26

5 3 0
                                    

SAPPHIRE'S FLASHBACK

"Kamusta na ang kapatid ko, Doc? Gumawa naman kayo ng paraan wag lang kayong tumunganga d'yan!" Sigaw ni kuya.

Napangiti ako ng kaunti bakit ngayon lang sila bumalik? Ang sama ng panaginip ko.

Akala ko patay na ako, akala ko rin napunta ako sa ibang pamilya.

May mga nakilala akong nga tao na hindi kona maalala ang mga pangalan nila.

Isa lang ang natatandaan ko sakanila at yon ay ang isang lalaki na minahal ko sa panaginip na yon.

"Cole..." mahina ko'ng sabi.

"Oh God! You're already awake." Ate Mary said.

"Oo, nanaginip pa nga ako e." pagbibiro kopa.

"Ha? Anong napaginipan mo?" tanong naman ni Kuya Vern.

"Napunta raw ako sa pamilya na hindi ko kilala, kinupkop nila ako pero nagtatrabaho raw ako as a secret agent nakakalito nga e. In the first place ay natutulog lang ako dito." sabi ko bago uminom ng tubig.

"Ano pa'ng nangyari?" interesadong tanong ng dalawa.

"May nagustuhan raw ako don bale," nagbilang ako sa aking kamay. "Apat silang magkakapatid yung tatlo hindi kona maalala."

"Who's the guys on your dream?" tanong ulit nila.

"Isa lang naaalala ko e, si Cole." pagkasabi ay nagtinginan silang dalawa.

"Ah, buti gumising kana tara susuklayan ka ni Kuya." ngumiti ako dahil sa saya.

Bakit ganito sila? Ano ba'ng meron? Sino ang mga nasa panaginip ko.

"Hoy Maria sa'kin na kayo magsstay ha just to make it sure na walang masasaktan." tumango lang si Ate Mary.

"Gusto konang matulog ulit para makita kopa sila," Sabi ko kaya tumingin sila sa'kin. "Nandon rin kayong dalawa what a coincidence." mangha ko'ng sabi.

"Hindi ka muna matutulog ngayon kahit gusto mo silang makita, okay? Sobra sobra na ang tulog mo." nagaalangan na sabi ni Kuya.

"Ang OA mo Kuya hindi naman ako matutulog forever." sabi ko kaya tumawa si Ate Mary.

"Oh! Tatawa kapa Mary bakit kokonsintihin mona naman 'to? Kung andito si Papa isusumbong ko kayo." pagbibiro pa nito.

"Nagugutom na'ko." pagkasabi ko non ay kanya kanya ng tawag sila Kuya.

"Yes...the best one, yes just make it more faster." sabi ni Ate sa katawagan.

"Yeps, oo nga paulit ulit? Oo yung chicharon tapos salad. Yes of course babayaran ko ayoko magkautang sayo." sabi rin ni Kuya.

Nagtingin tingin ako sa buong kwartp at nakita ko ang isang maliit na sobre na nakasiksik sa plorera na nasa tabi ko.

Hindi siya makikita dahil nakapaloob siya sa plorera. Bukod roon ay nakatago rin siya sa mga bulaklak nito. Binuklat ko iyon at binasa.

To: Sapphire Allegra

Hi anak! Ako ito si Mommy Sonya mo I heard that nakaligtas ka sa ginawa ng amo mo. Don't worry hindi ko ipapaalam sa mga anak ko na nakaligtas ka tumutupad lang ako sa napagkasunduan.

Guarding The Mafia Boss (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now