Hindi na kami pumasok sa mismong loob ng gymNanatili nalang kami sa may pasilyo habang pinapanuod ang mga nagpapractice
Kilig na kilig si Yumi habang nagtetraining si delos reyes pati din si Kyla na nag eenjoy kakatingin sa mga student athletes
May tumilapon na bola malapit sa pwesto namin kaya pinulot eto ni Jho
"So-sorry may tinamaan ba sainyo" nag aalalang tanong ni De Leon
"Wala naman" nakangiting sagot ni Ced
"Buti naman, gusto nyo bang maupo nalang sa bleachers para mas safe kayo" tanong ni De Leon na nakatingin kay Jho
"Ahm hindi na, saglit lang naman kame dito" sagot ni Jho at inabot ang bola kay De Leon
"Okay mag iingat ka, ahm I mean, kayo pala" Sabi ni De Leon bago nahihiyang bumalik sa court
Nagkatinginan naman kami at napangiti
"Mag iingat ka daw" tukso ni Kyla kay Jho
"Hindi mo ba nadinig yung KAYO" pagtataray ni Jho
"Nadinig naman, halatang nilusot lang" pang aasar din ni ced
"Ewan ko sa inyo" patay malisya na sabi ni Jho
Napangiti nalang kami at nag kunyaring hindi namin napansin na nag blush si Jho
Binalik ko ang atensyon sa court at nakita ko si dean na binibigyan ng bola si fhen
Napansin ko kung pano nagsmirk si fhen nang makita ang mga pasa at sugat ni Dean sa mukha
"Ahm girls saglit lang ha, punta lang ako ng comfort room" paalam ko
"Samahan ka namin?" alok ni Jho
"Hindi na, saglit lang naman ako" nakangiti sabi ko
"Okay mag ingat ka at balik ka agad" sabi ni Jho
Tumango ako at umalis
Ang totoo nyan ay hindi naman talaga ako pupunta ng comfort room
"Manong saan po ba dito ang locker nang utility?" tanong ko sa matandang lalaking nag lilinis
"Dun po sa bandang dulo ma'am, yung kulay green na pinto" turo ni manong
"Salamat po" pasasalamat ko
Pinuntahan ko ang tinuro ni manong at nakita ko agad ang tinutukoy netong green na pinto
Mukhang tama nga dahil nakita ko ang bag at uniform ni Dean
Nilabas ko ang medical kit na laging pinapadala sakin ni mommy in case of emergency
Nilagay ko yun sa bag ni Dean
Nagsulat din ako ng maliit na note
"Effective yan pang heal ng sugat at pasa, pagaling ka"
Nang okay na ay umalis din ako agad para balikan ang mga kaibigan ko
"Ayan na pala si jema" Sabi ni Kyla
"Buti naman nakabalik kana, uwi na tayo" aya ni Jho
"Tapos na kayo manuod?" tanong ko
Masayang tumango tango si yumi
"Thank you for being supportive Jema" yakap neto sakin
"Oh bakit si Jema lang, sumama din kaya kami" tampo ni ced
"Fine kahit napilitan lang kayo" yakap ni Yumi sa kanila
"Let's go" inaya ko na silang umuwi
Tumango naman ang girls
Pagdating ko sa bahay ay saktong dinner na
"Hi guys" sabay beso sa pamilya kong kumakain
Umupo ako para sumabay sa kanila
"Mukhang masaya ang ate ko ah" puna ni mafe
"Let me guess, okay na kayo ni fhen no?" sabi dad sabay tingin sa flowers na dala ko
Nagtaka naman ako sa sinabi nya
"Bakit nag away ba sila?" tanong agad ni mommy
"I heard misunderstanding daw " sagot ni dad
"Totoo ba Jema?" tanong ni mommy
"A-yes pero okay na po" na uutal na sagot ko
"Konting LQ lang yan hon, alam mo naman ang mga bata" nakangiting sabi ni dad
Ngumiti naman ako ng pilit
"Ang importante ay okay si Jema" Sabi ni mommy at napatingin sakin
"Bakit naman hindi, gentleman at mabait na bata si fhen" pagmamalaki ni Dad
"Di mo sure" mahinang bulong ni mafe
"Ano yun mafe?" tanong ni dad
"Wala dad, sabi ko.. di masure-rap to" tukoy ni mafe sa ulam
"Ibang ulam ang kainin mo" utos ni dad
"Yes po" sagot ni mafe at pasimpleng kumindat sakin
Siraulo talaga tong batang to
Matapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto
Naligo at ginawa ang aking night routine
Magpapahinga na sana ako ng biglang may kumatok sa kwarto ko
"Pasok" utos ko
"Ate" tawag ni mafe sakin
"Oh mafs, may kailangan ka?" tanong ko
"Wala naman, gusto lang kitang kamustahin" sagot ni mafe
Napatingin naman ako sa kanya
"Bakit?" tanong ko
"Kahit naman palagi tayong nagbabardagulan hindi ko pa rin gustong naririnig ang pang prepressure ni dad sa lovelife mo" Sabi ni mafe
Pina upo ko agad sya sa tabi ko
"Thank you for saving me kanina" pasasalamat ko sa kanya
"Di ko kase malunok yung kinakain ko tuwing pinupuri ni Dad si fhen" pag amin ni mafe
"Bakit naman?" natatawang tanong ko
"Hindi naman kase totoong mabait yun, nakita ko kung pano nya sigaw sigawan yung cashier sa coffee shop na pinuntahan namin ng mga kaklase ko" kwento ni mafe
Hay nako fhen
Kahit saan nalang talaga
"Totoo ba yan mafs?" paninigurado ko
"Hoy ate, madaldal lang ako pero hindi ako sinungaling" pagtataray ni mafe kaya natawa ako
"Oh easy, umuusok naman agad ilong mo" biro ko sa kanya
"Naku pag yun sinagot mo bahala ka talaga sa buhay mo" pananakot ni mafe
"Opo ate" pang aasar ko
Inirapan naman nya ako
"Humanap ka ng tahimik at mabait na boyfriend, pang balanse sa masama at mabubunga mong ugali" sabi ni mafe
"Ah ganun, sige lumayas kana dito sa kwarto ko" tulak ko palabas sa kanya palabas
"Pangit" rinig kong sigaw nya sa labas kaya natawa nalang ako
![](https://img.wattpad.com/cover/332169589-288-k85671e.jpg)