13

11 3 2
                                    

SAPPHIRE

What happened to me? Bakit wala ako sa katinuan para magjudge ngayon! Come on Sapphire! Hindi p'wedeng ganito ang maging takbo mo sa role na'to.

Nakatingin lang ako sa mga kandidatang narampa sa entablado sinusuri ko rin ang bawat kilos ng mga ito. Palagi ko'ng nakikita na kay Colemn sila lagi natingin. The hell I care!

Napapansin ko ring natingin si Colemn sa gawi ko kahit na dalawang tao ang nasa pagitan namin. Iba rin ang takbo ng utak nito e.

Natapos ang unang round at ngayon naman ay magbibikini ang mga kababaihan at sa mga lalaki naman ay sando at beach short. May mga gwapong kalalakihan ang lumabas galing sa back stage na sa hula ko ay mga kalahok.

Nagpatuloy ang ganitong eksena hanggang sa tatlo na lang ang rarampa na lalaki, yung mga nauna nga ay panay ang pacute, papogi, pakindat effect tapos ifeflex pa nila ang kanilang biceps. At itong tatlong natira ay natural na ngumiti saamin ngunit lalong ngumiti ng tumingin sa akin.

Baka naman may nagchecheer sa likod ko kaya gan'yan sila kung tumingin. Ngumiti rin ako pabalik upang hindi matawag na kj kahit ang creepy.

Natapos ang mga pangalawang round at ito na ang pinakahihintay namin ang final round, magsusuot sila ng formal dress/suit at sasagutin ang katanungan ng host, upang madagdagan ang kanilang final score ay kailangan nilang magpasikat.

"Ito na ang huling yugto ng mga kandidatong pinakita ang kanilang tunay na mithiin upang tanghaling Miss and Mr CNHS." sabi ng host. "Unang kadidata maari kanang pumunta sa harapan." dugtong pa nito.

Pumunta sa harap ang kandidata tulad ng sinabi ng host, ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis kay Colemn lang naman nakatingin.

"Miss number one maari kanang bumunot ng iyong katanungan." saad ng host kaya lumabas si ateng na kung gumiling ay wagas.

Bumunot ang dalaga ng isang maliit na papel bago ibigay sa host kaya naman sumayaw ulit si ateng na gumigiling kala mo ay may premyo ang paggiling.

"Ito ang iyong katanungan, kung ikaw ay magkakaroon ng second chance ano ang pipiliin mo? Ang bumalik sa nakaraan na puno ng mapapait na alaala o ang mabuhay ng normal sa kasalukuyan?" tanong ng host. Ngumiti siya kay Colemn bago sumagot. Kulang na lang ipakita ang gilagid e.

"Thank you for your wonderful question, I will choose the right one and that one is ang mabuhay sa kasalukuyan because I believe that if you pass the challenge you don't need to try again, unless may gusto ka pa'ng malaman tungkol sa nakaraan and I thank you." hanggang sa pagsagot ay kay Colemn lang talaga siya nakatingin.

Judges rin kami!

"Thank you Miss number one, dahil d'yan pumasok kana Miss number two!" sigaw ng host kaya halos mabingi na ako.

Kasabay ng pagpasok niya ay ang madilim niyang aura na kulang na lang ay lamunin na'ko dahil sa sobrang sama kung tumingin. I can't blame her dahil may mga taong gan'yan rin tumingin.

"Just what I said earlier, bumunot kana ng question mo!" sigaw niya ulit.

Lumabas na naman si ateng kung gumiling ay wagas na kulang na lang ay bigyan ko ng tip dahil sa todo siya kung gumiling. Iisipin ko nalang na wala siyang buto dahil grabi talaga siya.

"Na'ko! Tamang tama ang tanong na ito sigurado akong masasagot mo ito. Here's your question kung papipiliin ka sa pagitan ng mahalagang bagay sayo ano ang pipiliin mo? Pamilya o ang jowabels mo?" tanong ng host kasabay ng pagtingin ni Colemn sa akin actually naglilibot talaga ang mata niya tapos biglang titigil sa'kin.

Pasimple rin ang loko e 'no? Titingin sa iba tapos bagsak ay sa'kin rin? Napakamadiskarteng bata.

"Thank you, ang pipiliin ko sa katanungan na yan ay ang pamilya ko dahil hindi naman ako uunlad kung ang lagi ko'ng kasama ay ang boyfriend ko but the question is makakasama kopa rin kaya siya hanggang sa malaman niya ang sikreto ko? Of course not, pero ang pamilya? Tanggap ka nila kahit sino kapa that's my answer thank you." sabi niya kaya nagloading ang utak ko kasabay ng palakpakan ng mga kagrade level niya yata.

Lumipas ang oras at ngayon ay iaannounce na kung sino ang nanalo na Ms and Me CNHS ng kanilang school. Isa sa mga judges ay si Four at ang lalakeng machika na si Kyeiron.

"Salamat sa paghihintay! Ang tatanghaling mananalo ay magkakaroon ng price na ten thousand pesos sponsor by Mr. Courtwell!" sabi nung host at sari saring hiyawan at tilian ang nangyari.

"And the first runner up goes to..." tumingin siya sa mga magaaral na naghihintay sa sasabihin niya. "Goes to..." pagbibiro pa nito.

"Two!"

"Four!"

"One!"

"Three!"

Ayan ang mga sigawan nila na kulang na lang ay lumuwa ang lungs dahil sa sobrang sigaw. Idagdag pa dito ang pagbibitin ng host sa mga nanonood.

"Number...one!" sigaw niya na halos lamunin niya na ang mic.

Nagpalakpakan sila sa number one na kandidita at nagpasalamat rin dahil sa nasungkit na korona ngunit mas maganda pa rin ang korona ng mananalo na Ms and Mr CNHS. Sa huli ay ang nanalo ay ang number two na kulang na lang ay patayin ako sa tingin maganda kasi ang natural niyang ngiti.

Paalis na dapat kami ng may marinig kaming nagwawala sa gitna ng court, isang lalaki na may hawak na baril. Nakatutok ito sa lahat sa tuwing tatangkain nilang pigilan ay tinutukan sila nito.

"SIGE SUBUKAN NIYONG LUMAPIT! PAPATAYIN KO ANG SARILI KO!" sigaw nito sa lahat.

"Kuya Mitz! Ibaba mona yan!" sigaw ng babaeng naiyak at nakaupo na sa semento.

"Pinatay nila ang pamilya ko! Para saan? Para sa pera!" sigaw nito at bakas ang galit at dalamhati sa boses niya.

"Go pull the trigger! alam ko'ng duwag ka! You can't do that because you're scared! You're weak!" sigaw ni Colemn dito.

"Dayo ka lang dito kaya wag kang magpasikat sa'kin babarilin kita tamo." sabi nung lalaking may hawak na baril na si Mitz.

"And so? What do you want to say? That I'm brave enough unlike you huh?" pagaasar pa nito.

"Hindi mo alam ang nararamdaman ko dahil hindi mo naranasan ang nangyari sa'kin! They don't know the whole story but they easily judge me!"  

Guarding The Mafia Boss (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now