7th

162 11 0
                                    

Dean --

Matapos ang mga gawain sa school ay dumarecho na kami sa bahay para tumambay

Ganito talaga kami kapag hindi masyadong busy, bibili ng mga pagkain at magmumukbang

     "Ako na susundo kay josh sa bahay" sabi ni Bei

    "Salamat" sagot ko

Tinulungan naman ako nina tots at jayce sa paghahanda ng pagkain

    "Kuya" excited na sigaw ni josh sabay yakap sakin

Ginulo ko ang buhok nya

    "Joshy boy, kami ba walang hug?" na iinggit sabi ni Jayce

Lumapit naman si Josh at niyakap sila ni tots at Jayce

    "Lumalaki kana at lalong pumopogi ah" puri ni tots kay josh

   "May pinagmanahan lang po" nakangiting sabi ni Josh

   "Sabi ko na nga ba e, parang magkamukha na kase tayo" proud na sabi ni tots

    "Hoy ang layo" pangbabara ni Jayce

Natawa naman kami

   "Kamusta Joshy boy, ayos ba lagi ang pakiramdam mo?" tanong ni Jayce

   "Okay naman kuya Jayce lumalakas na at malapit na akong gumaling" maligalig na sabi ni Josh

   "Mabuti naman pagpatuloy mo lang ang pag iingat at pag inom mo ng gamot" bilin sa kanya ni Jayce

Nagtaka ako ng bigla akong titigan ni Josh

    "Ba-bakit?" tanong ko

   "Kuya, anong nangyari sa mukha mo?" tanong nya

Oo nga pala nakalimutan ko magface mask

   "A-ano kase nadapa si kuya mo" palusot agad ni Bei

Parang di naman kumbinsido si Josh at nakatitig lang sakin

   "Oo nadulas yan sa gym, hindi kase nag iingat" dagdag ni tots

Napa iling naman si Josh sa dismaya

     "Mag iingat ka kase kuya" pangaral nya sakin

    "Opo sorry" sabi ko at napahawak nalang sa batok sa kaba

Dinala namin sa munting sala ang mga pagkain

    "Oh Joshy boy sayo to" abot ni bei ng Juice at burger

   "Thank you po kuya bei" pasasalamat ni Josh

Napangiti naman ako

    "Aray ko, wag ka ngang malikot tots" daing bigla ni jayce

    "Sensitive mo naman" natatawang sabi ni tots

    "Sensitive talaga, masakit pa yung legs ko dahil sa training" reklamo ni jayce

    "Wag mo kasing ginagalingan masyado, di ka rin naman makakapalo sa actual game" pang aasar ni tots

    "Naalala ko na naman kahihiyan natin last game" natatawang sabi ni Jayce

  "Mutik na akong magka identity crisis. Di ko na alam kung middle blocker pa ba ako o kangaroong naligaw sa laro" natatawang sabi ni Bei

    "Unli jump tayo dun pare" sabi naman ni Tots

    "Baliw na fhen yun, ayaw tayo isali sa laro" inis na sabi ni bei

    "Okay sya naman sa training pero pag actual game na, bigla syang nagbabago ng play" Sabi ni Jayce

    "Sinabi mo pa" sang ayon ni Bei

   "Isang game pa, kapag talaga hindi pa din tayo nabigyan ng set uupo nalang ako sa bench at makikipag laro ng Jackstone" sabi ni tots

Natawa naman sina Bei at Jayce 

Napatingin ako kay Josh na mukhang inaantok na

    "Josh pasok kana sa kwarto mo at magpahinga" utos ko sa kapatid ko

    "Opo kuya, good night po" inaantok na sagot nya

Isa isa muna nya kaming niyakap bago pumasok sa kwarto

   "Sya nga pala Jayce, nakita ko palang nanunuod ng training sina furukawa kanina" sabi ni Bei

   "Laging namang nasa gym yun, trip ata ang panunuod ng laro" sagot ni Jayce

   "Oo at mukhang trip ka rin, laging nakatitig sayo e " pang aasar ni tots

   "Pansin ko nga pero aaminin nyo maganda sya" nakangiting sabi ni Jayce

   "Asus binata na si jayce" tukso ni tots habang tinutusok tusok ang tagiliran ni jayce

    "Bakit kayo, hindi ba kayo nagagandahan sa mga nursing students na kaklase natin ngayon?" tanong ni jayce

    "Ma-maganda din yung Maraguinot" pag amin ni Bei

Nagkatinginan kami ni tots

   "Narinig mo yun dean parang kinikilig ako" pang aasar ni tots

Tumango naman ako

    "Marunong lang talaga kami umappreciate ng maganda, di tulad mong puro pang aasar lang ang ginagawa" depensa ni Bei

   "Oo na, sabi nyo e. siguradohin nyo lang na hindi ikagagalit ni fhen yang pang aappreciate nyo" hirit ni tots

   "Mukhang si Galanza naman yata ang nililigawan nya kaya marked safe kami dalawa" natatawang sabi ni jayce

Naalala ko naman yung naging eksena ni Fhen at Galanza

Nagtaka kase ako nung magtitili-an ang mga kaklase namin

Napatingin ako sa pinagkakagulohan nila at nakita ko si Fhen at Galanza na nakatayo sa pinto ng room

Parang sinusuyo pa nga ni fhen si Galanza dahil may hawak etong bouquet ng flowers

Nung pagharap ni Galanza ay saktong nahuli nya akong nakatingin sa kanya at flowers na dala nya

Nagbawi agad ako ng tingin dahil baka isipin nyang chismoso din ako

   "Hoy dean, ayos ka lang?" tawag ni Bei sa atensyon ko

    "Etong si dean nadinig lang ang pangalan ni fhen nawala na sa ayos" natatawang sabi ni tots

   "Lagi ba namang sinisigawan at inaaway e" hirit ni jayce

   "Wag kang mag aalala Dean may araw din yang si fhen" sabi ni tots

   "Hayaan nyo na, sanay na din naman ako" sabi ko sa kanila

Nagtulong tulong kaming magligpit ng kalat bago sila nagpaalam na umuwi

Minabuti ko ring e check ang mga school work na dapat kong gawin bago magpahinga

Habang kinakalkal ko ang bag ko ay napansin ko ang isang medical kit

Bat may ganito dito

Binuksan ko medical kit at sa loob neto ay mga gamot at pamahid

May napansin din akong maliit na note

"Effective yan pang heal ng sugat at pasa, pagaling ka"

Napa isip agad ako kung sino ang nagmalasakit at naglagay nitong gamot

Nakakahiya kung hindi ako makakapagpasalamat sa kanya

BewitchedWhere stories live. Discover now