to last
There's a way to bring us back togetherNapansin ni Gianna ang pagtingin ni Brittany kay Matt ng marinig ang tugtog. Sinabayan nya pa nga ito sa mahinang boses hanggang sa matapos. Wala namang imik si Matt kaya hinayaan na lamang din ni Gianna.
There are times when I just want to look at your face
Napalingon ulit si Brittany at halatang nagkakaroon ng ngiti sa kanyang mga labi ng simulang tumugtog ang sumunod na kanta.
With the stars in the night
"Meron ka parin pala nyan sa cellphone mo. How nice to hear that again after a long time that I'm avoiding it"
"It's just a song. 'Di ko na nga rin matandaan na nasa cellphone ko parin pala 'yan"
"Alam mo bang tuwing tumutugtog 'yan. Naiisip ko yung tayo"There are times when I just want to feel your embrace
"Para sakin isang simpleng kanta lang 'yan"
"Sakin hindi Matt,it was a special song for me. And I'm sure you know why"In the cold night
I just can't believe that you are mine n--Biglang tumigil ang kanta at napalingon si Gianna kung sinoman ang pumindot noon.
"Baka san pa mapunta yang usapan nyo. Mahiya naman kayong dalawa."sabat ni Philip sabay hugot sa cellphone ng kuya nya at ipinalit ang kanya.
Ramdam ang pagka inis ni Brittany kaya napa cross-arm nalang sya.
"Ako na lang magpapatugtog. Baka kung ano pang past ang mabalikan nyo"
Nagsimulang tumugtog ang cellphone ni Philip. Puro pang party songs ang laman nito. Napaka ingay sa loob ng sasakyan. Pero mas okay naman para kay Gianna iyon ng matigil na kakahalungkat ng kung anomang nakaraan meron si Matt at Brittany.
Payapa naman silang nakarating sa probinsya. Napakasaya at marami ng banderitas ang nakasabit sa lugar. Halatang abala din ang lahat sa paghahanda. Tumigil sila sa isang mumunting bahay at bumaba.
BINABASA MO ANG
Does Age Matter?
De TodoKaming mga nasa tamang edad na ngunit hindi parin makahanap ng taong para sa amin. 'Wag nyo isiping gusto naming tumandang dalaga. May mga dahilan naman kami. Katulad na lamang ng pagiging workaholic,bread winner,o di kaya'y hindi pa nadating ang "T...