Chapter 13

1.1K 54 48
                                    

Ivy POV

Minsan ba naramdaman n'yo nang mag Isa kayo kahit may mga tao sa paligid?
Yung literal na may Kasama ka pero Hindi mo sila dama?

Minsan ba naramdaman n'yo ng mapapaiyak ka na lang sa isang tabi dahil Wala kang magawa para Gawin 'yung gusto mo? Para sabihin 'yung nilalaman talaga ng puso mo?

Minsan ba nakaramdam na kayo ng pagkamiss sa Isang tao pero wala Kang magawa kundi hintayin nalang na mamiss ka rin nya?

Yung pakiramdam mo tinalikuran ka ng lahat ng tao kahit ang totoo ay lumayo lang Ang nag iisang taong importante sa'yo.

Ilang linggo ko na s'yang Hindi nakikita. Ilang linggo na akong nagtangkang puntahan at kausapin sya pero ano bang magagawa ko sa taong ayaw Kang Makita at makausap?

Hanap. Habol. Tago. Iwas.

Paulit ulit lang kami na ganyan.

Minsan napapaisip ako, bakit nya ako kailangang iwasan?

"Labyeah, kumain ka na. Ilang linggo ka ng matamlay ha. Ilang linggo nang Hindi ka kumakain ng maayos. Tandaan mo, wala Kay Deanna Ang kaldero mo. Kaya kumain ka na ng kumain." Rinig kong sabi ni kamille.

Imbis na sundin sya ay nagtalukbong nalang ako ng kumot at mas hinigpitan pa Ang pagkakayakap sa unan.

Suot suot ko Ang teddy bear na binigay ni Deanna sa'kin. Maaga palang ay naligo na ako at humiga sa kama ulit.

Linggo naman ngayun kaya pwedeng pwede Ang magmukmok maghapun sa kwarto. Tuwing gan'tong Araw nagfrifriendly date kami ni Deanna pero Wala sya Dito sa condo ko ngayun at ilang linggo na Ang nakalipas.

"Ivy Keith lacsina! Bumangon ka na Kasi d'yan. Babatukan na kita." Sigaw ni labyeah.

Pero Hindi ko s'ya pinakinggan at pinikit ko nalang Ang aking mga mata.

Wrong move, dahil pagkapikit ko ay Nakita ko sa isip ko si Deanna. At 'yung nangyari sa seawall.

Flashback

"N-nakita m-mo? Pero paano?" Mautal utal na Sabi ko sa kanya.

Nagbato muna sya ng maliit na bato sa dagat bago nagsalita.

"Isusuprise sana kita, kaya dapat kanina ay susunduin kita. Kaso, pagdating ko sa airport si kamille ang una kong Nakita. Tinanong kita sa kanya, Ang Sabi n'ya baka daw nasa paligid ligid ka lang daw. Kaya naman hinanap kita, pero saktong pagdating mo Nakita kitang nakatitig sa isang babae na titig na titig din sa'yo. Lalapitan sana kita kaso Nakita kitang umiyak kaya napako ako sa kinaroroonan ko." Napatigil sya sa pagsasalita atsaka yumuko.

Nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga bago magsalita ulit. Gustong gusto ko s'yang lapitan pero Hindi ko magawa.

"Nag usap kayong dalawa, nagyakapan at naghawakan ng kamay. Nang Makita ko kayong lumabas ng airport nagdalawang isip pa ako kung susundan ko ba kayo o hahayaan nalang. Pero nakasalubong ko ulit si kamille. Tinanong ko sa kanya kung sino yung kasama mong babae. Ang sagot nya sa'kin ay, ex mo daw 'yon. Si Gel. Do'n na ako nagkakutob na 'yung ex mo Ang nagpapadala ng mga hello kitty. Tama ba'ko?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

lifetime Where stories live. Discover now