Masaya kaming nagkwekwentohang magkakaibigan nang biglang pumasok ang grupo ng mga lalaki at nag sit in sa room namin"Ohmygod nandito na sila" kinikilig na sabi ni Yumi
"Sino yang mga yan?" tukoy ni Jho sa mga bagong dating
"Mga bagong members ng Ateneo Men's Volleyball Team" nakangiting sagot ni Kyla
"Anong ginagawa nila dito? mukhang hindi naman sila nursing students" pagtataka ni ced
"Engineering students ang mga yan, conflict sa training schedule ang biology class, kaya nilipat sila dito" nakangiting paliwanag ni Yumi
"Oww, kaya pala ang tatangkad nila. Mga student athlete pala lahat" sabi ni ced habang nakatingin sa mga bagong dating
"Ah hindi sis yung tatlo lang, yung isang tahimik sa gilid hindi yan varsity" pagtatama ni Kyla
Napatingin naman ako sa tinutukoy nya
"Ano namang ganap nyang isa?" tanong ni Jho
"Utility yan sa gym, taga punas ng bola at mop sa court, working student pero kaibigan din nila yan" sagot ni Kyla
Napatango naman kami
"Teka nga, bakit ang dami nyo atang alam tungkol sa kanila?" taas kilay na tanong ni Jho kena Kyla at Yumi"Ahh kase madalas kaming nanunuod sa blue eagle gym" kinikilig na sabi ni Kyla
"Dun ko nakilala yang si Delos Reyes, pogi no" tukoy ni Yumi sa matangkad na lalake na kanina pa nya tinititigan
"Kaya ba kayo pumasok ngayon, dahil alam nyong malilipat dito ang mga yan?" usisa ko
Sabay naman silang tumango
"Ang swerte natin dahil sa class natin sila nalipat, sa sobrang saya ko feeling ko pati saturday at sunday papasukan ko na" kinikilig na sabi ni Yumi
"Go para magmukhang tanga" natatawang sabi ni ced
Na iling nalang kami at natawa
"May laro sila mamaya, gusto nyong bang sumama manuod?" Aya ni Kyla
"Wait team mates ba sila nila fhen?" tanong ni ced
"Oo, bakit?" sagot ni Yumi
"Wala naman, kanina kase ininvite din ni fhen si Jema na manuod ng game nila" sagot ni Jho
"Ow so nililigawan ka parin ni fhen?" di makapaniwalang tanong ni yumi
Tumango naman ako
"Gosh akala namin hindi na" Sabi naman ni kyla
"Bakit?" pagtataka ko
"Ang flirty nya kase sa mga babaeng nanunuod sa gym. Akala tuloy namin hindi kana nya pinu pursue" pangbubuko ni Kyla
"Hoy kyla yang bibig mo talaga" saway ni yumi
Pagiging babaero ni fhen ang isa sa mga rason kaya hindi ko magawang mag tiwala kanya
"Okay lang yums" kalmadong sabi ko
"Sorry Jema, baka kase magalit ka" nahihiyang sabi ni Yumi
"Bat naman ako magagalit? Ligaw pa lang naman" balewalang sagot ko
"Sis nakaka galit yun, nililigawan ka pero ang lakas ng loob mang flirt ng iba" sabi ni Kyla
Napangiti ako
"Weird pero hindi talaga ako makaramdam ng galit o selos" kampanteng sagot ko
Nagulohan lalo si Kyla
"Wag nyo nang subukang intindihin ang status nila fhen at Jema, sasakit lang ulo nyo promise" natatawang sabi ni ced
"O-okay" tipid na sagot ni kyla
"Girls nakatingin na sya sakin" kinikilig na sabi ni yumi
Napatingin naman kami sa tinutukoy nya
Nakatingin na pala sa dereksyon namin ang grupo nila Delos Reyes
"Siguradong nagtataka na ang mga yan, kanina kapa kase tutok na tutok sa kanila" sabi ni ced
"So ibig sabihin napapansin na nila ang presence ko?" Kinikilig na tanong ni Yumi
"Umayos ka nga, nakakahiya ka talaga" sita ni ced
"Okay lang yan, tingnan nyo, mukhang dahil sakin napansin na din kayo nina De Leon at Carlos" kinikilig na sabi ni Yumi
"Sira, tingin ko pinaguusapan na tayo ng mga yan, kasalanan mo to Yumi" inis na sabi ni Jho
Habang komportableng nag uusap at nagkukulitan sina Delos Reyes ay sya namang ikinatahimik ng isa nilang kasama
