Chapter 19

238 7 0
                                    

Chapter 19.

COME TO THINK OF IT. A boss' job should be handling the family business, but I don't do that since si uncle na ang nakatoka ro'n. A boss should meet with the potential business partners and the hold meetings every now and then, but I don't do that either dahil si tito na ang gumawa no'n. Technically, si tito ang "boss" at ako ay parang display na lang. Parang sinusunod na lang nila lahat ng sinasabi ko dahil lang sa ako ang nasa posisyon at wala silang karapatang tumanggi.

Magkakaroon ng event para sa buong college department namin next week. Busy ang lahat ngayon sa classroom para mag-brain storm ng gagawin para sa Business Week, habang ako naman ay nakaupo lang sa upuan ko at tahimik.

Roa didn't come to school today. Of course, knowing Luciano, he wouldn't risk his successor's life. His son was almost abducted. Baka nga pinaplano na niyang i-transfer ulit ng school si Roa dahil sa kapalpakan naming nangyari.

Thinking about it made my forehead crease more in frustration. Was it my fault? Or was it my men's fault? It couldn't be mine, because I did my best to get him out of campus without anyone tailing him. But if I say it's my men's fault, bakit naman papalpak si Trisver?

Napabuga na lang ako ng hangin at napahilot sa sentido ko. My train of thoughts were stopped when I heard my classmates scream in excitement. Mukhang tapos na ang pagpaplano nila.

Tapos naman na ang klase namin, at may dalawang oras pa bago magsimula ang kasunod na klase. Lumabas na lang ako ng classroom at nagtungo ulit sa likod ng school para magsindi ng sigarilyo at ipagpatuloy ang pag-iisip.

I bit my lip when Kace entered my mind again. Hindi pa nga pala kami nagkita ulit pagkatapos no'ng nangyari. Roa's absent for days, of course he has no reasons to come here if his friends isn't here. And I think... that's a relief. Because I didn't know what to say or do once I see him after what I did.

Ibabalik ko na sana sa bibig ko ang sigarilyo para humithit ulit, pero biglang may umagaw no'n mula sa akin. Napaangat ako ng tingin at napaawang kaagad ang bibig ko sabay kumalabog ang dibdib nang makita kung sino 'yon.

Speaking of the devil...

"Anong ginagawa mo rito?" I tried to sound casual and normal as possible amidst my system going wild inside.

He didn't respond. Umupo lang siya sa tabi ko, at saka inipit sa mga labi niya ang sigarilyo ko at lumanghap ng usok mula ro'n, sabay marahang ibinuga.

"May event kayo next week." Binaling niya na sa akin sa wakas ang mga mata niya. "Pupunta ka?"

Ako naman ang nag-iwas ng tingin. "Malamang. May attendance, eh." Naglabas na lang ako ng panibagong sigarilyo mula sa box at sinindihan 'yon.

Natahimik na kami pagkatapos no'n. It was really akward, and I didn't know what to do aside from not talk.

Iniisip kong baka nakalimutan niya na rin 'yon o kinalimutan niya na dahil hindi niya binring up ngayong magkasama kami. But not talking about it just made me feel more anxious and awkward, but I'd rather feel this than talk about it, honestly.

"Wala ka bang... nakakalimutan?" biglang tanong niya kaya napabaling na ako ng tingin sa kaniya.

"Huh?"Ubos na ang sigarilyong hawak, kaya tinapon ko na sa lupa at inapakan para mamatay ang apoy. "Wala naman?"

He inhaled, as if he was offended, before he threw the cigar he was holding and turned his whole body to face me. "Nakakasakit ka na ng damdamin, alam mo 'yon?"

My brows furrowed, still acting like I didn't know what he meant. "Ano ba kasi 'yon?"

Napasinghap ako nang bigla siyang umusog papalapit sa akin at inilapit ang mukha niya sa akin. Bahagya akong umatras para hindi magbanggaan ang mga mukha namin.

A Kiss To BaccaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon