Chapter 8

653 41 13
                                    

Ivy POV

"Ha? Anong don't ka dyan?" Nagmamaang maagan'kong tanong.

"I said don't." Mahina n'yang Sabi. Magkalapit pa rin'yung mga mukha naming dalawa.

"Luh?" Tengene wala talaga akong masabi tapos hindi ko alam kung bakit hindi ko maigalaw 'yung katawan ko. Na stuck na kami sa ganitong posisyon. Hindi ko alam kung matutuwa ba'ko o hindi. Sobra na akong natetempt.

Lord easyhan lang Po na'tin'tong moment na 'to.

"I said don't .. stop." Napaawang naman 'yung bibig ko sa sinabi nya. Seryoso ba s'ya?

Dinilat nya 'yung mga mata n'ya at tinitigan ang isang pares ng mata ko.

Parang black hole Yung mga mata n'ya. Parang hinihigop yung hangin na namamagitan sa'ming dalawa. Kaya naman unti ko nang nilapit'yung mukha ko.

Nag angat naman sya ng Ulo ng bahagya para mawala na Yung gap na namamagitan sa'ming dalawa.

Shemss. Ito na ba Talaga? Mas real na real ba 'to sa nesfruta?

Naramdaman ko'yung malambot nyang labi sa labi ko.

Shemss ulit. Nasa heaven na ba ako? Lord wag muna. Mahal nyo 'ko dba?

Pero teka? Bakit parang may yumuyugyog? Tsaka parang hindi Pala malambot yung labi nya? Parang may buto? Teka may buto ba sa lips? Hindi ako na inform.

"Aybi?"

Tawag nya sa'kin. Pa'no nya ako matatawag eh hindi gumagalaw Yung labi nya?

"Aybi. Huy. Gising. Andito na tayo."

Ayan na naman yung yugyog. Ang galaw galaw nya naman oh!

Naramdaman kong may umuuntog aa may Ulo ko.

"Darling gising na. Nahihirapan ka na sa pwesto mo."

Agad akong napadilat ng mata. Siopao siomai suman naman oh! Panaginip lang Pala Ang lahat. Tang na inumin, pa'no nangyari 'yun?

"Buti naman gising ka na. Ang hirap mong gisingin." Sabi n'ya saka tumayo na sa motor. Nakaback hug pala ako sa kanya tapos yung Mukha at bibig ko nakadikit sa ibabaw ng balikat n'ya.

"Pa'no ako nakatulog?" Nagkukusot pa ako ng mata.

"Ewan ko? Basta huling alam ko yung sobrang lapit ng mukha natin kanina tapos Sabi ko pa nga don't Kasi akala ko hahalikan mo 'ko pero nagulat ako yung noo mo dumikit na sa noo ko. Tapos pagdilat ko nakapikit ka. Nakatulog ka Pala. Sorry kung napag isipan kita ng malisya. Akala ko talaga hahalikan mo 'ko, sorry talaga." Sincere n'yang Sabi.

TANDA KO NA! Nag panggap akong tulog para hindi ako mapahiya. Tsaka Todo sorry pa sya na napag isipan nya ako na hahalikan ko s'ya eh totoo naman. Argh aybi nakakahiya ka! Buti nalang nakaisip ka ng paraan.

"Ehh paano ako nakarating dito sa motor? Buti nakaya mong magdrive kahit yung angkas mo ay tulog?" Tanong ko sa kanya. Ang maingat nya, biruin mo nakaya nyang magmaneho ng motor ng puyat tapos nabantayan nya pa akong hindi mahulog habang nasa byahe.

"Ahh, pinapakiramdaman ko naman kung mahuhulog ka na o hindi. Ayoko kayang masaktan ka. Kaya sinusigurado kong hindi ka mahuhulog. Hm, Tara na? Kain muna tayo tapos pahinga na. Sobra na Kasi akong pagod ngayun. Ngayun lang Ako nakaramdam ng pagod kung kelan nakauwi na."

lifetime Where stories live. Discover now