Chapter 9

579 39 9
                                    

Deanna POV

"Bro, my papakilala Ako sa'yo. Chixx 'to pero bawal taluhin. Masungit. Hindi ka uubra." Sabi ng bestfriend Kong si riri

Nasa birthday nya kami ngayun.

"Kelan pa walang umubra sa'kin?" Pagmamayabang ko sa kanya. May pagkahappy go lucky ako. Well, I'm just first year college. Wala pang stress na natatanggap sa buhay bukod sa mga exams at profs.

"Ang yabang mo talaga. Pero hintayin mo, padating na 'yun Sabi n'ya on the way na daw sya." Sabi n'ya habang natingin sa relos nya.

Tumungga naman ako Ng alak na nasa bote pa.

Kahit na alam kong may pasok pa bukas ay magpapakalasing ako. Wala namang may pake. At walang makakapake.

"Alam mo ri, mag enjoy ka muna. Mamaya mo na isipin 'yung ipapakilala mo sa'kin. Wala pa naman sya." Sabi ko saka tumingin sa paligid. Ang Daming tao halos lahat schoolmate lang namin pero syempre konti lang 'yung Kilala namin sa kanila.

Alam nyo naman, kapag nag invite ka Ng Isa, mag iinvite din 'yung ininvite mo tapos mag iinvite pa 'yun hanggang sa dumami na. Tapos hindi mo na Kilala 'yung pupunta.

"Ikaw, easyhan mo lang 'yang pag inom. May pasok ka pa bukas. May exam daw kayo ha!"

Napangiwi naman ako sa kanya.
Seriously?

"Hanep ka naman ri. We're in the middle of your party tapos 'yan ang sasabihin mo? Wag kang mamoblema. Kaya ko lahat." Saka uminom ulit.

Umiling iling naman sya sa sinabi ko.

"Marivic, happy birthday!" Rinig kong sigaw nung babae Mula sa likuran ko. Mumurahin ko sana dahil sa tapat pa talaga ng Tenga ko sumigaw.
Nakakabingi Po kaya.

Pero paglingon ko, nagulat ako sa Nakita ko

Bakit andito 'yang masungit na 'yan?

Nang mahuli nya akong tinititigan sya ay tinaasan nya ako ng kilay kaya napa roll eyes ako. Duh, baka iniisip nya, kaya ko s'ya tinititigan dahil nagagandahan ako sa kanya.

No way. Matangkad na maputi lang s'ya pero para sa'kin hindi s'ya maganda. Pero attractive.

Attractive? Really? Nadala na ata ako ng alak. Kung ano ano na 'yung nasasabi ng utak ko.

Nakita kong nagyakapan Silang dalawa ni riri kaya tumingin nalang ako sa mga tao sa paligid. Mas okay pang tignan ang ibang tao kesa sa babaeng kausap ng bestfriend ko.

Nakita kong may mga tumititig sa'kin pero hindi ko sila ineentertain. Parang tinamad ako bigla.

"Oo nga Pala ye, eto 'yung bestfriend ko. Si Deanna, hey Deans lingon ka naman Dito. Papakilala ko sa'yo si yeye."
Kinalabit pa'ko ni riri habang sinasabi n'ya 'yun. Kaya Wala akong no choice kundi lumingon sa gawi nilang dalawa.
Oo, Wala akong no choice.

"Hi I'm Deanna." Nakasmirk kong sabi sa kanya pero tinaasan nya lang ako ng kilay. Tapos yung tingin n'ya parang sinasabi na, 'Ginagago mo ba Ako?' look.

Bakit? Ano bang gusto n'ya? Wag na akong magpakilala kasi Kilala nya na ako. Ganun ba? Ayokong magtaka si riri. Makulit pa naman Yun kapag nagtataka. Tinatamad pa naman ako ngayun mag explain.

"Hey, wag mo munang sungitan ang bestfriend ko ye. Mabait naman 'yang si Deanna." Inirapan ko naman si riri bakit ba Kasi pinipilit nya pa yung Ayaw? Di ba nga may kasabihan na wag pilitin ang ayaw, baka pumayag.

lifetime Where stories live. Discover now