Jema --
Weekend ngayon at wala akong gagawin
Tinatamad akong lumabas kaya plano kong mag stay nalang sa bahay
"Jema, may lakad ba ngayon?" tanong ni dad habang kumakain kami ng breakfast
"Wala naman po, dito lang po ako sa bahay" magalang na sagot ko
"Do you want to come with me sa office? Para naman mafamiarized ka sa takbo ng business natin" suggest ni Dad
"Hon weekend ngayon, pagpahingahin mo naman yung bata" alma ni mommy
"Ako nalang dad gusto kong sumama sa office mo" pag volunteer ni mafe
"Ban ka sa office" straight forward na sabi ni dad
"Bakit po? Dati naman sinasama mo 'ko dun ah" pagtataka ni mafe
"Last time na sinama kita na ubosan ako ng cash sa haba ng listahan mo sa pantry. Ang dami ding naningil na employees sakin dahil inutangan mo daw" reklamo ni Dad
Napanguso lang si mafe habang tawang tawa kami ni mommy
Matapos ang breakfast ay bumalik na ako sa room para manuod ng Netflix
Nagtaka ako nung may biglang kumatok sa kwarto
Baka si mafe na naman to
Pinagbuksan ko eto ng pinto
"Surprise" sigaw ni Kyla kasama ang iba pa naming kaibigan
"What are you doing here?" gulat na tanong ko sa kanila
"Bored kami sa bahay kaya dito kami tatambay sa inyo" sabi ni ced na nilampasan lang ako darechong pumasok sa kwarto
"We brought something din para may magawa tayo dito" taas ni Jho sa mga dala nila
"Ano ang mga yan" pagtataka ko sa dala nilang paper bag
"Curls, nail polish and skin care products" masayang sabi ni Kyla
"It's pamper time" maarteng sabi ni ced
Kanya kanya silang pwesto sa kwarto ko at sinimulan gawin ang kaartehan nila sa buhay
Habang busy ang lahat ay bigla kong napansin ang pananahimik ni yumi
"Anong problema nyan?" tukoy ko kay Yumi
"Ewan namin dyan, kanina pa yan wala sa wisyo" sabi ni Kyla na naglagay ng cream sa mukha
"Simple lang naman ang rason bakit nagkakaganyan yan" natatawang sabi ni ced
"Edi yung jayce na naman, weekend kase kaya hindi nya nakita" natatawang sagot ni Jho habang busy sa pag curl ng buhok nya
"Sige lang pag usapan nyo ako na parang wala ako dito" parinig ni Yumi
"Ano daw ba kase ang problema mo?" tanong ni Kyla
"Namimiss ko si jayce" malungkot na sagot ni Yumi
"See tama ako" natatawang sabi ni Jho
"Kung maka miss ka naman parang hindi nakita kahapon" Sabi ni Kyla
"Hindi nyo naman ako na iintindihan kase wala pa naman kayong taong nagugustohan" malungkot na sabi ni Yumi
"Na iintindihan ka namin Yumi, pero gusto lang namin ipaalala sayo na hindi mo naman kailangan maging sobrang lungkot dahil lang hindi mo sya nakita" paliwanag ko sa kanya
"Para kang baliw, hindi mo naman Jowa yun" pang aasar ni ced kay Yumi
Napangiti bigla si Yumi
"Malapit na" confident na sabi ni nya
"Maging baliw?" tanong ni ced
"Malapit ko na syang maging jowa" nakangiting sabi ni yumi
Napalingon kaming lahat sa kanya
"Nililigawan kana ni Jayce?" di makapaniwalang tanong ni Jho
"Hindi pa" sagot ni Yumi
"E pano mo na sabing malapit na, hindi ka pa pala nililigawan" nagugulohang tanong ko
Nagblush bigla si yumi
"Nahuhuli ko na kase syang tumitingin sakin minsan" kinikilig na sabi neto
"Oh tapos?" tanong ni ced
"Ibig sabihin napapansin na nya ako, sa susunod nun liligawan na nya ako" nakangiting sabi ni Yumi
"Pigilan nyo ako" nangigigil na sabi ni Jho
"Bakit ba?" tanong ni Yumi
"Anong bakit, nahuli mo lang na tumingin sayo sasabihin mong malapit mo nang maging boyfriend?" di makapaniwalang tanong ni Jho
"Oo, di nyo ba alam yung law of attraction? " Tanong ni Yumi
"Aba't may law of attraction ka pang nalalaman dyan, pa usokan nyo nga to " utos ni Ced
"Totoo ang law of attraction, dun daw nag simula ang lovestory ng grand parents ko" pagkumbinsi ni Yumi samin
"Hindi totoo yun" kontra ni Jho
"Kapag talaga na attract ka kay De Leon ibig sabihin totoo ang law of attraction" Sabi ni Yumi
Nagulat kami sa sinabi ni yumi
"Teka teka, anong kinalaman ni De Leon dito?" natatawang tanong ni ced
"Minsan kase nahuhuli ko si De Leon na nakatingin kay Jho, so baka ginagamitan nya din ng law of attraction" kwento ni Yumi
"Ganda naman po pala ng isang Jhoanna Louisse Maraguinot" pang aasar ni ced at mahinang sinabunotan si Jho
"Tigilan nyo nga ako, nagpapaniwala kayo dito kay Yumi" sabi ni Jho pero halatang pinipigilan ang kilig
"Malay mo naman totoo, try ko nga minsan" natatawang sabi ni Kyla
"Try nyo kahit kanino, mag work yan sa lahat" confident na sabi ni Yumi
"Talaga sa lahat?" tanong ni Ced
"Well except kay Dean" balewalang sabi ni Yumi
"Sino naman kaseng susubok na e attract si Dean, ni hindi nga tumitingin sa kahit sinong babae yun" natatawang sabi ni kyla
Nabitawan ko bigla ang hawak kong nail polish
"Jema okay ka lang?" tanong ni Jho
"O-oo dumulas lang sa kamay ko, order tayo ng foods nagugutom na ako" natatarantang sabi ko
Tumango naman si Jho
"Ako na oorder, ano gusto nyo" tanong ni ced
Sinabi namin ang gusto naming kainin at inorder naman eto ni ced