10th

162 9 0
                                    


Dean--

Nakatambay kami ngayon ni Josh sa lilim ng puno at nagpapahangin

  "Josh kamusta ang pakiramdam mo" tanong ko

  "Pagaling na ako kuya, lumalakas na po" nakangiting sagot ni Josh sabay flex ng mumunti nyang muscle

  "Hindi na ba sumasakit ang puso mo at hindi ka na rin nahihirapang huminga?" panigurado ko

  "Hindi na kuya, malapit na akong gumaling at mag aaral na ulit ako" pursigidong sabi ni josh

  "Talagang namimiss mo na mag aral ah" gulo ko sa buhok nya

   "Syempre naman kuya, gusto ko na kase makapagtapos para maka graduate ako at matulongan na kita" nakangiting sabi ni josh

"Kaya ko pa naman, ang gusto ko lang ay maging healthy ka para matupad mo ang mga pangarap mo" Sabi ko

Tumango naman sya

"Ikaw kuya, ano bang pangarap mo?" seryusong tanong nya sakin

"Ako? pangarap kong mabigyan ka ng maginhawang buhay" sagot ko

Napakamot naman ng ulo si Josh

"Bakit para sakin ang pangarap mo kuya?" pagtataka nya

"Kase yun ang makapagpapasaya sakin at kontento na ako dun" sagot ko

"Thank you po, pero wala ka bang ibang pangarap Yung para sa sarili mo naman?" tanong ulit ni josh

Napaisip naman ako

"Seryuso ng usapan nyo dyan ah" singit ni Bei na kadadating lang

"Uy Bei" nakangiting tawag ko

"Hi kuya Bei" bati ni josh sabay kaway

Ginulo lang ni Bei ang buhok ni Josh at ngumiti

  "Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?" tanong ko

  "Wala naman, ibibigay ko lang sana sayo to" abot ni Bei sa dala nyang paper bag

"Ano to?" tanggap ko

"Sapatos, pasensya kana nagamit ko na yan pero hindi pa naman ganun ka luma" nahihiyang sabi ni Bei

"S-salamat, pero para san to?" nagugulohang tanong ko

"Para may magamit ka sa training natin" nakangiting sagot ni Bei

"Training po?" tanong ni josh

"Part na kase ng team namin etong kuya mo" sagot ni Bei na umakbay pa sakin

Oo nga pala nasali na pala ako sa team

"Talaga kuya, maglalaro kana ulit?" excited na tanong ni josh

"A-oo, kulang kase sila ng isang setter" sagot ko kay josh

"Cool, gusto kitang panuorin kuya" excited na sabi ni Josh

"Oo ba, pagpwede, isasama kita" sabi ko sabay pisil ang pisngi ni josh

Napangiti naman sya

  "Ahm bei, di mo naman ako kailangan bigyan ng sapatos, nakakahiya" sabi ko kay Bei

"Ayos lang para may magamit ka at hindi na kailangan humiram dun kay nico" mapait na sabi ni Bei

"Ah Josh may ice cream dun, bili ka muna" utos ko kay josh at binigyan eto ng pera

"Sige kuya, wait lang ah" nakangiting sabi ni josh at tumakbo agad

"Mag iingat ka" bilin ko

"Opo" sigaw ni josh

Binaling ko naman ang tingin kay Bei

   "Napaka yabang kase ng mga yun pati pagpapahiram ng sapatos pinagdadamot" inis na sabi ni Bei  

   "Dahil lang ba sa sapatos kaya ka nagkakaganyan o may iba pa?" usisa ko

  "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Bei

   "Kilalang kilala kita, alam ko kapag may iba sayo" sabi ko kay Bei

   "Di kita ma intindihan" pagkukunwari ni Bei

   "Tulad ni Nico, may gusto ka rin kay Jho" prangkang sabi ko

   "A-ano bang sinasabi mo?" sabi ni Bei at nag iwas ng tingin

"Di mo naman kailangan itago sakin, alam ko yung mga pa simpleng tingin mo mo kay Jho" pangbubuko ko

Huminga ng malalim si Bei bilang pagsuko

  "Ma-maganda sya at matalino, normal lang naman to diba?" tanong ni Bei sakin

Tumango naman ako

"Oo naman at masaya ako para sayo" akbay ko kay Bei

"Pwede bang satin lang muna to, paniguradong aasarin lang ako nila tots at jayce" pakiusap nya

Tumango ako bilang pagpayag

"Isipin mo nalang na suhol tong sapatos sa pananahimik ko" biro ko sa kanya 

"Sira, pasasalamat ko na din yan dahil pumayag kang sumali sa team" nakangiting sabi Bei

Napahinga naman ako ng malalim

"Oh bakit?" tanong ni Bei

  "Ang tagal ko nang hindi naglalaro bei, baka hindi na ako makasabay" pag aalala ko

Inakbayan naman ako ni Bei

  "Ano ka ba, magaling ka pa rin naman, siguradong kayang kaya mo to" pagpapalakas ni Bei sa loob ko

Tipid lang akong ngumiti

   "Mga kuya ice cream nyo po" singit ni Josh na dala dala ang ice cream na nabili nya

   "Thanks Josh" pasasalamat ni Bei  

BewitchedWhere stories live. Discover now