Chapter 7

623 43 12
                                    

Ivy POV

" Ang baho mo deanna! Lumayo ka nga." Sabi ko sa kanya saka nilalayo 'yung yakap nya sa'kin. Pero ang totoo gusto ko pa sya makayakap kasi mabango sya. Kaso basa nga lang s'ya.

"Eto naman, natuwa lang Ako kaya gusto kita makayakap." Sabi n'ya habang nagkakamot ng batok. Mannerism nya na talaga yun kapag nahihiya.

" Bakit basa ka?" Pagkasabi ko nun ay hinahawakan ko yung jacket nya. Tsk, basang basa sya. Nagdive ba 'to sa ilog?

"Umulan kasi, kanina. Dito ba hindi?" Takang tanong n'ya.

Bigla akong nakaramdam ng pag aalala dahil nagpaulan sya. Nagpaulan sya dahil sa'kin, para matapos 'yung event. Kunsensya ko pa kapag nagkasakit sya.

"Hindi. Tara bumalik na tayo sa hotel. Magshower ka muna. Baka magkasakit ka. Tsk. Paulan paulan pa Kasi. Pwede namang magpatila muna."

Ginulo nya na naman 'yung buhok ko habang nakangiti. Hindi nya ba alam na ang hirap mag ayos ng buhok?

"Deanna naman ang hirap kaya mag ayos ng buhok. Tapos guguluhin mo lang?" Galit galitan kong sabi habang inaayos 'yung buhok ko.

"Ayos lang 'yan. Tara na nga." Sabi n'ya saka inakbayan na agad ako. Hilig talagang Mang akbay kapag naglalakad,Kala mo naman abot nya ako.

Pagkapunta namin ng kwarto namin ay ako na ang naghanda ng damit n'ya. Tinanggap nya naman 'yun at pumasok na sa banyo. Ramdam kong nilalamig na sya pero hindi nya lang sinasabi. Pa strong pa.

Makalipas ang ilang minuto lumabas na ng banyo si Deanna. Leche, bakit ang hot n'ya pag wet look?

Lang 'ya. Ivy Keith! Umayos ka.

Napailing iling na lang ako sa mga thoughts ko.

" Para kang baliw. Nailing iling mag Isa." Sabi n'ya habang pinapatuyo 'yung buhok nya.

" May naisip lang ako." Pagdadahilan ko sa kanya.

" Iniisip mo pa 'ko eh andito lang naman ako." Pagbibiro nya. At dahil hindi ko naman s'ya maabot para mahampas o masuntok binato ko na lang sya ng unan sa mukha and BOOM! Ayun, sapul sya. Kaya napabitaw sya sa twalya at tinignan ako. Yung tingin n'ya parang gusto mainis pero pinipigilan nya lang.

"Tssk. Aybi naman." She said softly kaya naman nakunsensya agad ako.

Patay ka Ivy Keith lacsina!!.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan 'yung magkabilang pisngi n'ya. Tinignan ko ng malapit yung mukha nya. " Saan masakit?" Tanong ko habang naghahanap kung may namumula bang part sa mukha nya.

Pero nung napadako ako sa mga mata n'ya feeling ko wrong move yung ginawa ko. Napatitig Kasi ako sa mga mata n'ya at ganun din sya sa'kin. Napatitig na naman ako sa mga nakakalunod nyang mga mata. Sobrang lalim kasi.

Naputol yung titigan namin ng biglang tumunog 'yung cellphone ko.

Pwede bang sakalin kung sino man yung tumatawag sakin ngayun? Tsk! Ang laking istorbo.

"S-sagutin mo n-na aybi, ayos l-lang ako." Mautal utal na sabi ni Deanna habang nilalayo nya yung mukha nya sa'kin.

Kaya kahit ayokong sagutin ay tumalikod ako para masagot yung tawag.

Pagtingin ko, si labyuh pala. Hala? Bakit kaya napatawag 'to? Naalala ko tuloy yung sinabi ko sa kanya na sa'kin na nakatira si Deanna, pansamantala.

Flashback

lifetime Where stories live. Discover now