13th

184 16 0
                                    

  Katatapos lang ng class namin at  nakatambay kami ngayon kasama ang mga pets

   Hinayaan ko lang na maglaro at tumakbo takbo si Ollie habang nagkwekwentohan kami

  "Anong tingin nyo dito sa activity natin?" tanong samin ni Kyla

   "Okay lang, maliban dun sa partner ko" Sagot ni ced

   "Bakit naman?" natatawang tanong ni Kyla

   "Te pangalan pa nga lang ng pagong hindi na kami magkasundo, what more sa narrative" reklamo ni ced

Natawa naman kami

   "Give him a chance makulit lang talaga si Tots pero okay naman  sya" natatawang sabi ni Yumi

   "Oo nga, pagtyagaan mo na kesa naman sa mag isa mong gagawin ang activity" Sabi naman ni Kyla

    "Ano pa nga ba, wala din naman akong choice" pagsuko ni Ced

   "Basta ako masaya sa partner ko" kinikilig na sabi ni Yumi

   "Malamang si Jayce partner mo e" hirit ni Ced

   "Ngayon palang excited na ako sa thought na mas mapapalapit na ako sa kanya" kinikilig na sabi ni Yumi
 
   "Ang landi talaga" parinig ni Jho

   "Ay may bitter" sagot naman ni Yumi

   "Hindi ako bitter no" depensa ni Jho

    "Masungit lang ganun?" asar ni Yumi

    "Bawas bawasan mo yang kasungitan mo Jho, pati pusa mo nahahawa na sayo" tukoy ni Ced kay louisse

   "Ang tawag dyan mana-mana" pang aasar ni Kyla

Napa irap lang si Jho

    "Buti pa tong si Jema, mukhang kalmado lang sa puppy nila" sabi ni yumi

Napangiti naman ako at pinagmasdan si Ollie na naglalaro

   "Kalmado nga yung puppy kabado naman yung partner" natatawang sabi ni ced

   "Hoy ang sama mo" saway ni Yumi

   "Totoo naman e, sa sobrang  mahiyain ni Dean nagkakanda utal-utal pa sya" Sabi ni ced

   "Pansin ko rin yan, straight lang sya mag salita pag mga kaibigan nya at si ollie ang kausap" sabi naman ni Jho

   "Need nya lang konting confidence and he'll be okay, right Jema?"  Sabi ni Kyla

Ngumiti naman ako at tumango

   "Hi girls" bati ni Jayce na kadadating lang kasama ang boys

   "Hi burdagol" tawag ni Carlos sa pagong nila

  "Carlos Jr. nga kasi" reklamo ni ced

Nagtawanan naman kami dahil nag aaway na naman yung dalawa

   "Nasan si dean?" tanong ko nung mapansin kong hindi nila eto kasama

   "Nasa gym, naglilinis pa kasi sya  after ng training namin" sagot ni Bei

Tumango naman ako

  "Kung gusto mo puntahan mo nalang sya, baka patapos na rin yun" nakangiting sabi ni Jayce

   "Ah okay, excuse muna ha" paalam ko at kinarga si Ollie

BewitchedWhere stories live. Discover now