CHAPTER 09.
WHEN I WENT BACK to school as Kyrazene Ellie Amorata, I was so ready for a confrontation or a fight with Kace. But to my surprise, it seemed like he didn't recognize me. Hindi ko alam kung dahil ba sa effective ang disguise ko, o wala lang siyang pakialam sa kung sino ako.
Well, I should be glad. He doesn't recognize me. And I bet he doesn't even know my real identity. He's just Roa's friend from school, and he hasn't been to Roa's house. Pangalan at mukha lang ni Roa ang alam niya, hindi ang family background nito, kaya medyo safe.
If worse comes to worse, as I've always said, it'll be easier to dispose him since he's just a normal citizen.
Nabanggit na rin ni Trisver sa akin na huwag ko na lang sabihin kay Kace ang tungkol sa pagkikita namin na 'yon, dahil mukhang nagmamagandang loob nga lang talaga siya at hindi niya talaga ako kilala. I'll just go on with what I have to do and end things quickly before anything else happens.
May program ngayon dito sa school pero masyado akong walang pakialam para alamin kung ano at para saan ang program. All I know was that our classes would resume this afternoon, and we had no class the whole morning.
Nasa likod ulit ako ng school, nakasandal sa puno ng mangga habang humihithit sa sigarilyo ko. I had a lot in my mind right now and smoking helps me calm my mind and organize my thoughts, and relieve my stress.
I fished out my phone when I felt it vibrate inside my uniform's pocket. One of my men texted me an update about the production of Exta-C. Ang sabi niya, the samples were finished and were ready to be brought to Mr. Yuzuru next week. Mabuti naman at natapos agad despite the trouble that happened back at the factory.
Napaangat kaagad ang tingin ko sa direksyon ng pintuan nang marinig ko ang pagbukas no'n.
"Sabi na, nandito ka lang, eh!"
Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko si Kace, at nagkasalubong ang mga mata namin. He just smiled, and his eyes formed into crescent moons again. I hate it when he smiles like that, I didn't know why. I just hated when he smiles at me.
"Ano na namang ginagawa mo rito? Hinahanap ba ako ni Roa?"
Hindi siya sumagot agad. Humakbang siya papalapit sa akin. "Hindi. Pero ako, hinahanap kita," aniya habang naglalakad. "Nag-attendance na kasi sa section ninyo, ni anino mo 'di ko nakita do'n sa gym."
Napairap ako. "I'm not interested."
He chuckled. "Wow, good student nga."
It doesn't matter anymore if I let out a bit of my real personality. He already found out I smoke, anyway.
Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang lumakad pa siya lalo papalapit sa akin. Tinapunan ko siya ng masamang titig nang tumabi pa siya sa akin, at saka inagaw ang sigarilyo mula sa kamay ko.
"Ah," aniya pagkatapos maibuga ang usok mula sa sigarilyo kong inagaw niya. "Na-miss ko tuloy mag-yosi."
"Then buy one? O kung gusto mo talaga, bigay ko na lang sa 'yo 'tong isang pack--"
"Hindi na. Ayaw nga kasi ni Ayro sa mga naninigarilyo."
Napatitig ako sa kaniya. A thought came into my mind, and I didn't hesitate and quickly asked him, "paano ba kayo naging magkaibigan ni Roa? I mean, he looks like he doesn't consider you as one."
Natawa ulit siya. "Cliché ang paraan kung paano kami naging magkaibigan," aniya. Humithit ulit siya sa sigarilyo. "Alam mo namang binubully siya palagi rito, hindi ba? Naging kaibigan ko siya dahil naiirita ako kapag may mga feeling malalakas na kinakawawa ang mga walang laban dahil alam nilang 'di gumaganti. At naiirita rin ako kay Ayro, napakalampa at ang hina. Sa sobrang irita ko, ginawa kong knight and shining armor ang sarili ko para sa kaniya."
BINABASA MO ANG
A Kiss To Baccara
RomanceSTATUS: ON-GOING Being the lady boss of Azarcon Family Clan was easy for Quincy Deanne Azarcon, especially when she was trained to be one ever since she was a child. Not until an assassination attempt by the rival family almost killed her, that led...