Chapter 27

301 8 2
                                    

CHAPTER 27.

EVER SINCE I WAS A CHILD, whenever I want something, I always get it instantly. It doesn't matter what time of the day I asked for it, because my father and his men could give it to me immediately. Because of this, my patience has always been really short. I hate waiting, especially when I really want something.

With arms crossed over my chest, standing beside the shoe rack, as I watched Kace navigate his way to the kitchen with the groceries.

Kanina pa kanina nakarating, at kanina pa siyang tahimik. I've been waiting for him to speak more about what he said earlier about our clans, but he haven't said anything yet!

I groaned and rolled my eyes when he started unpacking the groceries instead of talking to me. "Oh, come on!"

Napahinto siya at napaangat kaagad ng tingin sa 'kin. He was smiling a bit, feeling happy with his groceries. "What?"

At may gana pa siyang tanungin ako n'yan?

Padabog at malalaki ang hakbang na lumapit na ako sa kaniya na nakatayo sa tapat ng lamesa. "You said you'll tell me something about my clan and yours. Well..." I raised my arms, urging him to talk "... we're here now. Start talking."

His amused smile widened. "Atat ka? Magluluto pa tayo ng tanghalian."

"Let's skip lunch. I'm not hungry."

"Well, ako, oo," aniya at saka binaba na ulit ang paningin sa groceries. "At sure ako gusto ring kumain no'ng dalawa."

Napasimangot na lang ako. "Tulungan na lang kitang magluto para mabilis na 'tong matapos."

Natigilan siya nang agawan ko mula sa kaniya ang plastic bag, at ako na mismo naglabas sa mga groceries. I separated the veggies and the instant and canned goods, and the wet ones. Nang natapos ako, nag-angat ako ulit ng tingin sa kaniya.

"What's next?" tanong ko.

He stared at me, his eyes still full of amusement. Marahan siyang umiling bago dinampot ang mga kailangan niyang ingredients mula sa mga groceries na sineparate ko. Lumakad siya papuntang counter at kinuha ang kutsilyo't chopping board doon. At noong bumalik, nilapag niya sa tapat ko ang mga 'yon. Kinuha niya rin ang iilang papatas at carrots, at saka niya rin nilapag sa ibabaw lang ng chopping board.

"Hugasan ang balatan mo ang mga 'yan," aniya kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"What? Hindi ba pwede namang kainin ang balat ng potato at carrots?"

"Oo, pero ako masusunod kaya hugasan at balatan mo na 'yan," pilit niya. Itinuro niya ang lababo. "Bilis na. 'Pag ginawa mo, magsasalita na ako tungkol sa--"

Mabilis akong humarap sa lababo at sinimulang hugasan ang mga gulay. I just rolled my eyes when I heard him laugh.

"Gamitin mo 'yong sponge o 'yong brush d'yan sa gilid. Hugasan mo nang maayos 'yan dahil fresh from under the lupa ang mga 'yan."

Sinunod ko naman kaagad ang sinabi niya. At noong natapos ko na, bumalik ako sa tapat ng lamesa at nilapag sa ibabaw ng chopping board ang mga katatapos ko lang hugasan na veggies.

I've skinned some people before, and I was even praised for how smooth and precise my method in doing it. So, I'm sure peeling these veggies won't be that harder than taking off someone's skin.

Dinampot ko kaagad ang kutsilyo, at nagsimula akong balatan ang patatas. I've never really peeled any vegetables before since I don't know how to cook, so I imagined that the veggies were chopped parts of a human body, and it made peeling veggies easier.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Kiss To BaccaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon