I'm Dean Tyler Wong 22 years old maagang na ulila sa magulang kaya kapatid nalang ang kasama sa buhayWorking student ako sa school at palihim din na lumalaban sa isang under ground battle para sa pera
Tinitiis ko ang mga suntok at sipa na tumatama sa aking katawan kapalit ng pwede kong mapanalunan
Napipilitan akong gawin ang bagay nato pandagdag kita para sa gamot ng kapatid kong may sakit sa puso
Kasalukyang tumatagas ang dugo sa putok kong labi habang nakikipagsukatan ng lakas
Nagpakawala ulit ng suntok ang kalaban ko kaya na isip kong sabayan nalang din sya
Pareho kaming tinamaan sa suntok ng isa't isa
Natumba si Eli habang ako naman ay nanatiling nakatayo at pilit pinipigilan ang pagkatumba
Pinatigil ang laro at maswerte kong na ipanalo ang laban kahit medyo malala ang bugbog na inabot ko
Pagod man at nanghihina ay pinilit ko pa ring lapitan si Eli para yakapin at kamustahin
"Sorry pare" nanghihinang bulong ko
"Tanga ayos lang, ganun talaga ang laban" nakangiting sabi ni Eli
"Ayos ka lang ba?" pag aalala ko
Tumango si Eli
"Lakas mo, di ko kinaya" nakangiti sabi neto
"S-salamat" nahihiyang sagot ko
Nagulat ako ng magsilapitan ang mga kaibigan ko at si kuya cy
"Walang hiya ka, pinag alala mo kami" mahinang batok sakin ni Bei
"Sabi na nga ba dito ka lang namin mahahanap" Sabi naman ni tots
"Pano nyo nalaman na nandito ako?" nanghihinang tanong ko
"Dito lang naman takbohan mo pagkailangan mo agad ng pera" Sagot ni Jayce
"Nalaman ko kay mommy na naubosan daw ng gamot si Josh" Sabi ni Bei
Napakamot naman ako ng ulo
"Dean ang galing mo, eto na parte mo sa panalo natin" abot ni Kuya cy sa perang napanalonan ko
"Salamat kuya cy" tipid na ngiti ko dahil makirot pa ang mga tama ko sa mukha
"Bat di mo sinabi samin na kailangan mo pala ng pera?" sermon ni Bei habang pinupunasan ang dugo sa mukha ko
"Nahihiya na kase ako sa inyo, magagawan ko naman ng paraan" sagot ko
"Eto ba lagi ang paraan mo? alam mong illegal ang laro dito at walang rules, pano kung may mangyari sayo" sermon din ni tots
"Kelan mo ba titigilan ang sideline mong to, nag aalala kami tuwing lumalaban ka" Sabi naman ni Jayce
"Nag iingat naman ako, tsaka dito lang kase ang paraan para mabilis akong kumita ng malaki" paliwanag ko
"Sa susunod sabihan mo naman kami, hindi yung nagugulat nalang kami nasa laban kana" Sabi ni tots habang tinatanggal ang nakabalot na puting tela sa kamay ko na nagsisilbing gloves"Sorry" nahihiyang sabi ko
"Pano yan ang dami mo namang sugat" Sabi ni jayce
"Gagaling din naman to" sabi ko sa kanila
Napa hinga ng malalim si Bei
"Ayosin mo yang sarili mo para maka uwi na tayo" ma owtoridad na utos neto
Tumango naman ko at tumayo
"Kaya mo ba?" tanong ni tots na hinawakan ako para alalayan
Tumango ako at tipid na ngumiti
"Kuya cy! uwi na kami, salamat ha" tawag ko kay kuya cy
"Ingat kayo at pagaling ka" kaway ni kuya cy
Bago kami umuwi ng bahay ay dumaan muna kami ng pharmacy para bumili ng gamot ni Josh
"Dean suotin mo tong face mask para hindi mapansin ni josh yang sugat mo" abot ni Bei sa face mask
"Thank you" tanggap ko
Sa bahay ng mga De Leon ko iniiwan ang kapatid kong si josh tuwing papasok kami ng school
Bestfriend ng nanay namin ang mommy ni Bei kaya kahit ulila na kami ay may isang pamilya pa rin nagmamalasakit at umaalalay saming magkapatid
"Kuya" yakap ni josh ng makita ako
Pinilit kong wag sumigaw sa higpit ng yakap ni josh sa tagiliran kong may bugbog
"Ka-kamusta nagbehave kaba dito?" tanong ko
Tumango naman si Josh
"Bat ka naka face mask at cap kuya" pagtataka ni josh
Nagkatinginan naman kami ni Bei
"a-ah sipon, tama may sipon si kuya mo kase maalikabok kanina sa work nya" pagsisinungaling ni Bei
"Ay ganun ba, tara uwi na tayo para makapagpahinga kana kuya" aya ni Josh sakin
Nag mouth naman ako ng thank you kay Bei
Pagdating namin sa bahay ay agad kong inabot ang binili ko
"Josh, gamot mo"
Biglang sumilay ang tuwa sa mukha ni josh at niyakap ulit ako ng mahigpit
Napakagat labi naman ako para tiisin ang sakit
"Thank you kuya" bulong ni josh
"S-sige na dalhin mo na yan sa kwarto mo at magpahinga kana" utos ko
"Opo, good night po" paalam nya
"Good night" gulo ko sa buhok nya
Pagpasok ni Josh sa kwarto ay pumasok na din ako sa sariling silid
Naligo ako at halos mapasigaw sa hapdi ng mga pasa at sugat ko sa katawan
Hindi pwedeng mag mask sa school kaya naglagay agad ako ng yelo para mabawasan ang pamamaga ng mukha ko
