10

10 3 4
                                    

SAPPHIRE

Wow tunay naba ang nakikita ko? Nasa batangas na ulit ako! Buti na lang napapayag ko si Colemn nagpunta dito. Kanina kasing umaga nagusap kami para magbakasyon dito sa Batangas malayo rin ito sa manila kaya naging mahaba ang byahe.

"Nako dalagang dalaga kana hija! Buti napadalaw kayo ng nobyo mo dito." sabi ni Lola Lauring.

"Hindi ko po yan nobyo lola, oo nga po malayo ang Calatagan sa Manila kaya natagalan ang byahe namin." sabi ko habang tinitignan ang mga batang lumalapit kay Colemn. Ngumiti pa ito sa akin.

"Naku! Masasayahan ang iyong Ina kapag nakita ka niya." sabi nito kaya tumingin ako sakanya.

"Wag na ho lola saka naandito ako para magbakasyon hindi makinig sa mga sermon ni Ina." sabi ko kaya ngumiwi ang matanda.

"Ikaw talaga, ikaw na ikaw pa rin ang batang inalagaan ko noon. O'siya ako'y aalis na tawagin mo lang si Mina kung may kailangan kayo ha." pagsabi niya ay umalis na ito.

Lumapit na ako kayla Colemn na kulang na lang ay humiga na sa mesa dahil sa sobrang pagod sa byahe, hindi ko siya masisisi dahil malayo talaga ang Calatagan e. Nakalagay na sa loob ang mga gamit namin kasalukuyan kaming nasa veranda ng beach house ko.

"Maggagala pa tayo sa parola mamaya." pagpapaalala ko sakaniya.

"I want some sleep for now." antok niyang saad.

"Salamat pala dahil sumama ka sakin dito. Gustong gusto ko kasing pumunta dito e. Naandito lahat ng memories ko." kwento ko sakanya. "Punta tayo sa tulay mamaya! Maganda daw doon sabi ni Mina." nakangiti kong sambit at nakatingin sa barkong papadaan sa karagatan.

"Maganda ka." sabi niya kaya namula ako.

"Maganda talaga ang dagat dito, kita moba yung mga turista sa kabilang resort? Diba gustong gusto nilang pumunta dito sa tapat ng beach house ko? Nasa tapat ko kasi ang sand bar!" pagmamalaki ko sakanya.

"Yeah, gusto mobang maggala?" tanong niya kaya ilang beses akong tumango bilang pagsangayon.

"Sa bayan tayo pumunta!" excited kong sigaw.

"Calm down baka isipin nila sinasaktan kita, kanina kapa sigaw ng sigaw." sabi niya na umiiling.

"Magpapalit lang ako ng damit ha, ikaw din magpalit kana." kumaway ako bilang paalam.

Umakyat agad ako sa kwarto ko at magpalit ng dress na kulay puti na may maliliit na bulaklak na kulay itim. Nagsandals na rin ako para maaliwalas tignan, nagdala rin ako ng sumbrelo para hindi mainitan.

"Colemn...tapos kana?" sumilip ako sa pinto at nakita ko ang dibdib niya. "Shuta akala ko tapos kana." sabi ko at dali daling bumaba.

Nagface slap ako ng ilang beses grabi parang tumatak sa utak ko yung abs niya hala! Bakit ba yun pa rin ang nasa utak ko!

"You liked the view." mapangusisa niya akong tinignan.

"Ha? Oo maganda ang view dito sa labas." pagpapalusot ko, sana umubra.

"Hmm," lumapit ito sakin kaya napaatras ako. "Sounds suspicious."

"Tara na nga ang dami mong sinasabi." inangkla ko ang aking braso sa kaniyang braso.

"What are you want to buy in bayan?" Sabi nito kaya nagcross arms ako sa harap niya.

"Magluluto ako ng pagkain natin, so ang bibilhin ko ay yung mga kailangan lang." sabi ko sakanya na may payakap pa sa braso.

