1st

371 13 1
                                    

I'm Jessica Margarett Galanza 1st year nursing student sa Ateneo De Manila University

Lumaki sa isang well off family, businessman ang daddy ko at pharmacist naman si mommy

Dalawa lang kaming magkapatid ng younger sister kong si mafe

I'm living a life that everyone dreamed of, money, fame and supportive best friends

"How's school Jema" tanong ni dad habang kumakain kami ng breakfast

"Okay naman po dad" magalang na sagot ko at ngumiti

"Good, how about you and fhen kamusta kayo?" cool na tanong nya

"O-okay din po" sagot ko

Anak si fhen ng business partner ni daddy

Sabihin nalang nating na botong boto si dad sa kanya

"Fhen is a nice guy hija, I'm glad na ikaw ang napili nyang ligawan" nakangiting sabi ni Dad

Pilit naman akong ngumiti

"When do you plan of making it official, Hindi mo pa ba sya sasagutin?" derechong tanong ni Dad

Na ubo naman ako bigla

"Hon naman, binibigla mo yung bata" abot ni mommy ng tubig sakin sabay haplos sa likod ko

"Ow I'm sorry, na isip ko lang kase na medyo matagal na ding nanliligaw si Fhen yet until now hindi pa rin sila" paliwanag ni Dad habang nakatingin sakin

"H-hindi naman po kami nagmamadali Dad. Kinikilala pa po namin ang isa't isa" magalang na sagot ko

Tumango naman si Dad

"How about my bunso, kamusta ang school mafe" baling ni dad kay mafe

"Okay naman po Dad" hyper na sagot ni mafe

"Good" proud na sabi ni dad

"May tanong po ako" sabi ni mafe

"Ano yun?" tanong ni Dad

"Ako ho ba pwede na ring mag boyfriend?" walang katakot takot na tanong ni mafe

Napatingin agad kami sa kanya

"What?" di makapaniwalang tanong ni dad

"Papayagan nyo na po ba akong magboyfriend?" pag uulit ni mafe

"Gusto mo bang mawalan ng allowance?" banta ni dad

"Nagtatanong lang naman po, ang seryuso naman" bawi agad ni mafe

Umiling nalang ang daddy sa kakulitan ni mafe

Matapos ang intense naming usapan ay nag ready na kami para pumasok

Pagkadating ko ng school ay saktong nandun na rin ang mga kaibigan ko

"Sis muntikan ka nang ma late ah" natatawang sabi ni ced

"Medyo napahaba kase ang usapan namin sa bahay" sagot ko

"Look who's coming" biglang sabi ni Jho

"Hi Jema, flowers" bati ni fhen sabay abot ng bouquet

"Ahm fhen, you don't have to do this everyday" saway ko kay fhen na araw araw akong binibigyan ng flowers

"Bakit ayaw mo ba?" tanong nya

"Na aappreciate ko naman pero sayang din kase ang perang ginagastos mo araw araw para dito" paliwanag ko sa kanya

"It's okay, barya lang naman yan, tsaka malaki naman ang allowance na binibigay sakin ni dad" sabi ni fhen

Nagkatinginan naman si Ced at Jho

"May laro kami mamaya, manuod ka ha" Aya ni fhen

"May class ako fhen" sagot ko

"After class pa naman yung game, please" pakiusap neto

Napilitan nalang akong tumango

Napangiti si Fhen

"Sigurado na ang panalo namin pero gusto kong nandun ka para makita mo" confident sabi ni fhen

"Jusko po ang hangin" parinig ni ced

"Ano yun ced?" tanong ni fhen

"Sabi ko parang humangin bigla, sasama ata ang panahon" palusot ni ced na tumingin pa sa mga ulap

"Uulan kase ata, ang layo pa naman ng building natin" parinig ni Jho

Alam kong nagdadahilan lang tong dalawa kaya minabuti ko nang magpaalam kay fhen

"Fhen excuse us na ha, may class pa kase kame"

"Hatid ko na kayo?" alok neto

"No na, we're good. Ikaw wala ka bang class ngayon?" tanong ko

"Meron, late na nga ako kaya baka di na ako pumasok" sagot ni fhen

"Uy fhen umayos ka nga, isang bagsak nalang matatanggal kana sa varsity team" pananakot ni Jho

Madalas din kasing bumagsak si Fhen dahil mas priority nya ang paglalaro kesa pag aaral

"I don't think so, wala naman silang pamalit sakin" confident na sabi ni fhen

"Ayan na nga po, lumakas na lalo yung hangin, ahm fhen alis na kame bago pa kame abotan ng ulan" hatak sakin ni ced at nagmamadaling umalis

"O-okay ingat kayo" nagugulohang sabi ni fhen

"Hula ko, sa electric fan talaga pinaglihi yang manliligaw mo" sabi ni ced habang nagmamadaling maglakad

"Sa wind mill ata sis, lampas three na yung maximum wind e" natatawang sabi ni Jho

"Jusko Jema, humawak ka ng mabuti pag kasama mo sya ha. Baka kung san ka tangayin ng hangin sis" pagbibiro ni ced

Natawa naman ako sa kalokohan ng mga kaibigan ko

BewitchedWhere stories live. Discover now