17

4 3 0
                                    

SAPPHIRE

Nagising ako dahil sa alarm ng orasan ko, dali dali akong tumayo at tumingin sa harap ng malaking salamin na nasa harap ng kama ko. Kinusot ko muna ang mata ko bago magsalita sa salamin, hindi naman siguro ako pagkakamalan na takas mental ano?

"Are you ready? Yes! I'm ready I'm Anastasia Sapphire Allegra ang magpapatibok sa mafia boss na 'yon" napatawa ako sa aking sinabi.

"Pagnapatibok koba ang puso niya magugustuhan niya ako?" tanong ko ulit.

I stared at the mirror. "Maybe I'm not enough pero once na mahalin ko siya ay baka ngumiti siya ng tulog." sabi ko ulit.

Nagsuklay ako ng buhok at nagayos ng sarili dahil may pupuntahan si Cole ngayong araw at kailangan kasama ako. Sa kumpanya raw kami pupunta kaya dapat naka formal attire ako para hindi ako maout of place.

Pagkaligo ko ay nagsuot agad ako ng white polo na naka lower buttoned at coat na itim, nilugay ko rin ang buhok ko na may highlight na red sa ilalim at saka inayos ang bangs. Sino ka d'yan?

"Makikita ko si Qyezione kaya dapat maayos tayo at kasama ko rin si Mr. Bipolar kaya magiging mas maayos tayo. Por today's video kailangan mapaibig si Cole." sabi ko at naka gun sign pa sa salamin.

"Ano ba ang maganda? Yung pakindat," kumindat ako sa salamin. "Or yung mahinhin lang." tumawa ako at bahagyang tinakpan ang bibig.

"Wala na'kong maisip siguro ay maging normal na tao na lang ako." sabi ko kaya may nagmessage na naman.

From: hatdog seller

I think you look good on your suit. 😜

Ehhhh?! Ano na naman ang pinapairal ng isang ito? Stalker ko yata to e.

Me:
Kuya crush moba ako? Opxx.

Napangiti niya ako kahit papaano ay may nagpapangiti sa akin bukod sa mga corny lines ko sa harap ng salamin. Hibang na yata ako.

Lumabas na'ko ng kwarto at nakita kong naghihintay si Cole sa labas hindi naman sa kinikilig pero ang gwapo at ang hot niya at the same time ha.

"Hop on." sabi niya bago maunang pumasok.

Ay? Hala grabi siya oh akala ko pagbubuksan ako ng pinto. Ano pa nga ba ang aasahan mo Sapphire sa isang yan.

Nawala ang ngiti ko kanina dahil sa ginawa niya sayang naman yung imagination ko hindi manlang tinupad. Geng!

"What's that face?" takang tanong niya.

Umiling na lang ako bilang sagot dahil alam kong walang kwenta ang paguusap namin na yon. Alam kong hindi naman kami maguusap ng maayos e.

"O...kay" huli niyang sabi.

Nasa highway na kami at traffic pa rin kaya panay ang tingin niya sa gawi ko, paano ko nalaman? Nagrereflect ang bawat kilos niya sa bintana ng kotse. Matalino ako hindi lang halata, ehe.

"What's your problem? Hindi ka naman gan'yan kahapon." Ayun! Napansin mo rin kupal ka!

"Problema sa pera bakit? Bibigyan moba ako?" sabi ko, syempre joke lang 'yon may pera ako marami.

"Yes, of course I can give you a money just name your price." sandali pang yon ay gusto kong sumigaw.

"Joke, may pera ako hindi naman ako magastos." sabi ko kaya napatawa siya.

Guarding The Mafia Boss (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now