CHAPTER 17.
IN THIS KIND OF situations, my survival instincts and fighting skills would automatically activate. No doubt, I could just grab this person's arms and change our positions in seconds.
But at that moment, my body was just relaxed. My whole system was relaxed. I didn't even flinch. As if my body knew who it was so it didn't activate my survival mode.
I inhaled, and a familiar scent entered my nose. Hinawakan ko ang mga kamay na nakahawak sa mukha ko and surprisingly, binitawan ako nito agad kaya pumihit kaagad ako paharap sa humila sa akin papalayo.
Napasinghap ako.
"What the fuck, Trisver!" Tinampal ko kaagad ang kamay niya. "I could've twisted your arm!"
He scoffed. "You can't. Mauuna akong pilipitin ang leeg mo bago mo mapilipit ang braso ko."
Napabuga na lang ako ng hangin at saka napairap. "Hindi ba sinabi kong 'wag mo akong sundan?"
He raised a brow at me. "Hindi pwede. I need to be beside you all the time. You know that."
I groaned and just ignored him. Pumihit na lang ulit ako paharap sa direksyon ng cafe at napatigil ako nang makitang wala na roon sa loob sina Tito at ang kausap niya, pati na ang mga bodyguards!
Nilibot ko kaagad ang paningin ko dahil baka nasa paligid pa sila. I even looked down at the railings to see if they went out of the mall already, but I couldn't find them! What the hell!
"Quincy? May hinahanap ka ba?"
Napabaling ako ng tingin kay Trisver. I wanted to ask him if he knew Tito was here, and if he knew who Tito was talking to. But the other part of me was telling me that he might not know either that Tito was here, dahil siya mismo ang nagsabi sa akin ng schedule ni Tito kaya nga ako ang pinapunta ro'n sa anak ng senator.
Napabuga na lang ako ng hangin. "Nevermind. Let's just go home. I wanna take a hot shower."
Nauna na ako sa kaniyang lumakad. At habang naglalakad kami, sinabi ko sa kaniyang utusan ang iilang tauhan namin na kunin ang mga pinamili ko rito sa mall dahil tinatamad akong magbitbit ng maraming bags. And, obviously, he scolded me about my sudden shopping spree.
While I was submerged in my bathtub, bumalik sa isipan ko ang nakita ko kanina sa mall. That was surely my uncle, and he's talking to someone I didn't expect to be there, talking with him. O baka nagkakamali lang ako, dahil hindi ko siya gaanong makita mula sa kinatatayuan ko kanina.
Still, I'll give him the benefit of the doubt. After all, in this line of life I'm used to, backstabbing someone and lying isn't surprising anymore. Those are the norms here, to survive and thrive in this kind of life.
"Trisver..." Nasa tapat na ako ng kama ko, nakasuot ng robe, at naghahanda na matulog. Si Trisver naman, nasa pintuan at papalabas na sana pagkatapos niyang i-report sa akin ang progress ng transactions at ibang business namin sa araw na ito.
"Hmm?" Ihinarap niya ang katawan niya sa akin.
"Can you... track Roa's whereabouts for today?"
Nagsalubong kaagad ang mga kilay niya sa tinanong ko. "Why?"
I narrowed my eyes at him. "Do I really have to tell you? Just do as I say, Trisver."
Halatang naguguluhan pa rin siya sa tinanong ko, pero tumango lang siya at sinabing ibibigay niya kaagad mamaya kapag natapos niya.
Napabuga na lang ako ng hangin at pabagsak na ihiniga ang sarili sa kama, at saka napapikit na.
I am the current boss of this organization, but sometimes I feel like I don't know a thing about my people. Hindi naman required na alam ko but... I just don't feel comfortable anymore that people around me question my decisions and even doubt me, kung kailan matagal na ako rito sa larangang ito. Parang ako na rin tuloy, nawawalan na ng tiwala sa sarili.
BINABASA MO ANG
A Kiss To Baccara
RomanceSTATUS: ON-GOING Being the lady boss of Azarcon Family Clan was easy for Quincy Deanne Azarcon, especially when she was trained to be one ever since she was a child. Not until an assassination attempt by the rival family almost killed her, that led...