Napilitan akong manuod ng volleyball game kasama ang mga kaibigan koPagpasok palang ng gym ay napansin na agad namin ang dami ng taong nag aabang sa game
"Sis dito tayo malapit sa bench ng players" kinikilig na sabi ni kyla
"Diba tayo tatamaan ng bola dito?" pag aalala ni ced
"Hindi yan, dito talaga ang may pinakamagandang view" kinikilig na sabi ni yumi habang nakatingin sa nagwawarm up na si Delos reyes
"Jema si fhen" bulong ni Jho
Napalingon naman ako at nakita ko si fhen na papalapit samin
"Hi Jema, buti at dumating ka" masayang sabi ni fhen
"Ah oo, natapos ng maaga ang class kaya na isipan naming manuod" sagot ko
"Great, chill ka lang and watch us win this game" confident na sabi ni fhen
"Siguradong sigurado ah" sabi ni ced
Tumingin si fhen sa mga kalaban nila tapos binalik ang tingin samin
"Oo naman, never pa naman silang nanalo samin" mayabang na sabi ni fhen
"Fhen warm up na" tawag ng coach nila
"Yes coach, balikan ko kayo later girls " sabi ni fhen at umalis
"Kahit wag na" hirit ni ced ng malayo na si fhen
Di ko naman napigilan ang mapa iling sa sinabi ni ced
Nagsimula na nga ang laro at kasama sa first six ang mga bagong players na sina Delos Reyes, De Leon at Carlos
Palitan lang ng score ang dalawang team at mga bagong players ang pumupuntos para sa team nila fhen
"Ang galing ni jayce, I'm so proud" kinikilig na sabi ni Yumi
Maganda ang laro dahil malakas din ang kalabang team
Sunod sunod ang puntos ng mga bagohan at lumakas na din ang cheer para sa kanila
Maayos na sana ang takbo ng laro hanggang sa may napansin kaming nag iba
Hindi na gaanong senesetan ng bola ni fhen ang mga bagong players
Binibigay na nya ang set sa mga kaibigan nyang sina nico at xander
"Anong nangyayari, bakit ayaw nang bigyan ng set ni fhen sina Delos Reyes, De leon at Carlos" tanong ni yumi
"Pansin ko rin, napapagod na sa kaka approach yung tatlo pero hindi pa din sila mabigyan ng set" puna ni Kyla
Nagtuloy tuloy ang magandang laro ng kabilang team
Nakahabol sila nang hindi na block ni fhen ang palo ng isang player
Sa sobrang lakas ay natumba pa si fhen
Pagtayo neto ay may lumapit agad na lalaki para punasan ang na iwang pawis sa sahig
Yung lalaki sa biology class
Eto pala ang trabaho nya
"Bilisan mo nga, napakabagal mong kumilos" sigaw ni fhen sa kanya
Binilisan nung lalaki ang pagpupunas at umalis agad
"Jusko Jema yang manliligaw mo ha" iritableng sabi ni Jho
Halatang halata ang pagkawala sa mood ni fhen kaya nag time out ang coach nila
"Fhen ano bang nangyayari sayo, porsyento tayo kena carlos pero ayaw mo bigyan" sabi nung coach nila
"Bawi ako coach" sabi ni fhen
"Bigyan mo ng magandang set si de leon sa gitna" utos ng coach nila
Tumango si fhen tapos bumalik na sila sa court
Nagpataloy ang laro pero hindi pa rin binigyan ni fhen ng set yung tatlo
Nahirapan silang makabawi at natalo na nga laro
"Ano ba yan napagod lang si delos reyes ko, talo din pala" reklamo ni yumi
"Shutang fhen yan napagod lang kakatalon sina De leon" natatawang sabi ni kyla
"Tawang tawa kyla? Hindi ka manlang ba nalungkot na talo ang team ng school natin?" tanong ni Jho
"Nasa acceptance stage na ako mula nung mapansin kong ayaw bigyan ni fhen ng bola sina delos reyes, carlos at De leon" paliwanag ni kyla
"Sayang yun, kaya naman e" nahihinayang sabi ni ced
"Umuwi nalang tayo girls" aya ko sa kanila
Palabas na kami ng gym kasabay ng ibang studyante nang biglang akong nabangga
"Ouch" daing ko
"S-sorry po" hinging paumanhin ng lalaki
Yung tahimik na kaklase pala namin ang nakabangga sakin
"Jema ayos ka lang ba?" tanong ni Jho
Tumango naman ako
Biglang dumating si fhen at tinulak ang nakabangga sakin
"Hindi ka ba marunong mag ingat" sigaw ni fhen
"Hindi sinasadya Dean" Sabi ni De Leon na pumagitna agad sa dalawa
"Wala akong paki sa basurang yan, pagsabihan nyo syang wag pakalat kalat" sigaw ni fhen kay Dean na nakayuko lang
"Natulak lang din naman sya ng mga taong palabas" paliwanag ni Carlos
"Pinagtatanggol nyo to" galit na sabi ni fhen na gustong sugurin si Dean
"Fhen ano ba" saway ko kay fhen
"Ms. Galanza sorry ha, hindi talaga sinasadya ng kaibigan namin" sabi ni Jayce
Tumango naman ako at ngumiti
"Thank you, alis na kami" paalam ni De leon sabay hatak kay Dean
"Bye jayce" pa cute ni yumi na inipit pa ang buhok sa likod ng tenga
Ngumiti lang si Jayce at sinundan agad ang mga kaibigan nya
"Jema hatid na kita" kalmadong alok sakin ni fhen
"Hindi na fhen may dala akong kotse, magpahinga ka na lang" dismayadong sabi ko
Nawalan ako ng gana sa pinakitang ugali ni fhen
"O-okay sige, mag ingat kayo" sabi ni fhen
Tumango lang ako at umalis kasama ng mga kaibigan ko
