Chapter 4

539 35 7
                                    

Ivy POV

Kasalukuyan akong nag aayos ng gamit ngayun dahil pauwi na'ko. Ngayun narin uuwi si kamille galing sa Bahay nila.

Habang naglalaka, iniisip ko kung dadaan ba 'ko kung saan lagi nakapwesto si Deanna. O iiwas na lang. Iiwas? Bakit naman ako iiwas eh wala namang nangyari na hindi maganda? Okay naman kami kagabi ni Deanna. Nung magkayakapan kami wala namang malisya 'yun. Oo Tama wala talagang malisya kaya Wala naman akong dapat ipag alala.

"Aybi!"napapikit ako ng marinig ko 'yung boses n'ya. Ibyang kumalma ka lang.

"Bakit ka napapikit? Masama ba pakiramdam mo?"Sabi n'ya saka itinapat yung kamay n'ya sa noo ko. Napadilat tuloy ako bigla.

"Wala ka namang sakit. So bakit ka nakapikit kanina?"tanong n'ya. Nginitian ko naman s'ya Saka naglakad ulit. Sinabayan n'ya 'kong maglakad.

"Saan mo nga Pala hihintayin si kamille? Ngayung gabi s'ya uuwi di ba?" Napakunot ako ng noo sa sinabi n'ya. Ako yung kasama n'ya tapos Ang tatanungin n'ya si kamille? Tsaka mukha ba 'kong departure area? Tss.

"Sa labas nalang siguro." Matamlay kong sagot. Yung mga ngiti n'ya kanina ay biglang nawala at napalitan ng straight face.

"Mukhang Wala kang gana ngayun. Sorry kung nakulit pa kita. Sige balik na 'ko sa pwesto ko. Ingat kayo ni kamille mamaya pag uwi." Sabi n'ya saka agad na tumalikod. Bigla naman akong nakunsensya sa pinakita ko sa kanya. Wala naman Kasi s'yang gingawa tapos magiging cold ako sa kanya.

"Deanna! Wait!"sabi ko sa kanya saka hinawakan s'ya sa braso para pigilan. Lumingon naman s'ya na tila nagtataka.

"Gusto mo samahan mo 'ko hintayin si kamille? Tapos magdinner tayong tatlo. Okay lang ba?"Pagkasabi ko nun ay biglang nagliwanag 'yung mukha n'ya.

"Okay lang sa'kin. Sa waiting area na lang kaya tayo maghintay para makaupo tayo? Baka mangalay ka n'yan."Sabi n'ya saka nagsimulang maglakad kaya sinundan ko s'ya. Alangan namang magpaiwan ako di ba.

"Oo nga pala bhousexcsh aybi mapagmahal,masaya ka ba kagabi?" Biglang nangasim 'yung mukha ko sa sinabi n'yang salita sa pangalan ko. Lakas makajeje.

"Tigilan mo 'yang kajejehan mo Deanna ha. Sakit sa pandinig."tumawa naman s'ya sa sinabi ko.

"Masamid ka sana sa kakatawa."Sabi ko saka inirapan s'ya.

"Okay titigil na 'ko HAHAHAHA. Pero hindi mo manlang sinagot 'yung tanong ko. Iniiwasan mo ba?" Sabi n'ya habang nagpipigil ng tawa. Ang sarap n'yang batukan.

"Hindi ko iniiwasan ha. Hindi pa ba halata? Subrang saya ko kaya kagabi. Tumango tango naman s'ya habang nakangiti. Ang kyutt n'ya kapag tinititigan mo s'ya tapos hindi n'ya alam na tinititigan mo Pala s'ya.

Naputol 'yung pagtitig ko sa kanya nang may narinig akong sigaw.

"Labyeah! Deanna! Waahhhh. Namiss ko kayung dalawa." Sigaw ni kamille Saka niyakap kaming dalawa. Nagdikit tuloy 'yung balat naming dalawa ni Deanna. May naramdaman na naman akong kakaiba na Hindi maipaliwanag.

"Kumain na ba kayo? Tara magdinner tayo sa labas." Sabi n'ya nang humiwalay na s'ya sa yakap.

"Hindi pa. Hinihintay ka namin para sabay sabay na tayo."Tumango naman s'ya at nagsimula na kaming maglakad. At habang naglalakad kaming tatlo, kwento lang ng kwento si kamille. Parang maririndi na ako. Kaso 'tong si Deanna tuwang tuwa pa at palaging natawa. Pakiramdam ko tuloy OP ako sa kanilang dalawa. Sila nalang kaya magdinner dalawa? Tapos uuwi nalang ako?

lifetime Where stories live. Discover now