CHAPTER 04.
MY FATHER DIDN'T die in a mere car accident. It was because of an assassination attempt that led his car to crash to an establishment that afternoon. He was on the phone with me that day, informing me that he's on his way to buy my favorite dessert. But he went home dead instead.
Naging laman ng balita ang aksidenteng iyon. Some even rejoiced because the heartless mafia boss died, nabawasan na raw ang mga masasama sa mundo. His body was brought to the police, and we even had to take his body out secretly just so we could burry him in our land, where our deceased family members also rested.
We had a lot of people in mind na dahilan ng pagkamatay ni Daddy. But it all brought down to just one clan-the Luciano's.
They already killed my father. And now, they're after me, the current boss of Azarcon Family Clan.
If they want to bring my family down, uunahan ko sila.
I'd do anything just to keep my family in power. If I had to kill every single human in this world for that, I would. With no hesitation.
Nang tumunog ang bell na sinyales na lunch break na, napabaling kaagad ako ng tingin kay Roa na nililigpit na ang gamit niya. We have three hours until our next class, saan kaya siya pupunta? Siyempre bubuntutan ko.
I pursed my lips before I mustered up some courage and stood up. Lumakad ako papalapit sa upuan niya, at saka ako umupo sa katabing upuan. He stopped what he was doing, at saka siya napatingin sa akin.
Ngumiti kaagad ako. "Hello!" I even waved at him.
He didn't respond. Kumurap lang siya bago binalik ang atensyon sa ginagawa.
In my mind, I rolled my eyes in so much annoyance. But I had to maintain Kyrazene Ellie's personality, kaya pinanatili ko ang ngiti ko kahit gusto ko na siyang hilain na lang agad at ibagsak sa bintana nitong classroom na nasa third floor.
"Maglu-lunch ka na?" tanong ko. I wanted to slap my own face for asking something so obvious. But I had to initiate a conversation with this guy!
"Oo," tipid niyang sagot sabay tayo.
"Sama ako!" Tumayo na rin ako.
Natigilan siya. Magkasalubong ang makakapal niyang kilay na humarap sa akin, na para bang may sinabi akong hindi maganda. "What?"
Humakbang ako papalapit sa kaniya. "Sama ako," ulit ko. "I'm new here. Baka maligaw ako. Kaya sasama ako sa 'yo."
He stared at me for seconds bago niya nilibot ang paningin sa mga kaklase namin, kaya napatingin na rin ako. Some of our classmates were looking at us, may iba namang titingin lang saglit pero wala na agad pakialam.
"P-Pwede ka namang sumama sa iba-"
"Ayoko!" Ngumuso ako. "Sa 'yo na lang ako sasama. Please?"
Gusto kong masuka sa ginagawa kong pagpapa-cute sa kaniya. He has a good heart, he'd surely fall for this trick.
"Bahala ka." Lumakad na siya palabas ng classroom at nakangiting sumunod naman ako sa kaniya.
Nakangiti ako habang nakabuntot sa kaniya pero ang mga mata ko pasimpleng tinitingnan ang paligid. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko sa aking likod habang bahagyang binibilisan ang paglalakad dahil masyado siyang mabilis lumakad.
Nakalapit na ako kay Roa. The rest of this mission would be easy. He's easy to manipulate since his innocent and naive. I'd give myself two weeks or less. After that, he'd be inside our warehouse and crying for his dad's help.
Dumiretso siya sa cafeteria ng school. Marami na agad estudyante roon na nakapila. Pumila siya sa bandang dulo ng counter. Susunod na sana ako sa kaniya, kaso biglang may grupo ng mga lalaking naunang humakbang papalapit doon at binangga ng isa sa kanila si Roa, dahilan para maalis siya sa pila. Nagtatawanang pumila ang grupo at umaktong hindi nakikita si Roa.
BINABASA MO ANG
A Kiss To Baccara
RomanceSTATUS: ON-GOING Being the lady boss of Azarcon Family Clan was easy for Quincy Deanne Azarcon, especially when she was trained to be one ever since she was a child. Not until an assassination attempt by the rival family almost killed her, that led...