Chapter 1

1.1K 33 6
                                    

Ivy POV

"What? Panong nangyari yun?"sigaw nung Isang babae sa head namin.nasa office Kasi ako ngayun may inutos lang sa'kin.

"Well we don't know.It takes 6 months to renew your passport so you can't fly back to America."kalmadong sagot ni head.Bigla namang nanlaki Yung mga mata nung babae.Ang kyutt nya.

"6 months?! Are you serious?"mukhang Galit na galit na sya.

"What do you want? I will deport you or you will wait  your passport? Napahawak yung babae sa sentido nya at saka pumikit.

"Ah sir eto na Po yung pinapabigay nung ibang FA."Singit ko sa pag uusap nila.

Gusto ko na umalis sa office Kasi nakakatakot yung babae.

"Thanks Ms.Lacsina."Tumango naman ako saka umalis.

Nang nasa labas na ako Ng Airport ay saktong out nadin ni kamille.Sabay nalang daw kami umuwi Sabi nya kanina.

"Kanina ka pa labyeah?"pagkarinig ko ng boses ni kam ay lumingon ako.Parehas kaming nakauniform pa.Flight attendant Kasi kami.

Bago palang kami kaya Wala pang masyadong napupuntahan.

"Hindi naman.kakalabas ko lang.Natagalan Kasi ako sa office."Sabi ko sa kanya.

"Oh?Bakit?"Sabi nya saka naglakad.Naglakad nadin ako.Pupunta kami kung saan Ang hintayan ng taxi.Iisang building lang Yung condo naming dalawa e.

"May nagrereklamo Kasi kay sir Neil.Kailangan ata irenew yung passport nya dahil expired na."Kibit balikat Kong sagot sa kanya.

"OH MY G!Yan ba yung kanina na nakakulay white na maliit na babae na sobrang pogi tapos ang lakas ng appeal."Kinikilig na sabi ni kam sabay hampas pa sa balikat ko.Kuno't noo naman akong tumingin sa kanya.

"Ewan?Daming nakawhite kanina."Pagkasabi ko nun ay may kinuha si Kam sa bag nya.Pagkakuha nya ng cellphone nya kinalikot nya Yun.

"Eto ba?"Sabay tapat nya Ng phone sa mukha ko.

"Leche kamille cal.Oo nakikita ko.Ilayo mo nga yang cellphone mo."Kasi naman sobrang lapit ng cellphone nya sa mukha ko.

"Ay sorry.Naexcite lang."Sabi nya sabay layo ng cellphone.

"Patingin nga."Sabi ko saka kinuha yung kamay nya na may hawak Ng cellphone.tinignan ko yung picture na gusto nyang ipakita.

Pagtingin ko Hindi ko maiwasan ang mapatulala.Sya nga yun .

(A/N: Picture on the side)

Yung nagrereklamo Kay sir Neil kanina.Sobrang nakakaattract Pala sya pag nakangiti kahit d namn talaga kita lahat Ng mukha nya Kasi may mask.Pero nung nakasimangot sya kanina nakakaattract padin sya.

Naputol yung pagtitig ko sa picture ng ibalik ni kamuy yung cellphone nya sa bag nya.Bastos na Bata.

"Tama na!Natulala ka na sa crush ko.Nag ninja moves pa naman ako kanina para makuha yang stolen shot na Yan."

"Akala ko ba straight ka?"Tanong ko sa kanya.Sa wakas! Pangalawa na kami sa pila ng pagkuha ng taxi. Makakauwi na kami.Nakakapagod Kasi yung trabaho namin.Pero masaya.Simula pagkagraduate ko ng High school pangarap ko na talaga Ang maging Isang flight attendant.Kaya nung maabot ko na yung gusto ko? Sobrang saya ko.

lifetime Where stories live. Discover now