Dean--
Pa uwi na ako pero dinaanan ko muna ang kapatid ko para sunduin
Pagdating ko kena Bei ay nakita ko agad si josh na nilalaro si Louisse
"Hi Josh" tawag ko sa kanya
"Kuya" sigaw ni josh
Napansin nya ang dalang kong aso
Kaya agad etong lumapit sakin
"May aso ka din kuya at ang cute nya" natutuwang sabi ni josh
"Sya si Ollie. Ollie, sya si kuya josh" pakilala ko sa dalawa
Tumahol naman si Ollie
"Kuya pwede ko ba syang hawakan" tanong ni josh
"Oo naman, Ollie behave kay kuya josh ha" bilin ko kay ollie habang dahan dahang inaabot kay Josh
"Ang bait naman nya kuya nakakatuwa" masayang sabi ni josh habang dinidilaan ni Ollie ang pisng nya
"Kase gusto ka nya" nakangiting sabi ko
"Yung pusa ni Kuya Bei na si Louisse ayaw sakin" pagsusumbong ni Josh
"Pasensya kana Joshy boy, masungit talaga tong si Louisse, May pinagmanahan kase" paliwanag ni bei
Natawa naman ako dahil alam ko kung sino ang tinutukoy nya
"Kakauwi mo lang?" tanong ni bei sakin
"Ahh oo, bumili kami ng mga gamit ni Ollie" Sagot ko
"Mukhang may ma espoiled na mga pets ah" sabi ni Bei sabay nguso sa mga pinamili nila para kay louisse
Napa iling nalang ako
Alam kong tulad ni Jema, si Jho din ang rason kaya ang daming toys at pagkain ni Louisse
"Sige Bei, uwi na kami" paalam ko
Tumango naman si Bei
"Bye kuya Bei, Bye Louisse" paalam ni josh
"Bye josh, bye Ollie" paalam din ni Bei
Pagdating namin sa bahay ay agad nilaro ni josh si ollie
Ikot sila ng ikot sa bahay at kung saan-saan lumulusot si Ollie
"Josh dahan dahan lang, baka naman mapagod ka nyan" saway ko kay josh
"Hindi kuya naglalaro lang kami" natutuwang sabi ni josh
"Kahit na, ingat pa rin dapat" paalala ko
"Ang saya kuya. May aso na tayo dito sa bahay" masayang sabi ni josh
"Ahm Josh dalawa kaming nag aalaga sa kanya" sabi ko kay josh
"Ay ganun po ba?" malungkot na sabi ni josh
"Pero wag kang mag alala, salitan naman kami kay ollie kaya madalas pa din sya dito" paliwanag ko
"Talaga po?" tanong ni josh
"Opo kaya dapat tulongan mo akong alagaan sya ha" nakangiting sabi ko kay josh
"Ako bahala kay baby Ollie" masayang sabi ni Josh
Napangiti naman ako
"Sige na pakainin mo muna sya" utos ko kay josh
Hinanda naman agad ni josh ang pagkain ni Ollie
"Baby Ollie kain kana" bigay ni josh sa pagkain ni Ollie
Agad namang kinain ni Ollie ang bigay sa kanya
"Kuya ang takaw naman nya" reklamo ni josh
"Nagutom siguro sa kakalaro" natatawang sabi ko
"Ollie dahan dahan naman mabulonan ka" Sabi ni josh
Hinayaan ko muna na bantayan at laruin ni josh si ollie
Naligo muna ako at nagbihis
Pagbalik ko ay nakita kong naglalaro pa rin ang dalawa
"Josh magpahinga kana, gabi na" Sabi ko kay josh
"Kuya pwede ba syang matulog sa tabi ko?" tanong ni josh
"Hindi pwede Josh, mabalahibo kase si Ollie baka makasama sayo" paliwanag ko
Nalungkot naman si Josh
"Wag ka nang malungkot, pwede pa din naman kayong maglaro bukas" nakangiti sabi ko
"Okay po" sagot ni josh
"Sige na, matulog kana para maaga kang magising bukas" Sabi ko sa kanya
"Sige po good night Ollie, play tayo bukas" paalam ni Josh kay Ollie at hinalikan pa eto
"Nakaka inggit naman, buti pa si Ollie may kiss" parinig ko
Natawa naman si Josh at hinalikan din ako sa pisngi
"Ayan na, okay na po?" natatawang tanong ni josh
"Napilitan lang e" kunyaring tampo ko
Hinalikan ulit ako ni josh sa pisngi kaya napangiti ako
"Good night kuya, good night Ollie" paalam ni josh at pumasok na sa kwarto nya
Pumasok na din ako kwarto kasama si Ollie
"Welcome sa kwarto ko Ollie" Sabi ko
Binaba ang aso at nakita kong naglakad lakad si Ollie habang ginagalaw ang buntot nya
"Pasensya kana ha, maliit lang ang kwarto ko" pagkausap ko kay Ollie
Nagsimula magtatakbo si Ollie kaya hinabol sya agad
"Akala ko pa naman naliliitan ka sa kwarto ko. Bat bigla ka nalang nagtatakbo?" natatawang pagkausap ko sa aso
Tumahol naman si Ollie
"Bawal na maglaro, matutulog na tayo" Saway ko sa kanya
Bigla namang sumiksik si ollie sakin
Kinarga ko sya at tinabi pagtulog