5th

144 6 0
                                    

Jema--

Panibagong araw na naman at gaya ng nakasanayan, maingay ang room namin habang wala pa ang prof

  "Hoy Yumi, hindi kaba nagsasawa sa kakatitig dyan kay delos reyes" sita ni Jho kay Yumi na kanina pa nakangiti habang nakatitig kay Jaycel

  "Bat naman ako magsasawa e focus tayo sa goal" sagot ni Yumi

  "Unahin mo kayang maging goal ang ipasa ang subject na to" sabi ni Jho

  "Syempre pareho kong goal yun, ang pumasa dito at pumasa sa puso nya" kinikilig na sabi ni Yumi

  "Ewan ko sayo" pagsuko ni Jho

Natawa nalang kami

  "Hala anong nangyari dyan kay Dean" pabulong na tanong ni ced

   "Bakit?" Tanong ni Jho

   "Tingnan nyo oh, may mga sugat at pasa sa mukha" sagot ni ced

Napatingin naman kami sa kaka upo lang na si Dean

Nakayuko sya pero halata parin ang sugat labi at pasa sa ilalim ng mata

   "Anong nangyari sa kanya?" tanong ko

    "Baka napa away, medyo weird din kase" sabi ni Jho

    "Hoy mabait yan, mahiyain lang" pagtatanggol ni Kyla ni ced

Nanatili akong nakatingin kay Dean

 Napansin kong napa daing sya bigla ng masagi sya ni carlos

   "Tots magdahan dahan ka nga" sermon ni De Leon kay Carlos

    "So-sorry nakalimutan ko" hinging patawad ni Carlos

Okay lang ba sya

Ano ba kase ang nangyari sa kanya

    "Hoy Jessica kung makatingin ka naman, ano worried lang?" Agaw ni ced sa atensyon

   "Iniisip ko lang kase kung ano ba talagang nangyari sa kanya" pag amin ko

   "Normal sa mga lalaki yan. Malay mo napa away lang, ganyan talaga sila" balewalang sabi ni Jho

   "Yang nurse instinct mo naman sis, kulang nalang lapitan at gamutin mo yung tao" tukso sakin ni ced

    "Sira" sagot ko

   "Imbes problemahin mo si Dean, lapitan mo nalang si fhen" sabi ni Jho sabay nguso kay fhen na nasa pinto ng room at may dalang flowers

Kumaway sakin si Fhen

Huminga ako nang malalim at nilapitan eto

  "Fhen" tawag ko

   "Hi Jema, flowers for you" abot ni fhen sa bouquet ng flowers

   "Diba sabi ko sayo hindi mo kailangan gawin to" pagpapaalala ko kay fhen

   "Ngayon lang naman, gusto ko kasing magsorry sa nangyari last time, frustrated lang talaga ako sa  talo namin" paliwanag ni fhen

Tumango naman ako

   "But next time, handle your emotions well" payo ko

   "Noted po, now will you please accept this" tukoy nya sa flowers na kanina pa nya inaabot

   "Thanks" tanggap ko sa flowers

   Nag tili-an at kinilig naman ang mga kaklase ko ani mo'y nanunuod ng kdrama

   "Sige na may class pa kami" Sabi ko kay Fhen

   "Okay sige, see you around" nakangiting paalam ni fhen

  Pabalik na ako ng upo-an nang mapansin kong nakatitig din pala samin Dean

   Nahuli ko syang nakatingin sakin at  flowers na hawak ko

   Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng iba nung bigla nyang binawi ang tingin nya 

   "Infairness naman kay Fhen, pinuntahan agad si Jema at may pa flowers pa" impress na sabi ni Kyla

   "Ganun talaga yun pagdating kay Jema, Hindi nya hahayaan na masira image nya" sagot ni ced

  "Guys walang pasok, may emergency meeting daw si prof" masayang sigaw ni arocha

  "Yes!" sigawan ng mga kaklase namin at agad nagsitayu-an para umalis

  "Ano ba yan dapat pumasok si prof" dabog ni yumi

  "Okay ka lang, lahat masaya dahil walang class tapos ikaw gusto mo meron?" di makapaniwalang tanong ni ced

  "Pano ako magiging masaya kung ang natatangi kong kasiyahan ay paalis na" turo nya kena delos reyes na palabas na ng room

"Ilayo nyo sakin si Yumi baka ano magawa ko dyan" sabi ni Jho

  "Punta tayong gym please" pakiusap samin ni yumi

"Yumi pwede ba, wag mo kaming dinadamay sa kabaliwan mo" sermon ni Ced kay Yumi

  "Saglit lang naman, sisilip lang ako sa training nya" paki usap ni yumi

"Hindi pa ba sapat yung kanina ka pa nakatitig sa kanya?" tanong ni Jho

Umiling si Yumi

  "Weekend na kase tomorrow, two days ko syang hindi makikita kaya susulitin ko na" parang batang sabi neto

Naawa naman ako bigla

  "Fine silip lang ha at saglit lang tayo" sabi ko

Napatingin naman sina Jho at ced sakin

  "At talagang kinonsente mo pa ha" di makapaniwalang sabi ni Jho

  "Yaan nyo na saglit lang naman, tsaka hindi na sya pala absent reward nalang natin to sa kanya" paliwanag ko

  "Ewan ko sa inyo" pagsuko ni Jho

Napangiti naman si Yumi
 
  "Let's go" excited na hatak ni Yumi samin papuntang gym

BewitchedWhere stories live. Discover now