"Pshh, childish." bulong niya na bahagyang ngumiti.

Ngumiti ba siya? Baka namamalikmata lang ako! Imposibleng ngumiti ang isang ito wala nga yon sa vocabulary niya. Palabas pa lang kami ng kalsada ay pinahinto ko agad ang kotse dahil nakita ko sila Ladylove.

"Wow, yayamanin sino kaya are?" tanong ni James.

Bumaba ako ng kotse at sinalubong ng yakap sila Ladylove. "Kamusta na kayo?" tanong ko.

"Sino naman are, Ladylove." tanong ni James.

Nagpout ako dahil sa pagkadismaya. "Nothing, I'm just a normal tourist here." sabi ko.

"Magtagalog ka kaya." pabalang nitong sagod.

"James!" sigaw ko na kinatawa niya.

"Sino yung gwapong lalaki diyan?" paglingon ko naandon na yung mga babaeng nakacrop top sa harap ni Colemn.

"Hala ang landi ng lamok!" sabi ko at nagkukumpas sa hangin.

Ewan koba nakaramdam ako ng inis dahil sa maliit na bagay na yon alam ko namang gwapo yan pero hindi naman yan sakin. Mas mabuti ng umayos ako ng kilos kapag kasama siya nagiging clingy nako masyado kapag kasama ko siya.

"Sheesh," sabi ni Ladylove at James. "Pasok na kami sis, goodluck sainyo." tinapik pa nila ang magkabilang balikat ko.

"Mangaasar pa kayo." sabi ko at umirap.

Pumasok nako sa loob ng kotse kaya pumasok na rin siya, walang nagsalita sa buong byahe tunog lang ng radio na naandar. Minsan nagkakasalubong ang tingin namin sa reflection ng salamin.

"Mang Teddy! Magkano poba ito?" tanong ko sakanya.

"Isang daan na lang para saiyo hija." sabi niya kaya nagmaktol ang dalawang lalaki sa tabi ko.

"Si Mang Teddy kami hindi nagbibigay ng discount samantalang sakanya meron. Parang hindi tayo magkakadugo dito ah." sabi pa nito.

"Hay nako ka Philip magtigil ka nga diyan, areng mamimili ko ang suki ko dito." sabi ng matanda habang natatawa.

"Salamat ho Mang Teddy." pagsabi ko noon ay umalis na ako.

"How much is that?" tanong ni Colemn.

"One hundred." sabi ko kaya kumunot bigla ang noo nito ngunit bumalik din naman sa ayos.

"Saan ang sunod?" tanong niya ulit pagkasakay sa kotse.

"7/11 tayo." pagkasabi ko noon ay hindi na siya nagtanong pa.

Ako pa talaga ang tatapos ng  conversation namin para hindi na siya magtatanong? Grabi ayaw pala talaga niyang maiwan sa ere.

Nakarating kami sa 7/11 the paradise sa daming bilihan ito pa rin ang gusto ko as in dito mismo sa Batangas nakatayo. Pagpasok namin napunta sa amin ang atensyon ng cashier, si Raven.

"Kamusta kana, Sapphire." sabi nito kahit nagchecheck ng mga binibili ng mga customer.

"Heto nahinga pa." sabi ko kaya napa 'tsk' yung katabi ko. "Ah, Raven si Colemn nga pala." sabi ko.

"Her husband." sabi ni Colemn at hinapit ang bewang ko kaya nagcomment ang mga kabataan.

"Sheesh! Heto na naman tayo."

"I can't see."

"Nakapikit ka sis."

"Wews, intrams na sa susunod na linggo baka pwede nating sabihan sila ate na magjudge sa gaganaping pageant."

A/N: Kami rin intrams na next week 🍀🌳🌴💚🐸🐍🌵🌲🌿🍃

Guarding The Mafia Boss (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now